Chapter 32: Space
ALAM kong masyado pang maaga o napakabilis nang pangyayari ay nagawa kong ligawan si Samantha kahit may parte sa isip ko ang sinasabi na hindi pa ito ang oras para sa bagay na iyon...
Hindi ko nga rin alam kung bakit ang bilis din magbago ng nararamdaman ko kay Carlin...at nailipat ang mga iyon kay Samantha.
Nagkagusto ako sa kanya unang kita ko pa lamang sa kanya. Pero habang naiisip ko na may nararamdaman ako sa kanya ay mas lumalaki ito... Umuusbong ang nararamdaman ko sa kanya. Kaya...umabot sa puntong mahal ko na siya kahit alam kong...
Hindi ko pa nakikilala ang tunay na pagkatao ni Sam-sam. Kahit na alam kong wala pa siyang naaalala tungkol sa buhay niya sa nakaraan.
Pero binalewala ko iyon dahil ang importante sa akin ay mahal ko siya at mahal niya rin ako.
Ngunit nang nag-uumpisa na kami buhay pag-ibig namin ay saka pa may darating na problema sa amin...
Siguro ay normal na iyon lalo na kung nagsisimula pa lamang kayo pero ang hindi ko lang matanggap...ay ang lokohin niya ako.
Habang magkasama kami ng girlfriend ko ay may lumapit na isang lalaki kay Sam-sam. Agad ko siyang nakilala dahil minsan ko na rin siyang nakatrabaho, casual lang din ang pakikitungo namin sa isa't isa.
Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit nilapitan niya si Samantha? Bakit parang kilala niya ang girlfriend ko?
"Samantha, hindi mo ako tinawagan noong pumunta ka na rito sa Manila. Naghintay ako sa tawag mo dahil inaasahan din ng mga tao na malapit sa 'yo na makakuha ng update kung kamusta ka na rito. Okay ka lang ba rito? Hindi ka ba nagkaproblema? Nag-aalala na silang lahat sa 'yo lalo na ang kaibigan mo." Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya at bumilis ang tibok ng puso ko sa naisip ko na posibleng kilala niya nga si Sam-sam.
Inaasahan ko na hindi siya makikilala ni Samantha dahil nawala nga ang alaala niya pero ang katagang lumabas sa kanyang bibig ang mas hindi ko inaasahan na maririnig.
"Engineer Lazer..." Engineer Lazer Yan Francesco... Kilala siya ni Sam...ang kahulugan lang iyon ay naaalala niya ito. Pero paano niya nakilala ito kung may amnesia siya?
Not unless nakaaalala na siya...
"Love..." tawag niya sa akin. Simula ng maging kami na ay iyon na ang tinatawag niya sa akin na nagustuhan ko naman pero...
May namumuong pagdududa at hinanakit sa puso ko. May itinatago ba sa akin si Samantha? May nalalaman ba siyang... nililihim niya rin sa akin?
"Kilala mo siya? Kilala mo si Engineer Francesco, Samantha?" sa halip ay tanong ko sa kanya o tamang sabihin na naaalala niya...
Dahil kung nawala talaga ang alaala niya ay hindi niya mabibigkas ng ganoon ang pangalan ng lalaking ito. Ni hindi ko man lang nakitaan ng pagtataka ang maganda niyang mukha.
"Of course, siya si Samantha Joyce Lorenzo. Taga-Pangasinan siya. Kilalang-kilala ko siya." Si Engineer Francesco ang sumagot sa akin.
Pangasiwaan... Taga-Pangasinan si Sam-sam? Hindi ko alam...
"Drimson..." she called my name.
Bigla ay naalala ko si Charleston Shade Lorenzo... Lorenzo... Unang kita ko pa lamang sa lalaking iyon ay alam kong may kakaiba na sa kanya... Lalo na nang makita ko ang mukha niya.
Kung hindi ko lang sila kilalang dalawa ay iisipin ko na magkapatid sila. Malaki ang pagkakahawig nila sa isa't isa. Iyon ang tama ako.
Kaya may hinala rin ako na baka...kapatid siya ni Samantha at totoo ngang may amnesia ito pero hindi lang siya pinilit ni Charleston dahil sa kalagayan niya. Dahil ayaw niya lang ma-trigger ang kapatid niya.
BINABASA MO ANG
Oblivion Series 2: All Fake (COMPLETED)
RomanceGENRE: Romance Ulilang lubos na si Samantha Joyce Lorenzo, at mag-isang itinataguyod ang kanyang sarili ngunit rakitera. Pinangarap niya ang makapagtrabaho sa Manila kahit alam niyang wala siyang mapapala ro'n dahil hindi siya nakapagtapos sa pag-aa...