Chapter 9: Librarian

28 0 0
                                    

"Musta, ako si Zid"

Isang lalaki mula sa likuran namin at nagpakilala sa kanyang mismong pangalan, nakasuot ito ng makakapal na damit na makaluma katulad ng mga Ancient Hebrew clothing noon. Mukha syang matanda na parang hindi, kakaiba kasi ang itsura nya at parang pabago-bago ito at hindi mo ito matansya

Pero bigla ko nalang naramdaman na may kakaiba sa kanya kaya ako napaatras ng kunti

"Bakit Clar?" Tanong ni Kerina at napatingin sakin

"Isa ka ding Demon tama?" Tanong ko kay Zid

"Oo tama ka ng hula, isa nga akong demonyo pero mas gugustuhin ko tawagin akong fallen angel" sabi nya

Fallen angel?

"Noong una, isa ako sa mga naglilingkod sa taas, ngunit nahikayat nila ako at kalaunay mali pala ang gusto nilang gawin. Gusto nilang maging mas mataas pa sa Diyos na sumang-ayon ako nung una. May isang pinuno kami at yun ay si Lucifer ang nagplano sa pagbaliktad laban sa Kaitaas-taasang Diyos, isa syang sakim na anghel, pero sa isang iglap, natalo kami at kasama ako don, pero ngayon, sa kanila na ako babaliktad" Kwento ni Zid saming dalawa pero parang di pa ako kumbinsido sa sinabi nya

"Paano ka namin pagkakatiwalaan ha?" Sabi ni Kerina sa kanya

"Sumunod kayo" sabi nya, nagkatinginan kaming dalawa ni Kerina at sumunod kami sa kanya pero nakadistansya parin kami sa pagkakalakad mula sa kanya

"Nauunawaan ko na hindi agad ninyo ako mapagkakatiwalaan, pero sa ipapakita ko sa inyo ay makakatulong na, ito ay regalo mula sa kaibigan ko na biktima din ng mga abusadong demonyo" sabi nya

Sa paglalakad namin di parin kami makapaniwala sa dami ng libro kahit saan, di kami makapaniwala na maraming ganito sa isa lang parke.

Natigil kami sa isang pintuan at binuksan yun.

Nagulantang kami dahil sa sobrang raming armas na pandigma sa isang malaking kwarto, kwartong sobrang laki na halos malula ka at punong-puno yun kahit sa napakasulok ng kwarto.

May mga baril na kahit anomg itsura ang makikita, sandata at armas na halos existed na sa History ng unang mundo at may mga halo na ding mga armas na nagexist na din dito kaya ganun ako nalula.

"Tutulungan ko kayo para tugisin sila, gamit ang mga nakikita nyo ngayon" sabi pa nya at tsaka ito humarap samin

Hindi lang pala libro ang marami dito kundi pati mga Armas?

Bigla nalang nagtaas ng kamay si Kerina

"Mukhang may tanong ka para sak-" sabi nya kaso pinutol ni Kerina yung sasabihin ni Zid

"Yung mga libro ba, dekorasyon lang ba mga yun?" Curious na tanong ni Kerina.

"Bawat libro na nakita nyo kanina ay hindi mga ordinaryong libro, yun ay mga halo-halong Librong may mga natatagong kapangyarihan yung iba ay may mga gifters spells enhancements books na tanging mga gifters din nakakagamit"

"Malalaman ba kung ano ang powers ko?" Tanong ni Kerina

Parang gusto ata ni Kerina na malaman kapangyarihan nya pero mismo kami di namin alam

The Another World In The AfterLifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon