9. Betrayed.

230 6 1
                                    


 
"IT'S positive. You're pregnant, Julia. Congratulations!"

Isang araw na ang nakalipas pero hindi pa rin nabubura ang ngiti sa mga labi ni Jillian. Daig pa niya ang tumama sa super lotto nang malaman niyang buntis siya. Ngayon pa lang ay andami na niyang plano sa magiging anak niya.

Sa wakas, magkakaroon na siya ng pamilyang kanya talaga. Pakamamahalin niya ang anak niya at sisiguraduhin niyang mamahalin din siya nito't hindi siya iiwanan.

"Sigurado, kapag nalaman ni Sake ang magandang balita, matutuwa iyon. Magiging tatay na ang alaga ko! Nakakatuwa!" Masayang masayang ani Yaya Pasing.

Nabura naman ang ngiti ni Jillian. Tama ang matanda. Matutuwa si Sake. At gugustuhin niyang makita ang magiging reaksyon nito kapag nalaman nitong buntis siya. She would love to share the beautiful news to her husband.

On second thought, natatakot siya. Baka kapag nalaman nitong hindi siya si Julia ay kunin nito ang anak niya. At siguradong ikamamatay niya iyon.

"Y-yaya," aniya. "'Wag muna natin sabihin kay Sake. Hahanap ako ng pagkakataon. I wanted to surprise him..." she lied.

"Sige anak... Excited na akong makita ang anak ninyo. Siguradong napaka-cute niyang bata."

She smiled. Oo naman. And her child will be loved. Hinding-hindi nito mararanasan ang dinanas niya.

"Anong gusto mong kainin? May pinaglilihian ka na ba?" Excited pa rin si Yaya Pasing.

"Wala pa 'ya. Baka sa mga susunod na mga araw po."

Then it hit her. Eventually ay lalaki ang tiyan niya at hindi niya iyon maitatago kay Sake. Would she just let him know and pretend that everything's going to be fine?

Besides, who knows, makapanganak pa siya bago magising si Julia. But then making an exit at that point will be very difficult for her. Kasi hindi niya maisasama ang anak niya.

'That's thinking too far, Jillian!' Saway ng isip niya.

On the other hand, kapag nagising si Julia habang buntis pa siya, that would be easier. Because she could vanish together with their baby.

Or, she would tell Sake about her true identity and they will be a happy family without Julia.

'Imposible iyon,' her mind said.

Naipilig niya ang ulo. Bahala na. Mahal niya si Sake. Kaya napagpasyahan niyang susubukan niyang gawing normal ang pagsasama nila.

Tonight, when Sake arrives, she would tell him that he's going to be a daddy. Kahit paano ay na-excite siya. For once, hahayaan niya ang sariling magpantasya ng isang totoong pamilya. Baka hindi na maulit ang ganoong pagkakataon.

-----
"I MISSED you so d*mn much, Julia!"

Mahigpit na yakap ang agad na ibinigay ni Sake sa kanya pagdating nito ng bahay. Hindi na ito nagpasundo sa airport at baka raw mapagod siya.

"I missed you too, Sake!" Buong puso niyang tinugon ang maalab nitong halik kasunod ng yakap nitong makadurog-buto.

She missed him. She was so happy to see Sake again. Ang isang linggong wala ito bagamat ipinagpa-pasalamat niya ay mistula namang torture sa puso niyang nagmamahal sa lalaking hindi kanya.

"You should rest first," aniya nang pansamantala nitong iwan ang labi niya.

"I'm already well rested, my love," bulong nito na walang pasabing pinangko siya.

Jillian giggled. Kumapit siya sa batok ng asawa at pinagsawa ang mata sa pagtingin sa gwapo nitong mukha.

Habang lumalaki siya ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataong humanga sa isang lalaki. Masyado siyang naging busy sa pag-iisip kung paano siya kakain ng at least dalawang beses isang araw.

Deceiving The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon