=4 Days before she Died=
[Rinkai High School Gymnasium]"Break muna guys!" sigaw ko sa mga manlalaro ng Basketball team. Pagod at pawis na pawis ang mga players papunta sa mga upuan nila tsaka nagsisi-inom sa sarili nilang tubig
"Pre wala pa ba si Sean?" Tanong ni Martin kay John
"Ewan ko ba don eh, sabi nya susunod daw sya"
"Miss Coach, baka alam mo?" Tanong sakin ni Martin
Nako, ewan ko ba don sa taong yun, kanina pa namin sya hinihintay pero nagdesisyon nalang kami na magsimula na wala sya
Sasagot sana ako sa tanong ni Martin kaso.... speaking of the devil
"Ano ba yan coach, nagsisimula ka na pala na wala ako tsk tsk tsk" sabi nya na may pagkadismaya sa mukha nya
"Bat ang tagal mo pre?" Tanong ni Patrick sa kanya
"Nag-aaral ng mabuti pre"
Wow ha? Nag aaral daw ng mabuti, eh kita ko nga na natutulog lang sya sa klase kanina eh
"Hahahaha himala hahaha" tawang tawang sabi ni Martin "yang mukhang yan mag-aaral hahaha" dagdag na pabirong tanong ni martin
"Aba't batukan kita dyan pre" pabirong batok ni sean at umupo ito sa tabi nya
While on break pa ang team, di ko maiwasan tignan ang mga kaluluwang pagala-gala sa loob ng campus.
Bigla kong naalala ang nangyari kahapon ng gabi, patungkol sa grim reaper na yun, mula nun, di na sya nagpakita ulit, miski sa campus
Di ko sinabi kina mama at papa tungkol sa sinabi nung grim reaper ang nakakaalam lang ay si beshy.
Ang ikinwento ko lang sa mga magulang ko ay nagpakita sya at nanggulo.
Hindi ko pa kaya kasi sabihin kina mama lalo na sa sinabi nung Grim Reaper nung mga gabing yun... na mawawala sila.
Nakatingin nalang ako sa malayo at lumilipad ang isip, di ko napansin na parami ng parami na ang nasa harapan ko, ang akala ko nung una ay mga tao lang gymnasium...
Bigla na lamang akong nagulat dahil bigla rumami ang mga multo sa paligid ko...
Tinitignan nila ako?? Bakit?
Naramdaman ko na lumapit sakin si sean para kausapin ako...
"Balita ko kaga--" kaso naputol ang sasabihin sana nya dahil, napansin nyang bakas sa mukha ko ang takot dahil sa nakita ko ngayon"Hoy, Kerina! Anong nangyayari?!" Niyuyugyug nya ako pero tulala parin ako
Nakaramdam ako ng pagkataranta ng team dahil sakin
"Mamatay ka na!"
"Bat ka pa nabuhay?!"
"Bat moko pinatay!"
"Dapat ka ng mamatay!"
"Bat mo ako pinatay!"Rinig ko ang mga sinasabi ng multo...
Sinisi ba nila ako kung bakit sila nawala?
Tama na please
"Ikaw ang dahilan bakit wala na ako sa mundong to!!"
"Bat mo pinatay si mama!"Hindi ko ginawa yun
Sobrang rami nilang sinasabi sakin na kung ano ano, bat sa akin nila sinisisi?
Tama na
Napatakip ako sa mga tenga ko, ayokong marinig ang mga boses....
BINABASA MO ANG
The Another World In The AfterLife
AdventureNoong una. Ang mga tao ay nagtayo ng iba't ibang relihiyon sa iba't ibang panig ng mundo. Ang masasama ay mapupunta sa impyerno, at ang mga mabubuti ay sa langit... Pero... Nang nalaman namin na walang langit at walang impyerno, dun na ako nagtaka...