CHAPTER 35

2K 36 0
                                    

Chapter 35

SAM-SAM's POV

"SAM-SAM! Gising ka na, yuhoo!" Napangiti ako nang marinig ko ang boses ng best friend kong si Anya Belle at kinatok pa nito ang pintuan ng bahay kubo ko. Oo, nasa labas pa rin siya ng bahay ko. Umagang-umaga, boses na niya ang maririnig ko agad.

Humikab pa ako saka ako dahan-dahan na bumangon. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko at nilapitan ko ang pintuan ko. Binuksan ito at ang nakangiting mukha ni Anya ang bumungad sa akin. Pero ang mas binigyan ko nang pansinin ay ang dala-dala niyang paperbag na alam ko na kung ano ang laman no'n.

"Anya, hindi ba sinabihan na kita na huwag ka nang tumanggap pa ng kahit ano'ng bagay mula sa lalaking iyon?" seryosong tanong ko sa kanya at nawala ang ngiti niya sa labi.

"Sam..." sambit niya sa pangalan ko at parang maiiyak pa siya.

Sumenyas ako sa kanya para pumasok sa loob at narinig ko pa ang paghinga niya nang malalim.

Nakakrus ang mga braso ko at walang emosyon na tiningnan ko siya.

"Sam naman, eh... Huwag mo akong tingnan nang ganyan," kinakabahan na sabi niya. Nakita ko pa ang panginginig ng mga kamay niya at wala pa sa sariling napaupo siya sa maliit na silya ko. Ipinatong niya sa mesa ko ang dala niyang paperbag.

Halos araw-araw ay bumibisita siya sa bahay ko para lamang ihatid ang mga pagkain na ibinibigay sa akin ng lalaking nagpakilala sa akin na mga Kuya ko.

Nang makita ko pa silang dalawa ay agad na naramdaman ko ang kirot sa sentido ko at tila may kung ano'ng alaala ang nais kumawala sa utak ko pero hindi naman nangyari. Tila pinipigilan ng kung ano mang usok ito.

Hindi ko naman sila kilala at sinabi pa nila sa akin na nagkakilala na raw kami sa Manila pero wala akong maalala na nagpunta ako sa lugar na iyon kahit na gustong-gusto ko pang pumunta roon.

Sa tuwing nakikita ko sila ay nananakit lamang ang ulo ko. Parang pinupukpok ito ng martilyo sa sobrang sakit. Kaya iniiwasan ko ang makita sila.

Nagulat nga ako nang makita ko sila. Dahil kamukhang-kamukha ko sila, kakulay rin ng mga mata ko ang isa. Pero hindi ko talaga sila kilala. Hindi ko matandaan...

Hindi ko nga rin alam kung bakit pinipilit din nila sa akin na nagkakilala na kami sa Manila at pati raw ang Tatay namin. Para sa akin, estranghero lamang sila sa buhay ko.

Basta ang alam ko lang ay nagising ako sa isang umaga na nananakit ang katawan ko. Ang sabi sa akin ni Engineer Lazer ay naaksidente raw ako at tinanong pa niya ako kung may naaalala ba ano bago ang aksidente ko. Ang tanging nasabi ko lang ay ang naaalala ko ay noong nagpunta sa bahay ko si Aling Nina dahil sinisingil niya ako sa utang ko at hindi ako nakapagbayad pero ang mga kapitbahay ko ang tumulong sa akin para makawala sa pananakit nito sa akin.

Tapos nagpunta na ako sa trabaho ko. Iyon lang ang naaalala ko pero ang sabi sa akin ni Anya ay may kulang pa.

Kaya nasabi rin ng doctor ko na posibleng nagkaroon daw ako ng amnesia. Hindi rin naman nila ako napilit na alalahanin iyon dahil baka ma-trigger daw ang head injury ko, ang sabi ng doctor sa amin. Kaya hinayaan na lamang nila.

Isang buwan na rin ang nakararaan nang nagpakilala sa akin ang dalawang lalaki na malaki ang pagkakahawig sa akin. Sina Charleston Shade at Charlie Cayden Lorenzo.

Nang makita nga ako ay umiyak pa sila at nabigla ako sa pagyakap nila sa akin nang mahigpit pero nang sabihin ko sa kanila na hindi ko sila kilala ay napahinto sila at natulala.

"Sam-sam, hindi mo ba talaga sila naaalala?" tanong niya sa akin.

"Anya, sa tingin mo ba kaya ko silang paalisin sa Pangasinan kung kilala ko sila?" balik na tanong ko sa kanya at umiling naman siya.

Oblivion Series 2: All Fake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon