16. Kiss.

252 6 1
                                    

AKALA ni Jillian hindi na siya kailangang dalhin sa ospital. Iyon pala'y kinailangan pang tahiin ang ilang sugat niya na malalim na nahiwa ng mga basag na salamin habang nagkakasakitan sila ni Julia.

It was childish and Jillian wasn't proud hurting her sister. Nadala siya ng emosyon. Although mas malala ang inabot niya kumpara kay Julia na pinakamalala na ang sugat nito sa braso na ito naman ang sumaksak.

"How's Julia?" Tanong niya kay Victoria na dinalaw siya sa silid niya sa ospital. Doon na sila magpapalipas ng gabi. Nasa kabilang silid ang kapatid niya kasama sina Valeria at Sake.

"Nag-o-OA," simpleng sagot ng tiyahin niya.

"How could you say that? She's hurt too."

"Alam ko. Pero kilala ko ang kapatid mo, Jillian. Mana siya kay ate. Gagawin nila ang lahat para sa sarili nila. Kahit na makasakit pa ng iba." Ginagap nito ang kamay niya. "Sinisiguro ko sa 'yo, at this time na kinukumusta mo ang kalagayan niya, busy siyang sinisiraan ka kay Sake."

Mapait siyang ngumiti. Hindi nito kailangang gawin iyon. Kung hindi naman naniniwala si Sake kay Julia eh 'di sana hindi ito ang una nitong tinulungan.

"Don't think too much... Magpahinga ka na."

"Tita—” atubili niyang wika. "Ikaw rin ba? Sinisisi mo ako sa pagkamatay ni Papa?"

"No." Ngumiti ito sa kanya. "I'm sure kung mauulit iyon at magkakaroon ng pagkakataon ang Papa mo na mamili, he would still choose to save you, Jillian." Namasa lang ng luha ang kanyang mga mata kaya nagpatuloy si Victoria. "Kuya never loved ate Valeria. Pero si ate, obssessed sa Papa mo. Ipinagkasundo sila kaya naikasal. Nakita ko naman na sinubukan siyang mahalin ni Kuya. Kaso iba ang ugali ni ate. Noong ipanganak kayo ni Julia, sa inyo na lang ibinuhos ni kuya ang pagmamahal niya. Naniniwala akong pantay ang pagmamahal niya sa inyong magkapatid. But Julia turned out to be like your mom. Selosa, makasarili. Akala niya at ni ate, ikaw lang ang mahal ni kuya. Kaya sila nagalit sa 'yo."

"Bakit hindi ko nakita 'yan noon? I thought we were okay," hikbi niya.

"Dahil busilak ang puso mo, Jillian. Mahal mo sila kaya hindi mo nakita ang mga masasamang bagay. 'Wag mo ng isipin iyon. Magpagaling ka na. I'm sure, nagtatanong na ang anak mo kung nasaan ka." Victoria smiled. "You raised a lovely boy, Jillian. I am so proud of you."

"Salamat, Tita."

Victoria stayed for another half an hour bago ito umalis. Kahit hindi sila masyadong close ng tiyahin at ilang beses na siya nitong binigong kampihan, hindi siya galit dito.

Mahal naman siya ni Victoria. Hindi lang nito mapanindigan iyon dahil sa takot kay Valeria.

Bago siya natulog ay kinumusta muna niya si Shawn na nasa bahay ni Lora. Natawagan ni Yaya Pasing si Sake kaya hindi nito iniuwi ang bata sa bahay nila. Okay sa kanya iyon. Hindi dapat makita ng anak niya ang pisikalan nila ng tiyahin nito.

"Tulog na siya. 'Wag kang mag-alala," sabi ni Lora.

"Salamat, 'ma."

Malalim na ang gabi nang tuluyan siyang makatulog.

-----
 
"S-SAKE?!" Naalimpungatan si Jillian at nakita niyang nakaupo sa gilid ng kama niya si Sake. Nakabaon ang mukha nito sa dalawa nitong palad na animo'y sobrang pagod.

"Jillian... I'm sorry, did I wake you up?" mahina nitong tanong na nilingon siya.

"What are you doing here?" Hinila niya ang sarili paupo at sumandal sa headboard.

"Just taking a breather," he smiled lazily.

"In my room?" kunot-noo pero hindi naman siya galit. Sake looked tired, kahit masama ang loob niya sa binata, hindi siya rude para awayin pa ito.

Deceiving The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon