5. Carried Away.

189 7 1
                                    

"ARE you okay, love?" Sake asked Jillian.

"Yeah," sagot naman niya kahit na ang totoo ay hindi siya okay.

She already met Lora Fortalejo, Sake's mother. At hindi nito itinago ang disgusto sa kanya. Gayunpaman ay sinabi nitong magiging civil ito sa kanya para sa anak nito. That was fine with her. At least hindi niya kailangang piliting makisama.

Pero kahit naman nagpapanggap lang siyang si Julia, hindi naman siya bastos para patulan pa ang ina ni Sake. Lora was still better than Valeria. Mahal nito ang anak nito at protective pa nga gayong lalaki naman si Sake. Valeria, on the other hand, only loved one of her daughters. At si Julia lang iyon.

"Are you sure? We can leave kung hindi ka komportable."

"Are you kidding me? We just got here. Ayoko namang maging bastos sa mama mo."

"Really?" Parang hindi pa ito makapaniwala.

"Yup..." she assured. "Ikuha mo na lang ako ng pagkain please." Pag-iiba niya ng usapan.

"Sure," agad nitong pagpayag na para bang magbabago ang isip niya kapag hindi ito umalis agad.

"Wait," pigil niya "Damihan mo, please. Gutom na ako eh."

Naaaliw na tumango ito. Muli naman niyang binalingan ang mga paa niya. Mukhang hindi na siya makalalakad kapag nagtagal pa ang sapatos ni Julia sa paa niya. Without thinking about where she was, inalis niya ang sapatos para palayain na ang kanyang mga paa. Satisfied na napangiti siya sa sarili at akmang itatago ang paa sa ilalim ng skirted na mesa nang ma-realized niyang nakatingin sa kanya ang mga bisita.

"Julia," narinig niyang tawag ni Lora kaya napalingon siya sa ina ni Sake na nasa entablado at may hawak na mic. Marahil ang pagtawag nito sa kanya at hindi niya pagtalima ang dahilan kaya pinagtitinginan siya ngayon. "Ladies and gentlemen, my future daughter-in-law, my son's fiancee, Julia Flores!" fake ang lambing sa boses ni Lora but it was applauded anyway. Ngiting mukhang ngiwi ang ganti niya sa mga bisita. Tumayo siya minus her shoes para i-acknowledge ang pagpapakilala ni Lora sa kanya. "Come here, hija... Didn't you say, you prepared something for me?"

"Julia!" Sake called while pushing his way through the crowd of guests na nakapalibot na pala sa kanya while urging her to come up the stage. "Love, you don't have to-" worried nitong sabi nang makalapit.

"Julia, hija," pangungulit ni Lora na halatang may plano atang ipahiya si Julia, kaso hindi siya si Julia kaya tatanggapin niya ang hamon nito.

"It's okay." Ngumiti siya kay Sake. "Tulungan mo ako sa sapatos ko."

"Juls, it's fine. Hindi mo kailangang patulan si mama."

"I got this. Trust me." She winked at him. Para naman itong natulala at kinailangan pa niyang uliting nagpapatulong siya sa sapatos niya.

With all the guests gathered around them, lumuhod si Sake sa sahig at isinuot sa kanya ang sapatos niya. Ang lakas lang maka-Cinderella that Jillian found herself kissing Sake on his cheek after the gesture.

"Watch me," bulong pa niya bago siya nito inihatid sa ina nitong naghihintay sa entablado. "Uhm," b'welo niya nang maipasa na sa kanya ang mic. Kinabahan siya dahil hindi ordinaryong customers sa bar ang mga kakantahan niya. Ang mga nasa harapan niya ngayon ay mga mayayamang tao, not to mention, the man who supposed to be her fiancé was among the crowd. "Hindi po talaga ako ready... But I cannot turn Tita Lora down... So uhmn, if you will allow me, may I borrow the piano for a while, please?" Sa mga tumutugtog niya sinabi ang huling pakiusap. The man on the piano agreed to her request kaya naman pumwesto na siya sa likod ng instrumento.

Hindi siya bihasang tumugtog ng piano. But once when she was little, she loved playing that instrument. Noong nasa ampunan siya ay nagkaroon din siya ng pagkakataon na makatugtog muli. Natigil lang iyon noong natira siya sa kalye.

Deceiving The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon