[6:12 AM; May 21, 2022]
"Ako ay isang bata,
Isang mamamayang nag-iisa.
Ang aking ama't ina,
Sila ay lumisan na.
Ako man ay mayaman,
Ngunit hindi ako masaya.
Katulad ko ang isang halaman.
Isang halamang nagngangalang "Makahiya".
Ako ay nagtatago kapag ako'y binantaan at tinakot,
Na kahit anong laban ko, ang kasamaan ay patuloy na sumipot.
Hindi titigil ang mundo sa pag-ikot,
Kaya ako'y lalaban at hindi na matatakot.
"Tulong, tulong!", aking sigaw,
Ngunit ni isa ang dumalaw.
Hindi tumulong, hindi nakinig,
O bakit hindi niyo dininig ang aking tinig?
"Saklolo, kailangan ko ng tulong!"
Ngunit wala sa inyo ang tumulong.
Iniwan niyo akong humahagulgol,
Iniwan niyo ako bilang isang sanggol.
Iniwan niyo ako sa kamay ng aking lolo at lola,
Hindi na kayo bumalik sa tirahan nila.
Akala ko ba babalik kayo?
Nasaan na ang pangako?
"Huwag niyo siyang iwan!"
"Siya ay sanggol lamang!"
Nawala sila sa kawalan,
Ako ay iniwan na lang.
Balikan niyo ako!
Humihingi ako ng saklolo!
Balikan niyo ako!
Buksan ang iyong puso!
Dinggin ang aking tinig!
Kayo'y tumigil at makinig!
Ang boses ng makahiya,
Dapat 'di kinukutya!
Natakot at nagtago,
Kailan kayo magbabago?
Iligtas ang makahiya,
Na hindi na sumaya.
"TULONG!" sigaw nito
Siya ay humihingi ng saklolo.
'Di niyo pinakinggan at 'di niyo napagtanto.
Ang makahiya ay natalo.
Wala na ang makahiya,
Siya ay lumisan na.
Namatay na lumalaban,
Para sa buhay niyang pinaglalaban.
Tumindig para sa sarili,
Kahit siya na niya ang pinapili.
"Gusto mo pa bang mabuhay?"
Tanong ng diyos ng mga patay.
Siya ay napagod,
Siya ay sumuko.
Siya ay lumuhod.
At nangako.
"Pangako..."
"Ako ay lalayo..."
"Sa mundong ito..."
"Na hindi natuto..."
"Ang mundong hindi nakinig..."
"Ang mundong hindi tumindig..."
"Para sa buhay ng isang bata..."
"Na inihalintulad sa makahiya..."
"Ang "makahiya" na nagtago..."
"Dahil sa mga salot sa mundo..."
"Ngayon ay bumuka na..."
"Para ipakita sa inyo..."
"Ang makahiya ay lilisan na..."
"At aking ipapaalala..."
"Ang mga mahihina ay lalakas din..."
"At ang malakas ay hihina din..."
"Ang aking tinig na hindi pinakinggan"
"Sana'y iyong pagmasdan"
"Ang inyong kasalanang iwan lamang"
"Ang batang walang magulang..."
"...Ay inyong pinatay."
Sa susunod na buhay ng makahiya,
Na sa buhay niya ngayon, siya'y di pinagpala.
Sana mahanap niya ang kapayapaan,
At ang kasiyahan ay kanyang mahanapan.
Ang tinig na hindi niyo dininig,
Ay patuloy na tumitindig.
Ang mga nananahimik,
Sila ay ngayon umiimik.
LUMABAN PARA SA HUSTISYA!
LUMABAN PARA SA NAWALA!
Pakinggan ang kanilang tinig,
Buksan ang tainga at makinig.
To be continued...
YOU ARE READING
LOST MEMORIES
Kısa Hikaye[ 𝙲 𝙾 𝙼 𝙿 𝙻 𝙴 𝚃 𝙴 ] This book compiles all letters, poems and short stories that I have written in the past that I nearly have forgotten. These works were written from the past 2 years and these written outputs were works that I wrote in th...