Chapter 15: Missing Person

12 0 0
                                    

Ethan's Point of View
[Police Station]

"Sa kasalukuyan, patuloy parin pinaghahanap ang sikat na si Amelia Evergreen. Gumanap sya noon bilang batang mayaman sa isang telenovela na 'mr. Dream Boy' at iba pang Philippine Drama na napanood na ng karamihan..."

Langhiya, bat di ko alam na naging artista pala sya noon? Masyado na ata akong focus sa buhay ko lately o baka alam ko sya noon pero i did not pay attention kung sino man sya.

"...Mapaghanggang ngayon, hindi parin nakikita si Amelia Evergreen. Patuloy parin ang pagiimbestiga at inaalam pa ang mga CCTV kung sakali man kung saan sya huling nakita.... At sa ibang balita naman-"

Yup, kaya andito ako ngayon kasi basi daw sa nakita nila sa CCTV, nakita akong sumakay sa sasakyan ni Amelia nung gabing yun.

Yung police officer kanina, paulit-ulit tinatanong kung nagdelete ba ako ng conversation sa chat ko kay Amelia, yun lang naman kakaunti yung chat namin bago sya nawala. Pero hindi sya konbinsido.

Napabuntong-hininga nalang ako ngayon dahil sa nangyaring pagkawala nya. And guess what... Nakita ang sasakyan ni Amelia sa may malapit sa ilog at ang driver nya ay puno ng saksak sa katawan at wala ng buhay nung makita nila iyon.

Andito parin pala ako ngayon sa Police station at kanina pa ako talaga dito. Mamaya na daw kasi may magtatanong pa na isang imbestigador daw... hay nako ewan.

Gusto ko na umuwi muna.

Maraming mga coworker ang nagchat agad sa nangyari, lalo na kaibigan ko na si Jhonrey at yung tatlo pang damuho. Sabi pa nila na baka daw nirape ko, mga siraulo, eh ang tino ko ngang tao eh.

"Mr. Mendoza, maari ka na munang umuwi, may kontak ka naman namin dito sa tatawagan ka nalang namin." Sabi ng isang aleng babaeng police sakin

"Sige po" sagot ko sa kanya at tsaka ako umalis na doon.

Hay nako, rest day ko tapos ganito nangyari. Ano ba talaga nangyari after namin magkita dalawa?

Habang naglalakad ako pauwi, hindi ko maiwasan isipin yung mga posibleng nangyari. Sa pagkaalala ko, yung driver ni Amelia.. uhmmmm.. parang hindi naman.

Teka, on the way nung paghatid nya sakin, yung driver nya ni hindi man lang nagsalita sa mga oras na yun. Ang naririnig ko lang at sobrang daldal ay si Amelia. Pero ang driver namatay eh. May humarang ba sa kanilang sasakyan?

Ginugulo ko ng kunti ang buhok ko kasi nakakastress lang isipin.

Eksaktong 4:00 pm na ako nakarating ng sarili kong dorm. Napansin ko na sobrang raming notification sa phone ko pero tinatamad ako buksan kasi halos mga katrabaho ko nagchachat sakin kung ano ba talaga nangyari.

Iniisip ko talaga pagka-kinabukasan nito, maraming lalapit sakin.

Binuksan ko na ang pintuan ng dorm, pero nagulat ako ng may biglang nagsalita mula sa likuran at boses babae.

"Oh, dito ka pala nagstay?" tanong nito pero mas ikinagulat ko pa sa kung ano ang nakita ko kung sino sya.

Si Amelia...

"Anyway hi?" Bati nya

Bat sya nandito?

"Ano problema mo? Parang nakakita ka ng multo ah?" sabi nito at tulala ako sa nakikita ko ngayon at patuloy sya naglibot sa loob ng dorm ko.

The Another World In The AfterLifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon