"wanted?" nasabi ko sa gulat dahil sa nabanggit ng isang batang lalaki nakalutang ere na pinaghahanap na kami ng gobyerno.
"Ang mga ebidensya ay ang pagkalat ng mga libro sa iba't-ibang parti ng mundo ngayon at napag-alamang kayo ang may gawa nun dahil nakita kayo ng isang tagabantay" pagpaliwang nito samin at magsasalita sana ako kaso nagsalita ulit sya "Malas lang at wala na ang traydor na si Zid, hinahatulan kayo na Papatayin"
Papata- ano?!
"Wag ka makinig sa kanya Kerina, ang isipin natin kung paano tayo makatakas, wala tayong panah--" naputol ang sasabihin ni Sean ng naramdaman namin dalawa ang bigat na awra na ipinapakita ng batang ito...
Awra na gaya nung reaper...
Bumaba mula sa pagkakalutang ang batang may maitim na pakpak, lumundag ito sa pagtapak sa lupa paharap samin at agad nawala sa isang iglap ang kanyang pakpak sa likod.
"Kilala kita, Devil Hunter Sean, alam mo bang ang saya-saya ko na tanggapin ang misyon nato mula sa lider namin? Gusto ko makapaghiganti sayo"
"Sorry, di ko na maalala sa dami nyo kasing peste sa mundong 'to" natakot ako sa sinabi ni Sean kaya ko sya hinampas ng kamay sa likod
"Ano ka ba? Gusto mo ba talaga tayong mamatay ha?" Bulong ko sa kanya
"Wala sa plano ko na mamatay, at wala sa plano ko na ikaw din mamatay, hindi ko hahayaan yun, lumayo ka muna ng kaunti, ako bahala" nagsimulang inextend ni sean ang dalawang kamao nya paharap sa kalaban, umitim ang paanan ni Sean dahil sa mga awra na lumalabas mula sa lupa
"Kay Zid huh? Di ko akalain na tinuruan ka nya ng Black Hole Technique" sabi ng bata
"Wag ka magpakampanti" sagot ni sean at ang dating madilim na sa paanan nya, bigla nalang pinalitan ng maliwanag na awra.
"White Hole? Hahaha, pinapahanga m-" di ko na naituloy narinig ang sasabihin nung bata ng bigla nalang nawala silang dalawa sa harapan ko.
Eh?
Lumingon lingon ako sa paligid...
Talagang, nawala sila
Sean's Point of View
"Anong ginawa mo?! Pakawalan mo ko!" Tanong nya habang nakakadena sa isang pader. Bawat kadena ay may selyo ng lenggwahe ng salita ng Diyos.
First time ko magawa 'to. Zid salamat.
Akala ko di ko magagawa, kasi nung una, nahirapan akong pag-aralan ito."Hoy hunghang! Nakikinig ka ba?!" Sigaw nya na pilit kumawala
"Oo, dinig kita" sagot ko
Kahit pala naka kadena sya, ang bigat pa din ang awra nya, iba sya sa mga nakasalubong ko noon dito.
Unti-unti na syang naagnas dahil na din sa selyo.
"Aaaaaaaa alisi- aaaaaa" ito nalang ang huling salita na nabanggit nya hanggang nawala na sya sa paningin ko.
Mukha ka lang bata pero ang totoo, wala kayong edad.
Nahulog ang mga kadena nung pagkawala nya at sunod nun nagdesisyon ako na bumalik kung saan sina Kerina at Clarisse.
BINABASA MO ANG
The Another World In The AfterLife
PertualanganNoong una. Ang mga tao ay nagtayo ng iba't ibang relihiyon sa iba't ibang panig ng mundo. Ang masasama ay mapupunta sa impyerno, at ang mga mabubuti ay sa langit... Pero... Nang nalaman namin na walang langit at walang impyerno, dun na ako nagtaka...