19. Don't go.

275 4 0
                                    

MAAYOS naman lahat ang resulta ng tests kay Julia. At dahil do'n ay narelieved si Jillian. Kung nagkataong nakritikal na naman ito ay baka hindi na niya kayanin ang sundot ng konsensya niya. Iyon ay kahit pa ilang beses na sabihin ni Sake na wala siyang kasalanan.

Umaga na sila nakaalis ng ospital. Dumating kasi sina Valeria at Victoria. S'yempre mapapalampas ba ng kanilang ina ang nangyari sa paborito nitong anak? Valeria blamed her, pinagmumura siya nito kahit pa nakaharap si Sake. Ipinagtanggol siya ng binata kahit hindi niya hiningi. Inako nito ang responsibilidad sa nangyari kay Julia.

Sake admitted that he broke up with Julia earlier that night. Nag-apologize ito kay Valeria at humingi ng tawad na hindi na nito kayang mahalin ang kakambal niya. Pagkatapos no'n ay walang pasabing hinawakan siya sa kamay at sabay nilang nilisan ang ospital.

"May ibang lalaki sa buhay ni Julia," sa wakas ay sabi ni Sake nang makarating sila sa bahay. "Matagal na niya akong niloloko," he added when she looked at him in surprise.

"A-are you sure?" Hindi siya makapaniwala. Niloloko ito ni Julia? Samantalang papatay ang kapatid niya para sa pagmamahal nito kay Sake? Imposible ata iyon. "Baka naman nagkakamali ka lang,"

"Aunt Victoria told me. At inamin din ni Julia sa akin. She's been seeing the guy since before the accident. In fact, they were together in the crash."

Sake went to his mini bar, took a glass and poured himself one of his wine collections.
Inalok siya nito but she refused.

She watched him as he emptied his glass. Hindi niya malaman ang sasabihin. Kung totoo iyon ay bakit hindi sinabi ni Victoria sa kanya? Ang sabi nito noon ay lasing lang si Julia kaya ito naaksidente.

"Auntie didn't tell you on purpose so don't wonder why you do not know. She was afraid you will not consent to pretend as Julia." He glanced at her. Para namang nanikip ang dibdib niya. Ano pa ang mga hindi sinabi sa kanya?

"I- I don't know what to say... Sake, this must be hard for you- I know that you love Julia."

"No." Umiling ang binata. "She just gave me a valid reason to end our relationship."

Nagtatanong ang mga matang tumingin siya sa binata. Seryoso ba 'to? Pero bakit?

She would have wanted to hear his explanation to know if Julia was right. Na may kinalaman siya sa desisyon ni Sake. Pero mukhang wala naman. Maling akala marahil ni Julia. Naghanap lang ng masisisi ang kapatid niya. At siya naman ay umasa nang kaunti na dapat ay di niya ginawa.

Hindi na kumibo si Sake so Jillian took it as dismissal on his part. Baka ayaw nitong pag-usapan. Baka masakit pa rito ang break up nito sa long time girlfriend nito.

Magkaharap na lang din sila, Jillian decided na samantalahin na rin ang pagkakataon para kausapin ito tungkol sa paglipat nila ni Shawn. Tutal at kagabi pa talaga niya ito hinihintay.

"Sake," umpisa niya while climbing on a stool. Parang kailangan niyang nakaupo siya para hindi siya mawalan ng lakas ng loob. "Uhmn," napalunok siya nang tignan siya ng binata. "I just want you to know that Mama Lora and I already agreed na lilipat na kami ni Shawn. Hindi kasi---"

"What?!" bulalas ni Sake. Napaigtad naman siya't muntik pang mahulog sa upuan.

"S-si mama naman ang pumili ng lugar kaya siguradong safe at- at--" kandautal niyang paliwanag.

"No one's leaving this house without my permission, Jillian!" mariing wika ng binata.

"Yeah, yeah, of course!" mabilis niyang sagot. "Kaya nga sabi ko kay mama sasabihin ko muna sa 'yo."

"Kung ayaw mo rito sa bahay dahil si Julia ang kasama kong nagpagawa nito, then we will look for another one," nakatiimbagang nitong dagdag.

"Hindi. Hindi gano'n Sake. This house is beautiful and I wouldn't mind living here. Pero kasi-" paano ba niya sasabihin kay Sake na hindi tamang 'andoon sila ni Shawn dahil hindi naman sila kasal nito? That it is not proper na magkasama sila sa iisang bubong? "Kasi--"

Deceiving The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon