CHAPTER 20

1.5K 23 0
                                    

Chapter 20: New Work & Worried

"SUMAMA ka sa akin sa office ko mamaya," sabi sa akin ni Carlin. Ang seryoso ng mukha niya, ha.

Kinabukasan ay kinatok niya nang malakas ang pintuan ng silid ko para lamang gisingin ako. Hindi dahil sa uutusan niya ako na magluto ng agahan niya.

Kundi ang sabihin ang mga katagang ito, "Magtatrabaho ka roon para may ambag ka naman sa condo ko," masungit na sabi niya sa akin. Mabuti at hindi sa buhay mo.

Kasalukuyan na kaming kumakain ng agahan namin. Oo, kasalo niya ako kahit may galit pa siya sa akin. Marami ang niluto ko na sa una ay nagreklamo pa siya sa akin dahil hindi naman daw niya iyon mauubos at sumabay na lang daw ako sa kanya. If I know...

"Ano po ba ang trabaho mo?" tanong ko. Interesado akong malaman iyon.

"I'm interior designer... Shet, bakit ko na sinasagot ang tanong mo? We're not even close. Excuse me?" mataray na saad niya sa akin at inirapan pa ako.

Interior designer... Pangarap ko iyon, hala. Sana all naman.

"Eh, ano po ba ang trabaho ko na ibibigay mo?" pangungulit ko pa.

"Eh, ano ba ang trabaho ng mga taong katulad mo? Hindi ba katulong?" nanunuyang tanong niya sa akin. Sumimangot ako.

"Mas mukha ka pang katulong," mahinang bulong ko na narinig pa niya dahil sinamaan na naman niya ako nang tingin.

"Pakitanggal mo nga 'yang contact lens mo. Masakit sa mata ang kulay niyan, seriously?" aniya.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagkain. Ano ba ang tatanggalin ko? Tsk. Mula sa gilid ng eyes ko ay nakita ko ang biglaan na pagtayo niya at lumapit sa puwesto ko.

Nabitawan ko ang hawak kong kutsara nang marahas na hinawakan niya ang mukha ko. Pinikit ko ang mga mata ko dahil may balak yata siyang tusukin iyon ng kuko niya. Pero sa huli ay tinitigan ko lang siya at mas lalo siyang nagalit.

"Impossible! Paanong hindi 'yan contact lens?!" stressed na tanong niya sa akin. Nagkibit-balikat lang ako.

"AHH!" sigaw niya na ikinatawa ko. Ang aga-aga ay stress na siya sa akin.

Purple blouse at white pants ang isinuot ko ngayon. Curious ako sa work na ibibigay sa akin ni Carlin naghanda ako para sa sarili ko para wala siyang mapupuna sa ayos ko. Mataas na itinali ko rin ang mahaba kong buhok at sinukbit ko ang sling bag ko na wala namang laman na pera kundi ang pulbos at maliit na salamin lang.

Ang favorite sneaker ko na binili ni Dri ang isinuot ko. Napangiti pa ako nang maisuot ko na ito.

"Let's go!" Narinig kong sigaw ni Carlin mula sa labas ng aking silid.

Saglit na iginala ko ang paningin ko sa suot ngayon ni Carlin. She looks professional sa suot niyang dark green na coat at sa loob no'n ay ang itim na sleeves na masyadong mababa ang neckline, showy na naman si cleavage at dark green na slacks. Naka-heels din siya. Ang buhok niya ay nakabuhaghag lang din.

Ganoon din naman ang ginawa ni Carlin sa akin. Umirap lang siya sa akin.

Sumakay kami sa puting kotse niya at hindi pa man nakakabit sa katawan ko ang seatbelt ay agad na niyang pinaharurot nang mabilis ang sasakyan niya.

"Goodness! Magdahan-dahan ka naman po!" suway ko at natatarantang inayos ko na ang seatbelt ko. Narinig ko lang ang matunog na pagngisi niya.

Nakarating naman kami nang maayos nang hindi nakadisgrasya sa daan pero ang kaba ko sa dibdib ay sobrang lakas. Parang mahihilo pa ako sa bilis nang pagtakbo ng kotse niya.

Oblivion Series 2: All Fake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon