Chapter 22: Commotion (Party)
"ARE YOU okay, Sam-sam? Bakit nanlalamig ang mga kamay mo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Kuya Charleston, nang marating namin ang parking lot ng condominium.
Kinakabahan kasi ako, eh. Lalo pa na first time kong dumalo sa isang party at hindi ko alam kung ano'ng klaseng party rin ba ang mayroon sa mga mayayaman.
At dahil sa tanong ni Kuya sa akin ay napatingin sa amin si Drimson. Hindi siya agad tumingin sa mukha ko, sa halip ay ang pinansin niya ang kamay kong hawak ni Kuya.
Nasundan ng mga mata ko ang pagtatagis ng bagang niya at tila umirap pa siya. Hindi ko alam kung tama ba ako sa nakita ko o guni-guni ko lamang ang pag-irap niya?
At bakit naman kasi siya iirap ng walang dahilan?
"Come on," masungit na sabi ni Carlin at hinila na niya si Dri sa sasakyan nito.
Sumabay ako kay Kuya sa kotse niya. Habang nasa biyahe na kami patungo sa hotel kung saan gaganapin ang party at nakasunod din ang sasakyan ni Dri. Naging tahimik din ako.
Ilang minuto lang ang nakalipas at nasa tapat na kami agad ng malaki at magandang hotel. Hindi naman pala siya kalayuan sa tinitirhan kong condo.
Grabe pala ang mga mayayaman at sa hotel pa ginanap ang birthday nito, ako? Pinsan nga ba ni Carlin ang may birthday? At bakit kaya isinama pa niya ako? Hindi kaya nakakahiya?
Ang dami kong mabubuong katanungan sa utak na hindi naman kayang sagutin ng sarili ko mismo.
"Sam...okay ka lang ba talaga? Hindi ka ba sanay? Umuwi na lang tayo..." ani Kuya Charleston. Mabilis na umiling ako at tipid na ngumiti.
"Ayos lang po ako, Kuya. Kinakabahan lang po ako at ngayon lang ako...naka-attend sa ganitong party... Opo, hindi ako sanay," nahihiyang sagot ko. Ginanap ni Kuya ang aking kamay at hinalikan ang likod nito.
"Kuya..."
"Hangga't kasama mo si Kuya, Sam... Huwag kang kabahan dahil nandito naman ako at hindi kita pababayaan," pagbibigay assurance sa akin ni Kuya. Effective naman dahil medyo nabawasan ang kaba ko sa dibdib. Nang ibaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon...
Tila may kung ano ang kumikirot sa puso ko nang makita ko ang pagdausdos ng matigas na braso ni Drimson sa baywang ni Carlin. Nag-iwas ako nang tingin para lamang makita ko ang pagsalubong ng kilay ni Kuya.
Hinawakan niya ako sa likod at bahagyang yumuko para lang mabulungan ako sa tainga.
"Do you like him, Sam-sam?" he asked me. Namilog ang mga mata ko at kinabahan ako agad.
Wala pang taong nakakaalam sa bagay na iyon. Ang sarili ko lamang pero nahihiya ako kung malalaman iyon ng sarili kong kapatid. Kasi ang lalaking gusto ko ay may nobya niya at pagmamay-ari na ng iba.
Hindi na puwedeng ipagpilitan pa ang bagay na hindi naman dapat... At itong nararamdaman ko ay isang kahibangan na lamang... Hindi ko na dapat ito pinagtutuunan ng pansin.
"Don't lie to me, Samantha," nambabanta na sabi pa niya, pero may lambing naman sa boses niya. Mabilis na tumango ako na ikinapikit ng kanyang mga mata.
"Tell me, Sam-sam..."
"W-Wala naman pong mangyayari kung sabihin ko na gusto ko siya, Kuya..." nauutal kong sabi at halos mabilaukan pa ako sa sobrang nerbiyos.
"Meron..." tipid na sabi niya sa akin.
Kuya Charleston caressed my face but there's someone na hinila ako dahilan na nakawala ako sa hawak ni Kuya.
Agad na lumingkis ang braso nito sa baywang ko at umawang ang labi ko...
"B-Bakit po, Dri?" nauutal kong tanong, dahil siya ang humila sa akin mula kay Kuya Charleston.
BINABASA MO ANG
Oblivion Series 2: All Fake (COMPLETED)
RomanceGENRE: Romance Ulilang lubos na si Samantha Joyce Lorenzo, at mag-isang itinataguyod ang kanyang sarili ngunit rakitera. Pinangarap niya ang makapagtrabaho sa Manila kahit alam niyang wala siyang mapapala ro'n dahil hindi siya nakapagtapos sa pag-aa...