Chapter 31: Accident
"A-ANO naman ang gagawin natin dito, Dri?" nagtatakang tanong ko sa kanya nang dinala niya ako sa lugar na ito.
Napatingin ako sa paligid at hindi ko naman maiwasan ang mamangha dahil napakaganda nga ng paligid lalo na iba't ibang mga bagay ang makikita mo ngayon.
Enchanted Kingdom...
"Dri..." tawag ko sa pangalan niya nang hinawakan niya ang kamay ko at inaya niya akong maglakad papasok.
"Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito..." nakangiting sabi niya.
"Gabi na, Dri... Ano'ng pinagsasabi mo?" nang-aasar na tanong ko sa kanya...
Hinalikan niya lang ang likod ng palad ko na mabilis na ikinapula ng magkabilang pisngi ko. Dahilan marahan niyang pinisil ito. Napasimangot ako.
"Manonood tayo ng sine..."
Isa sa pinangarap ko ang ganito... Ang makapanood ng sine na kasama ang magiging boyfriend ko...
Boyfriend ko... Hindi ko akalain na may boyfriend na pala ako ngayon...
At...sa lalaking ito pa na minahal ko lang sa maikling panahon. Pakiramdam ko nga ay ako na ang pinakamasuwerteng babae sa buong mundo. Bihira ka lamang makakatagpo ng lalaki na katulad ni Drimson... Kaya iingatan at mamahalin ko talaga siya.
"Dito na lang muna, Sam-sam. Pipila lang ako para makabili tayo ng ticket," sabi niya sa akin at pinaupo niya ako sa isang bench. Hinaplos pa niya ang buhok ko bago niya ako iniwan sa kinauupuan ko.
Habang naghihintay sa pagbalik ni Drimson ay inabala ko naman ang sarili ko sa pagtingin sa paligid. Hindi ko naman inaasahan na dadalhin niya ako sa lugar na ito.
Kung saan na mas maraming couple sa Enchanted Kingdom...
Hindi naman nagtagal ay bumalik si Dri, may binili na siyang drinks and popcorn. Kinuha ko mula sa kamay niya ang malaking popcorn at hindi naman siya umimik ng ako na ang nagpresinta no'n.
And after that night? Doon nagsimula ang relasyon namin ni Drimson...
Ang sabi raw nila, kung masaya ka...ay napakaikli raw ng oras para sa inyo ng mahal mo sa buhay... Mabibigla ka na lang isang araw na may problema na pala ang darating sa buhay mo.
Sa hindi inaasahan na pagkakataon ay nagkita kami ni Engineer Lazer Yan Fransisco, 'sakto na kasama ko pa ang boyfriend ko dahil ngayong araw rin ito kung kailan nilalaan niya ang oras sa akin.
"Samantha, hindi mo ako tinawagan noong pumunta ka na rito sa Manila. Naghintay ako sa tawag mo dahil inaasahan din ng mga tao na malapit sa 'yo na makakuha ng update kung kamusta ka na rito. Okay ka lang ba rito? Hindi ka ba nagkaproblema? Nag-aalala na silang lahat sa 'yo lalo na ang kaibigan mo," mahabang sabi niya at mukhang nag-aalala nga siya sa akin.
Kung hindi lang ako nagulat nang makita siya at agad kong nasambit ang pangalan niya ay sana makakapagsinungaling pa ako... Pero hindi rin, ayokong mas dagdagan pa ang kasalanan ko kay Drimson. Lalo na boyfriend ko na siya ngayon. Baka iniisip niya talaga na nagti-take advantage na ako sa kanya.
"Engineer Lazer..." sambit ko sa pangalan niya. Dahilan na lumuwag ang pagkakahawak sa aking kamay si Dri. Nag-aalalang na napatingin ako sa kanya lalo nang tuluyan na niya talagang binitawan ito.
"Love..." I uttered.
"Kilala mo siya? Kilala mo si Engineer Fransisco, Samantha?" tanong niya sa akin at sa pagbanggit lang ng pangalan ni Engineer Lazer ay alam kong kilala niya rin ito... Hindi malabo dahil parehong mundo ang ginagalawan nila.
BINABASA MO ANG
Oblivion Series 2: All Fake (COMPLETED)
RomanceGENRE: Romance Ulilang lubos na si Samantha Joyce Lorenzo, at mag-isang itinataguyod ang kanyang sarili ngunit rakitera. Pinangarap niya ang makapagtrabaho sa Manila kahit alam niyang wala siyang mapapala ro'n dahil hindi siya nakapagtapos sa pag-aa...