4. Compliment.

239 6 1
                                    

KAYA pala pamilyar ang lalaki sa kanya. Nakita niya ito sa mga portrait sa silid ni Julia! Binabawi na niya ang tipikal na paglalarawan niya kay Sake kagabi. He wasn't ordinary. He was gorgeous! The kind of handsome that Jillian doesn't cross paths everyday.

"I am so relieved na hindi totoo ang ibinalita sa akin ni mama," sabi ni Sake.

Nasa kotse na sila nito pero ayaw pa rin nitong bitawan ang mga kamay niya. Kanina ay sobra siyang nagulat. As in nanlaki ang mga mata niya at hindi siya nakakilos sa kabiglaan. Paano ay bukod sa first time niyang makakita ng lalaking mukhang literal na hinugot sa pahina ng libro dahil sa taglay nitong kag'wapuhan, first time niya ring mahalikan, sa lips!

"I took the very next flight so I could reach you as soon as possible. I was scared to wits, Julia. I thought I already lost you."

Wala pa nga rin siyang maisip sabihin kay Sake. Disoriented pa ang isipan niya gawa ng nakakawindang niyang unang halik. But obviously, hindi nito napansing hindi siya si Julia. Paano naman eh hindi nito alam na may kapatid ang kasintahan nito, at identical twin pa!

"I- I'm okay. Gaya ng sinabi ni Tita, hindi naman nagsinungaling ang mama mo. Naaksidente ako, comatose ng dalawang araw but I'm fine. May mga bagay lang akong hindi maalala at sorry kung hindi agad kita nakilala."

Kinompose niya ang sarili para masabi iyon. Ang kasinungalingang iyon ang mabilisang naisip ni Victoria para malusutan ang pagkagulat niya. At 'andoon siya sa ospital para lamang sa kanyang follow up check up. Paano kasi, hindi pa nga nila napag-uusapan ang detalye ng pagpapanggap niya ay biglang dumating si Sake out of the blue. Kumbaga eh hindi sila handa.

"I'm so sorry, Julia... Pangako, hindi na ako aalis. I'll make sure na mababantayan ko ang kalagayan mo hanggang sa araw ng kasal natin."

Tipid siyang ngumiti. Gaano man ka-gwapo ang binata ay hindi niya hihilinging 'wag itong umalis.

"Well, gaya ng sabi ko, mayroon akong selective amnesia... I can be difficult most of the time. Can you handle that, Sake?"

"S'yempre naman." Ngumiti ito. "Just now you didn't call me with your endearment to me, Juls..."

"A-ano ba dapat?" Clueless niyang tanong.

"Never mind. Maaalala mo rin iyon. Sa ngayon ay gusto ko lang siguraduhin sa yo na hinding hindi kita iiwan." Hinagkan nito ang likod ng kamay niya bago ito tumutok sa daan at nag-umpisang magmaneho.

---

"MAMA, kumain ka na," sita niya kay Valeria na nakatitig lang sa pagkain nito.

Isang linggo na niyang routine ang pakainin, paliguan at bihisan ang kanyang ina. She had gotten better sa palagay niya lalo dahil hindi na ito mukhang baliw. Though may mga pagkakataon pa ring nagwawala ang kanyang ina at hinahanap nito si Julia, agad naman itong nakakalma kapag nakita na siya nito. Kahit pa pinapagalitan niya ito lagi kapag hindi nakatingin si Victoria.

Tulad ngayon, hindi niya ito sinusubuan kaya marahil ayaw kumain.

"'Ma, iinom ka pa ng gamot kaya kumain ka na," dagdag niyang bahagya na agad naiinis. "Pupunta si Dr. Hernaez dito para sa check up mo," tukoy niya sa family doctor nila.

Naiinis siya hindi dahil ayaw nitong kumain. Naiinis siya dahil gusto niya itong lapitan at kumbinsihin itong kumain, subuan pa nga kung kinakailangan. At ayaw niya sa pakiramdam na nagiging concern siya kay Valeria Flores.

She may be her mother at hindi niya magagawang baguhin iyon. But she ceased to be a parent to her many years ago. Naging malupit ito sa kanya noong mga panahong kailangan niya ng ina. Kaya hindi nito deserve na lumambot ang puso niya rito.

Deceiving The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon