Chapter 14: Do i need to Believe?

16 0 0
                                    


Ethan's Point of View

"Hey ethan, need ka daw sa receiving area, kulang daw manpower dun" sabi ni stephanie while kakapasok ko palang sa bodega namin dito sa mall

"Sige steph" sagot ko nalang sa kanya kasi ayoko din naman magreklamo, nakakapagod makipagtalo.

Nasanay din naman ako sa mga bagay-bagay dito, nakakatulog din naman ako during lunch break kahit papaano.

Paminsan lang ako lumagpas ng oras at nagising dahil sa pagod na din.

Marami-rami din ang mga tao ngayon sa mall. Ginagawa ko din naman ang mga tungkulin ko. Pero ok lang naman kasi medyo wala din naman akong issue sa HR.

Halos mag-iisang taon na ako dito nagtatrabaho.

Sa pag-uwi, nagkayayaan ang mga kaibigan ko na magstreet foods sa isang night market. Nagkahiwalay muna kaming apat na magkatrabahong magkabarkada at kasama ko si Jhonrey papuntang streetfood at mauna muna daw kami doon while si Anthony at Kenneth tumigil muna sila sa isang ukay-ukay dahil may nakita silang basketball shoes na nakadisplay doon at balak ata nila bumili dalawa.

"Pre, may malungkot akong sasabihin sayo pre" sabay akbay ng kaibigan ko na si Jhonrey habang nakaupo ako paharap sa tindero ng isawan.

"Ano yun?" Tanong ko sa kanya

"Kilala mo yung si Elaine diba?"

"Yep why?" Sabay subo ko sa kinakain ko na isaw

"May boyfriend na sya, saklap talaga, inunahan ka"

Di ko na tinanong kung sino, kasi alam ko naman kung sino. Wala lang namang iba kundi yung isang tenant doon sa ibaba na guy. Di ko nga lang alam kung ano pangalan nya at wala akong balak na alamin.

"Grabe, pero don't worry pre, marami pa naman dyan, why not yung si Esmeralda?" Suggest nya

Bigla kung naibuga yung nainom na softdrinks kasi

"Raulo ka, nasa 45 na yun, matanda pa talaga ipapartner mo sakin, baliw ka ba?"

Tumawa lang sya habang hinampas hampas nya ang likuran ko.

"Saklap din naman kasi, lahat nalang na nagugustuhan mo, aside sa may boyfriend na, pinifriendzone ka pa hahaha, pero ok lang yan, may bago kanina, why not sya nalang?"

"Ok nako, hayaan mo na, siguro di pa dumating yung para sakin" sagot ko sa kanya

"Ibibigay din ni Lord yung para sayo pre" sabi nya

Lord? Di naman ako naniniwala na may diyos ba talaga, una di ko pa sya nakikita, at di ako naniniwala na may langit ba at impyerno. Hindi na ako interesado sa mga ganun. Ang importante sakin ngayon ay need ko iangat sarili ko sa buhay. Di ko alam kong need ko ba talaga maniwala.

Bahala na...

"Hoy, nandito pala kayong dalawa?" Masayang tanong ni Jolena samin ng makita nya kami dalawa

The Another World In The AfterLifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon