CHAPTER 4

1.3K 31 0
                                    


Chapter 4 : Worried

ILANG minuto ang nakalipas bago ko narating ang hospital. Wala pa ring malay ang babae kaya mas lalo akong kinabahan. Pinulsuhan ko siya kanina, buhay pa naman siya pero hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala sa babaeng ito.

"Nurse! Patulong naman! May pasyente po rito!" tawag pansin ko sa isang nurse, mabuti naman at sa entrance pa lang ay may nakatambay na nurse roon.

Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan ko at tinanggal ang seatbelt ng babae. Maingat na pinangko ko siya at may hinanda ng stretcher ang nurse.

"Dito po, Sir!" sabi nito sa akin at ibinaba ko na roon ang babae sa stretcher.

Kaagad na sinugod nila ito sa emergency room at siyempre sumunod ako. Ako ang nakadisgrasya sa babae kaya responsibilidad ko siya.

Sana naman ay hindi malala ang aabutin no'n.

Nakita kong sinuotan nila ng oxygen mask ang babae at may lumapit ng doctor dito.

"Nagsusuot ba ng contact lens ang pasyente? Pakitanggal," narinig kong usal ng doctor.

"Yes po, doc!"

"Ay! Natural po yata ang mga mata niya."

Sa isang bench na lang ako umupo habang naghihintay na matapos ang mga doctor. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko dahil sa sobrang kaba at takot. I don't know kung bakit ganito ang nararamdaman ko towards the girl.

I don't even know that girl but hell, I'm scared...

Siguro dahil baka makukulong ako kapag namatay iyon. Shoot! Ang dami pa namang namamatay sa car accident at baka hindi kayanin ng babaeng iyon.

Oh, please, woman! Still alive!

At dahil basang-basa ako ay kanina ko pa nararamdaman ang lamig. May spare clothes naman ako sa kotse ko para makapagpalit ng damit pero gusto ko na muna malaman ang kalagayan niya. Kung okay na ba siya.

"KAYO po ba ang kamag-anak ng pasyente, Sir?" tanong ng nurse nang makalapit sa akin.

And speaking of girlfriend! Oh, shit! Baka hinahanap na ako ni Carlin at mag-aalala pa iyon sa akin.

"Hindi. Ako lang ang nakasagasa sa pasyente," I told her the truth.

"How's she? Hindi ba critical ang condition niya? Magigising pa ba siya?" sunud-sunod na tanong ko sa nurse.

"Ang doctor na lamang po ang kausapin niyo. May identification card po ba ang pasyente? Puwede ko po bang makita? At kung may guardian pa po at ng matawagan namin, Sir." Umiling ako.

Ang babae lang naman ang sinagip ko at hindi ko na napansin kung may bag o mga gamit pa ba ang babae.

Inilabas ko ang wallet ko at mabuti naman ay hindi ito nabasa.

"Ako po ang bahala sa bills ng pasyente. Just call me kapag may guardian na ang naghahanap sa pasyente," saad ko at ibinigay ko sa kanya ang calling card ko.

Kaagad namang may lumapit sa akin na doctor, "Minor injury lang naman ang natamo ng pasyente. She will be fine. Hindi naman gaano kalakasan ang impact kung nasagasaan mo ang pasyente. Nagulat lang ito at sumabay pa ang gutom at pagod. Sa ngayon ay kailangan pa namin siyang i-monitor at madi-discharge naman siya as soon as possible," paliwanag sa akin ng doctor. I nodded.

Parang doon lang ako nakahinga nang maluwag.

"Thank you, doc," pasalamat ko sa doctor.

"May guardian ba ang pasyente? I need to talk to her parents. Bawal na muna siyang magbuhat ng mga mabibigat na bagay o magtrabaho. Kasi sa mga nakikita ko ay masyadong kinakawawa ng pasyente ang katawan niya. Wala siyang maayos na pahinga at madali siyang himatayin," dagdag pang sabi nito sa akin.

Oblivion Series 2: All Fake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon