Kamatayan ng isang tao, saan nga ba mapupunta ang kaluluwa nila?
Ayon sa iba't ibang relihiyon, pagkatapos mamatay ang isang tao, mapupunta ang kaluluwa ng masasama sa impyerno at ang mga mabubuting mga tao ay mapupunta sa langit...
Langit kung saan doon ay masasaya ang mga tao doon, masayang sumusunod sa Naglikha ng sanlibutan, at habang buhay silang masaya doon, walang sakit, walang galit sa puso, walang mga negatibo...
Impyerno kung saan ang tao ay doon sila makakaranas na habang buhay na paghihirap, nagbabagang ilog ng apoy, pero sa lugar na yun ay wala pang tao, sila ay nilagay muna doon sa tinatawag na Hades na kung saan doon sila papahirapan at ang Impyerno na nagbabagang sinasabi ko ay doon sa lugar na yun ilalagay pati ang mga kaaway na sumalungat sa Naglikha ng lahat sa katapusan na mga araw
Pero...
Naiba ang kwentong ito sa paniniwala ng lahat, walang Langit at Impyerno ayon sa mga tao na nakasaksi, mula nung nalaman ng mga tao ang totoo ay karamihan sa kanila ay nanlumo pero ang pangalawang mundo na iyon ay tinuring pa din nila iyon na langit kahit na ang lugar na iyon ay marami pa din ang gumagawa ng kasalanan
Nagtayo sila dito ng malaking lungsod, nagtatag ng sariling Gobyerno, gumawa ng pera, negosyo at kung ano ano pa na kung saan ganun din ang ginawa nila nung nabubuhay pa sila sa unang mundo...
Iba ang mundo dito kapag sa oras na namatay ka, maglalaho ka nalang na parang bula ang katawan mo
Clarisse Point of View
“Asan ako?”
BINABASA MO ANG
The Another World In The AfterLife
AdventureNoong una. Ang mga tao ay nagtayo ng iba't ibang relihiyon sa iba't ibang panig ng mundo. Ang masasama ay mapupunta sa impyerno, at ang mga mabubuti ay sa langit... Pero... Nang nalaman namin na walang langit at walang impyerno, dun na ako nagtaka...