12. The other baby.

254 7 1
                                    

FIFTEEN years na mula noong huling magharap sina Julia at Jillian. They were still teenagers  then and that was the time when Jillian begged her sister na ipagtanggol siya nito kay Valeria para tanggapin siya ulit. Pero ang magaling niyang kapatid, kasama ang kanilang ina ay ipinagtabuyan siya.

Sino ang hindi magtatanim ng galit kung dahil doo'y sa kalye siya pinulot?

Jillian wasn't a saint not to harbor a grudge in her heart. Pero kung nakinig siya sa kasabihang 'what you sow is what you reap', sana hindi na lang siya nagtanim ng galit. Dahil iyon mismo ang inaani niya ngayon.

"Ang kapal din ng mukha mong bumalik pa." Punong-puno ng galit ang tinig ni Julia.

Standing face to face with her twin sister, Jillian realized they aren't too identical. Paano niya napaniwala si Sake noon na siya si Julia?

"Nananahimik ako, Julia. Bakit hindi si Sake ang tanungin mo?" Balik-tanong niya.

Totoong malaki ang kasalanan niya sa kapatid at inaamin niyang masama ang intensyon niya noong pumayag siyang magpanggap bilang ito.

But in the long run, she did help them. Siya ang dahilan kung bakit maging sa kasalukuyan ay may tinatamasa pa rin itong kaginhawaan sa buhay. Siya ang dahilan kung bakit gumaling si Valeria- though their mother would rather die than admit that.

"Talaga? Kaya sumama ka pa hanggang dito? Gusto mo ulit akong saktan! Hindi ka pa ba nakuntentong nagkaroon ka ng anak sa lalaking mahal ko? Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin iyon?"

"Sake took my son! Anong gusto mong gawin ko?" Aniya.

"Hindi ka dapat pumayag!"

"Hindi ako pumayag! At hanggang ngayon kinukumbinse ko siyang ibalik na ang anak ko... Julia, I swear, hindi ko ginustong narito kami ni Shawn!"

"Talaga?" Halatang hindi ito naniniwala. "I bet that you're here to take away my happiness again. Sinusumpa ko, Jillian, this time, lalaban ako."

Gusto niyang matawa. Pero hinayaan na lang niya ang kapatid niya na mag-astang kontrabida siya sa buhay nito. Tinalikuran siya ni Julia at dumiretso sa kinaroroonan ni Sake.

Sumunod siya dahil naroon si Shawn. Kaya nakita niya nang umahon sa pool ang binata kasama ang kanyang anak para salubungin ng halik sa labi si Julia.

Pinigil niyang mapapikit sa sakit na gumuhit sa kanyang puso. Bakit siya apektado? She was over Sake Fortalejo. Matagal na.

They looked like a happy family with Shawn still in Sake's arms. Except, Shawn was her son and she will not allow them to build a family including her baby. Kaya naman hindi na nag-isip na basta na lang siyang lumapit at kinuha ang anak mula sa ama nito.

"What's wrong with you?!" Asik ng binata.

"Nalalamigan na ang anak ko. Bibihisan ko na siya!" Aniyang nagtagumpay na makuha si Shawn na agad namang sumama sa kanya.

Ayaw niyang ma-confuse ang bata sa mura nitong edad. Hindi dapat humahalik ng ibang babae ang ama nito sa harapan nito.

"Let them, babe." Narinig niyang wika ni Julia.

She walked away from the couple.

"Mommy, who is she?" Shawn asked habang palayo sila. "Why does she look like you? Why did daddy kiss her?"

Sinasabi na nga ba niya eh. Aawayin talaga niya si Sake for acting shamelessly in front of their child.

"She's your Aunt, Shawn. Her name is Julia," sagot niya.

"Really?" Sa gulat niya ay sumigaw ang anak niya. "Hi, Auntie Julia!" Kumakaway pa nitong bati kahit papasok na sila sa bahay.
Hinayaan na lang niya ito.

Deceiving The BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon