1. Lost.

496 8 4
                                    


"I want this, Mommy!"

Napalingon si Jillian sa anak na may hawak-hawak na tsokolateng ang pabalat ay ang paborito nitong cartoon character.

Nasa grocery sila noon at napadaan lang sa section ng mga matatamis.

"Mommy, buy this for me, please?" Naka-pout ang lips at naka-puppy eyes na sabi pa ng four years old na batang 'di niya napansing tumigil pala at nanguha ng tsokolate.

"Shawn," umupo si Jillian para magpantay sila ng anak.

Smart parenting suggests na dapat tingnan daw sa mga mata nito ang bata kapag kinakausap ito. Sa ganoong paraan ay mararamdaman nitong importante ito.

"What did I tell you about eating too much chocolates?" mahinahon niyang tanong.

"Not good," bagsak ang balikat na sagot nito.

"Then return it. Hindi mo pa ubos ang huling binili ko sa'yo, 'di ba?"

"Okay, mommy," malungkot itong bumalik sa pinagkuhaan nito ng item at ibinalik ang kinuhang chocolate bar.

Hindi nagkukuripot si Jillian sa anak. Iniingatan niya lang si Shawn dahil may nabasa siyang artikulo noon na maski maliliit na bata ay maaaring magkaroon ng diabetes. At hindi niya mahahayaang magkasakit ang kanyang anak.

Ipinapaliwanag naman niya kay Shawn kung bakit hindi p'wede. Awa ng Diyos ay hindi naman mapilit ang kanyang anak kapag sinabi niyang hindi p'wede. Kaagad naman itong sumusunod sa sinasabi niya.

Shawn is her only family kaya naman gagawin niya ang lahat para maprotektahan ito.

"Done, Mommy!" bumalik sa tabi niya si Shawn.

Hinawakan niya ito sa isang kamay habang tulak ng isa pa ang shopping cart nila. Gusto niya sanang isakay ito sa cart para talagang mabantayan niya. Pero ayaw ni Shawn. Big boy na raw kasi ito.

"You're already sleepy, mommy will just carry you," huminto siya nang mapansing naghihikab na si Shawn at akma niya sanang bubuhatin na ito.

"No, if Shawn sleeps, who will guard mommy?" determinadong tanggi nito na umatras pa.

"You got it wrong, baby. It is mommy's duty to take care of Shawn. Come, I'll carry you so you can sleep," nakangiti niyang kumbinsi.

"It's Shawn who will take care of mommy," pilit nito. "I'm not going to sleep, I'm your bodyguard!"

Na-touch naman si Jillian kaya hindi na siya nagpilit. Sa murang edad ni Shawn ay protective na ito sa kanya.

"Okay, but stay close to mommy, alright?" ginulo niya ang buhok ng anak, tapos natigilan siya nang matitigan ang mukha ni Shawn.

How long has it been? Five years?

Ang bilis lumipas ng panahon. Limang taon na pero pakiramdam niya, kahapon lang niya huling nakita ang kapareho ng mga pares ng asul na matang nakatitig pabalik sa kanya ngayon.

She smiled at Shawn bago siya tumayo.

Kumusta na kaya ang lalaking mahal niya?

Naalala pa kaya nitong minsan ay dumaan siya sa buhay nito? Napatawad na kaya siya nito sa ginawa niyang panloloko rito noon?

Nag-tip toe si Jillian para maabot ang kahon ng gatas na binibili para sa anak. Nakuha naman niya 'yon pero napailing siya dahil kulang talaga siya sa height.

Sana lang ay hindi nagmana sa kanya si Shawn.

Nailagay na niya sa cart ang gatas nang mapansing wala sa tabi niya ang anak.

"Shawn?" kaagad na binundol ng kaba ang kanyang dibdib. Binitawan niya ang cart at agad hinanap si Shawn. "Shawn!"

Lakad-takbo ang ginawa niya habang iniisa-isa ang bawat section ng supermarket grocery. 'Asaan na ang anak niya?

"Shawn?" namamalisbis ang luha at wala nang pakialam kung pagtinginan na siya.

Jillian was sure, hindi siya nalingat nang matagal. Kinuha niya lang ang gatas at -

"Ma'am," nilapitan siya ng isang grocery staff. "Ano pong problema?"

Umiiyak na hinawakan niya sa magkabilang braso nito ang nagulat na babae. "Ang anak ko! Nawawala ang anak ko! Nakita mo ba siya? Naka-suot siya ng pulang tshirt at itim na shorts. Ganito siya kataas," nanginginig ang mga labi pati mga kamay na aniya.

"Tulungan mo 'ko! Nawawala ang anak ko," parang baliw na niyugyog pa niya ito bago binitawan din at muling hinalughog ang supermarket habang isinisigaw ang pangalan ng anak.

Shawn is only four years old. How on earth did he manage na makalayo kaagad-agad? Hindi naman kaya may tumangay sa anak niya?

Sa naisip ay mas nadoble ang kaba niya.

Pakiramdam niya mawawala na siya sa katinuan. Pabaya ba siyang ina?

She continued her search amidst the staff's effort to calm her down. Nakakagulo na kasi siya. Pero masisisi ba nila ang isang ina na nawawalan ng anak?

"Ma'am," isa pang supermarket staff ang tumawag sa kanya. "May umiiyak na bata sa meat section. Baka po iyon ang anak ninyo," sabi nito.

Kinalma niya ang sarili at kaagad namang sumama. Pa'no napunta roon si Shawn kung sakali? Nasa kabilang dulo 'yon ng malawak na supermarket.

"Ayon po, ma'am. Pinapatahan po ng boss namin."

Nagliwanag ang mukha ni Jillian nang makita ang anak na umiiyak sa harapan ng isang lalaking nakatalikod sa gawi niya. Nakaupo ito na tila kinakausap nga ang anak niya. May ilan pang staff na umaasiste sa mga ito.

Marahil nga dahil boss ng mga ito ang lalaki. Pero ang buong atensyon niya ay nakatutok na sa anak na umiiyak pa rin.

Parang dinaklot ang puso niya sa awa. Wala ba siyang k'wentang ina kaya niya ito naiwala?

"Shawn!" she called his son. Kaagad naman itong nag-angat ng paningin at nang makita siya ay umiiyak na tumakbo ito palapit sa kanya.

Umupo siya at ibinuka ang mga braso para salubungin ng yakap si Shawn.

"Mommy!" ramdam niya ang tuwang naramdaman ni Shawn na muli siyang makita. "I'm sorry, mommy! Did Shawn make you worry? Did Shawn make you cry?" Kumalas ito agad ng yakap sa kanya and then his small hands dried her tears.

"It's okay, anak. Mommy just got scared that she lost you forever. Where did you go, huh?" humihikbi pa rin siya pero hindi na siya umiiyak. Everything is well now that Shawn was back safely in her arms.

"I saw someone holding a balloon, mommy and I followed them. Sorry, mommy," hinging paumanhin pa nito kahit na natakot din ito nang 'di na siya makita. Kaya nga rin ito umiyak. "But a good mister helped me. He asked someone to find you for me."

Noon lang din niya naalalang magpasalamat sa kausap ng anak kanina. Sukat sa pagbanggit ni Shawn ay nag-angat siya ng paningin upang magpasalamat sa lalaking ngayon ay nasa harapan na nila.

"Thank you so much, Mister--" nabitin sa ere ang iba pa niyang sasabihin nang lubusang magtama ang mga mata nila ng lalaki.

Those blue orbs that were as deep as the ocean... Na noong huling beses niyang nakita ay puno ng poot at pagkasuklam sa kanya.

"So, you're alive, huh?" his voice bared a mixture of emotions that Jillian couldn't fathom.

Isa lang ang nasa isip niya nang mga sandaling iyon. Hindi sila nito dapat nakita.

"S-Sake," halos pabulong niyang sambit habang nakatingala sa lalaking minsan ay inikutan ng kanyang daigdig.

Napalunok pa siya nang mamasa minsan pa ang kanyang mga mata. Memories of the past flooded her mind at the same time.

"It's been a long time, Jillian..."

And though his face didn't give away his true feelings, Jillian on the other hand, couldn't help but release the tears that threathened to fall from her eyes.

Nanikip ang dibdib niya sa simpleng kadahilanan na tinawag siya ni Sake sa tunay niyang pangalan.

He called her Jillian and not Julia.

Deceiving The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon