10. Present.

253 6 1
                                    

Present...

HINDI malaman ni Jillian ang gagawin habang kabadong pinapanood ang paglalakad-lakad ni Sake sa harapan niya. What could he be thinking?

Nasa pribadong opisina sila nito sa loob ng mall. Nakakatawa dahil linggo-linggo ay naroon silang mag-ina ni Shawn. Pero wala siyang kaide-ideya na doon niya muling makikita ang ama ng kanyang anak. It was not a new establishment at alam niyang hindi mall ang negosyo ng pamilya ni Sake. Kaya hindi niya maintindihan kung ano ang ginagawa nito roon.

Lumayo na siya. Bakit muli pa silang nagkita? She just couldn't understand. Okay na siya. Okay na sila ni Shawn. Bakit kailangan pang mangyaring malaman nito ang katotohanang buhay siya at may anak sila?

Gaya kung paano sila naghiwalay noon, hindi na naman siya handa sa muli nilang pagkikita ngayon.

"I still couldn't believe this!" ani Sake sa paraang hindi nga makapaniwala. He looked stupefied. "So for almost five years that I mourned losing you and our child, you were here hiding from me?! Tell me Jillian, what exactly did I do wrong to you for you to betray me twice? Huh?"

Napapikit si Jillian pero nagpakatatag siya. 
Ni hindi nagtanong si Sake kung anak nito si Shawn. Alam ni Jillian, inangkin na nito ang anak niya dahil hindi naman talaga maitatanggi ang malaking pagkakahawig ng mga ito.

"Wala akong kailangang ipaliwanag sa 'yo. Nasa'n si Shawn? Uuwi na kami," sagot niya.

Pina-alaga nito sa assistant nito si Shawn kanina para raw makapag-usap sila nang masinsinan. She refused pero wala rin siyang nagawa. 

"You owe me a lot, Jillian... At hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa paniningil sa 'yo".

"I already said I'm sorry, hindi pa ba sapat iyon?"

"Sorry?" Sarkastiko nitong ulit. "That would never be enough Jillian!"

"Okay. Then I guess wala na tayong dapat pang pag-usapan." Tumayo na siya. Hindi na niya kayang manatili roon.

"Marami kang kailangang ipaliwanag sa akin. Bakit hindi tayo mag-umpisa sa kasinungalingang namatay ang anak natin?" Hindi man lang nito itinago ang pagkasuklam sa mga mata nito. Even his voice was laced with hatred.

For years, that hate in his eyes haunted her. She regretted hurting him. Sinisi niya ang sarili niya sa lahat ng nangyari sa buhay niya.

It was never easy before she found the courage to forgive herself and move on- para kay Shawn. Para sa isa sa dalawa niyang anak na kumapit sa kanya para samahan siya sa kanyang pagluluksa. She didn't lie about losing their baby. She was carrying twins that time. At hindi pa niya alam iyon noon.

"Huh, Jillian?"

"Wala akong ipapaliwanag." Mariin niyang sagot. She asked him for that chance to explain pero hindi siya nito pinagbigyan. Hindi niya rin ito pagbibigyan ngayon.

Besides, para saan pa? Malamang may mga anak na ito kay Julia...

"Talaga?" Hamon nitong inisang hakbang ang pagitan nila. Sa isang iglap ay hawak na nito nang mahigpit ang braso niya. "Or maybe, this is another ploy of yours to get me."

"Huh? Dahan-dahan ka sa panghuhusga mo Mr. Fortalejo. Kung may pinakatama akong ginawa sa buhay ko, 'yon ay noong lumayo kami ng anak ko!" She hissed at pilit binabawi ang braso sa pagkakahawak nito. He was hurting her at hindi niya maiwasang maalala noong araw na sinaktan siya nito nang gano'n. "Bitawan mo 'ko!"

"I was blaming myself everyday for four years and six months for causing your death! Alam mo ba kung ano ang naramdaman ko noong malaman kong buntis ka at pareho kayong napahamak ng anak natin? At alam mo ba kung ga'no kahirap tanggaping kasalanan ko kung bakit kayo nawala?" Anito sa nahihirapang tinig. "Hindi mo alam! Kasi all the while, you were just here! Nagtatago! Letting me live yet another lie!" Sumbat nito.

Deceiving The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon