[Sakura High School]
“I see, gusto mo hanapin yung kapatid mo na si Chloe dito tama?”
“Yes ma'am, kahit di ko alam kung ano na nangyari sa kanya at kung san na sya ngayon dito”
“Naiintindihan ko, good luck, baback upan ka namin dito pag may nangyari sayo”
Kahit na wag na sana pero...
Malaki din ang naitulong ng Paaralan nato samin ni Ayato“Yes ma'am”
Hindi lang ako ang naitrain nila sa mga Martial art, Self Defense at Weaponry, pati na din si Ayato, si Ayato mismo ang gustong matuto
[Clarisse and Ayato Mansion]
“Naiintindihan ko ate!” sabi ni ayato sakin na may ngiti sa mukha nya
“Ok na ako don manatili muna kina Lolo”
Lolo? Eh?
“Teka, parang wala kang sinasabi sakin ah?”
"Hihi, sa totoo lang ate, kinagabihan kinausap ako ni Ma'am Principal nung wala ka dito sa bahay" sabi nya na habang kinakamot ang ulo
"Bumisita sya dito?!"
“Oo ate, sabi nya buhay pa si lolo dito sa mundong 'to, parang kilala ako ni Ma'am principal, nung buhay pa kasi ako nun, di ko naabutan si lolo, naunang pumanaw si lolo, si lola lang yung kasa kasama ko, diba sinabi ko na sayo ito dati ate?”
Oo tama, pumanaw si Ayato na batang bata pa dahil sa pagkalunod sa ilog, mag-isa syang napunta dito sa murang edad, di katagalan nahanap sya ni lola rosa, ang lola nya nun sa unang mundo
“Tutulungan daw ako ni Ma'am ate para mapuntahan si lolo”
“So ibig sabihin doon ka na titira sa kanya? Alam mo na ba ugali ni lolo mo?”
“Oo ate, nakausap ko sya sa Hologram na ginamit ni ma'am, magiging maayos din ako ate wag ka po mag-alala, ipapakilala kita kay lolo pagdating ko po doon”
Pumayag ako, kinabukasan din nakausap ko si Ma'am principal bago sila umalis, sa Hologram phone din nakausap ko din ang lolo nya, sinabi ko sa lolo ni Ayato na si Ayato na mismo ang magsasabi tungkol kay lola. May ugali ang lolo nyang medyo palabiro
May tiwala ako sa lolo ni Ayato, ang lolo nyang si Lolo Minato
Kinabukasan, nagdesisyon akong pumunta sa Sagrada Plains para mag-alay ng mga bulaklak doon sa puntod na inilagay ko, sa sirang bahay na tinirhan ni lola rosa at ayato nung una
“Lola, nasa maayos naman si Ayato, magkikita sya ng lolo nya”
Kinwento ko sa puntod ni lola lahat, sa pagkilala namin doon una sa magkapatid, sa pagkakilala narin kay Ma'am Principal, sa pag-aaral sa martial arts doon sa paaralan
Si Ma'am Principal, di nya sinabi ang totoong pangalan nya samin kasi ang totoo, biktima din sya doon sa misteryosong babaeng nagbubura ng mga ala-ala, kahit daw ang Memory Machine hindi kayang maibalik yun, pero isang araw may nagpakilalang babae na ang pangalan ay si Joanna Clarisse, medyo may pagkapareho kami sa Clarisse, may kakayahan syang marestore ang memorya ng isang tao pero tumanggi si Ma'am na hindi muna at tsaka nalang
BINABASA MO ANG
The Another World In The AfterLife
AvventuraNoong una. Ang mga tao ay nagtayo ng iba't ibang relihiyon sa iba't ibang panig ng mundo. Ang masasama ay mapupunta sa impyerno, at ang mga mabubuti ay sa langit... Pero... Nang nalaman namin na walang langit at walang impyerno, dun na ako nagtaka...