13. Jealous.

240 5 6
                                    

PINATAWAD niya si Sake hindi dahil itinuring niyang may kasalanan ito sa kanya. She forgave him for his peace of mind. Para patawarin na nito ang sarili nito.

Hindi niya alam kung napatawad na rin siya ng binata. Pero okay lang. She wouldn't ask him more than what he could give at the moment.

"Ba-bye, Daddy!" Nagbaba-bye pero nakayakap naman sa binti ng ama nito si Shawn. "Can I come with you?"

Jillian giggled. Mukhang koala ang anak nila. Pati si Sake napahalakhak at parang gusto nang magbago ang isip sa pag-alis.

"Anak, magtatrabaho si Daddy," aniya sa batang kinarga na ni Sake. Hindi niya alam pero nakangiti ang mga mata nito sa kanya.

"Why, daddy? You are rich already!"

"I have to make sure that we have lots of money so you can go to college." sagot ng binata.

"Where is college? Do we need to ride an airplane?" Jillian and Sake laughed in unison. Akala ni Shawn ay lugar ang college na tinutukoy ng ama nito. "I want to go to college, daddy."

"Shawn, come to mommy na. Male-late na ang daddy mo," aniya at nagpasalamat na sumama naman agad ang bata sa kanya.

"Careful," narinig niyang ani Sake na maingat na ipinasa sa kanya si Shawn. "He's heavy."

"Okay lang." Bumigat na nga ito sa ilang araw lang na pananatili nila sa poder ni Sake.

"Bye, anak. I'll go home early." Humalik ito kay Shawn pero sa paglapit nitong iyon, pakiramdam ni Jillian ay siya ang hinalikan. But no, ngiti lang ang para sa kanya. "I'll go ahead," he said.

"Ingat ka." She returned his smile and watched him leave.

"Ingat daddy! Ingat!" Kumakaway na sigaw ni Shawn sa papalayong kotse ni Sake.

"Let's go back inside na anak."

"Yes mommy."

Kung gano'n sila araw-araw, baka masanay silang mag-ina. Jillian knew they couldn't stay like that forever. Well, si Shawn baka. Oo. Pero siya, hindi.

Nakakatakot mag-invest ng emosyon sa mga ganoong pampamilyang pagkakataon.

Hindi pa sila nakakapasok sa bahay ay siya namang dating ng sasakyan ni Lora.

"Lola!" Excited na sumalubong si Shawn nang umibis sa kotse si Lora. Paanong hindi kung may dala-dala itong laruan?

"Shawn!" Umupo si Lora para makayakap sa apo nito. "I missed you so much, apo!" Gigil na hinalikan nito nang marami si Shawn. "Look, I have something for you!" Ibinigay na nito ang dalang robot na kung mamasdang maigi ay isang piloto.

"Shawn, anong sasabihin mo kay Lola?"

"Thank you, lola!" Isang matunog na halik ang ibinigay nito sa pisngi ni Lora.

"You're welcome, Shawn."

Mabilis na tumakbo palayo sa kanila ang bata para subukan na ang laruan nito.

"Yaya, pakitignan si Shawn!" Sigaw ni Lora habang pareho silang nakamasid sa tuwang-tuwang bata. "Kumusta ang pagbabahay-bahayan ninyo rito?" Baling nito sa kanya. "Did Sake already talk to you?"

"Mama, dapat sinabi ko sa inyong 'wag ninyong sasabihin kay Sake ang tungkol sa baby. Pero sa kabilang banda, narealize ko na tama ang naging pasya ninyo. We're okay now. We both decided to stop blaming ourselves for the loss of our baby."

"Just as I thought." Ngumiti nang matamis si Lora. "Sake did the right thing."

"Salamat, 'ma."

"Anyway, I came to personally invite you to our company's anniversary celebration. Hindi ako sigurado kung isasama ka ni Sake so you will be my guest. Gusto ko ring ipakilala ang apo ko sa lahat."

Deceiving The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon