18. Broke up.

264 4 0
                                    


MAINGAT na pumasok si Sake sa silid ni Shawn. 'Andoon kasi si Jillian at himbing na himbing na sa tabi ng kanilang three-year-old.

Nakakataba ng pusong pagmasdan ang kanyang mag-ina. Siguro ay mas masarap sa pakiramdam kung pwede niyang samahan sa pagtulog ang dalawa.

Mapait siyang napangiti sa sarili bago kumilos upang kumutan sina Jillian at Shawn. Tinanggihan ni Jillian ang alok niyang kasal.

Hindi naman niya ito masisisi. Bukod sa gusto niyang buuin ang pamilya nila ay hindi na niya ito binigyan ng mas mabigat na rason para pumayag ito.

Kung sana lang ay pwede niyang sabihing mahal niya ito. Dahil oo, mahal na niya si Jillian. Mahal niya ang ina ng kanyang anak.

Napagtanto niya iyon sa sarili niya nang sa ikalawang pagkakataon ay bigla na naman itong mawala. Hindi madaling desisyon ang sundan ito sa Cagayan. Pero mas hindi madaling tanggaping nagawa na naman siya nitong iwan ng gano'n-gano'n na lang.

Alam niyang may damdamin din naman si Jillian para sa kanya at naiinis siya dahil ayaw nitong aminin iyon. Sa kabilang banda naman ay hindi niya ito masisi dahil siya rin ay hindi magawang umamin.

Naiintindihan niya kung pareho nilang iniisip si Julia.

But Sake was glad na sinundan niya si Jillian at hindi siya nahuli ng dating. Malaki ang pasasalamat niya sa taong binayaran niya upang hanapin ito. Dahil kung nagkataong nagkaroon ng pagkakamali, habambuhay niyang pagsisisihang hindi niya naprotektahan si Jillian nang mahulog ito sa kamay ng isa sa mga pinakatusong taong kilala niya.

Hindi sila magkaibigan ni Jackson. Pero magkakilala sila dahil sa negosyo. Hindi niya ito babanggain kung hindi si Jillian ang nakasalalay. At dahil wala siyang ibang gusto ng mga sandaling iyon kundi maiuwi muli ang ina ng kanyang anak.

Hindi pa sana siya lalabas ng silid ngunit umilaw ang naka-silent niyang cellphone at nagflash sa screen no'n ang numero at mukha ni Julia. He heaved a sigh and answered the call.

"Babe."

Wala naman, tumawag lang ang kasintahan niya para sabihing mahal na mahal siya nito. It was a sweet gesture. Pero matagal na kasing nawala ang pagmamahal niya sa dalaga.

-----
 
"AUNT Victoria," Sake acknowledged his visitor. Hindi ordinaryong sasadyain siya sa opisina niya ng tiyahin nina Julia at Jillian. "Please, have a seat."

"Salamat sa pagpapaunlak mo na makausap kita, Sake." Base sa itsura nito ay alam niyang importante ang sadya ni Victoria.

Hindi siya nagkamali.

Dahil makalipas lamang ang ilang sandali ay para ng sasabog ang dibdib niya sa galit.

"You deserved to know the truth," sabi ni Victoria.

"Why didn't you tell me sooner?!" Pigil ang galit na tanong niya.

"I don't know how."

Kung hindi niya inaalalang hindi pa fully recovered ang kanyang braso ay malamang nasuntok na niya ang mesa niyang yari sa mamahaling matigas na kahoy. Gusto niyang ilabas ang matinding galit na nararamdaman niya para kay Julia.

"Julia loves you Sake. Pero nagkamali siya habang wala ka. Hindi siya mag-isang naaksidente. May kasama siya. And he's a married man from a reputable family. There'd been a news blackout to protect him."

Ngayon naintindihan ni Sake kung bakit malaking issue kay Julia ang kung tutuusin ay hindi naman sadyang naging ugnayan nila ni Jillian. She was trying to wash some of her guilt away by accusing him of cheating. Dahil ang totoo, ito ang cheater.

Deceiving The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon