Lorelie's Point of View
Tama sya, mali ata yung napasukan ko na'to.
"May panahon at pwede ka pang umatras missy" sabi nito pero...
Pwede nga bang umatras sa larong ito?
"Opss hahaha, bawal nga palang umatras sa mga ganito, di ko alam kung ano pero i am sure na death penalty ang makukuha mo"
Death penalty?
Bahala n-
Ang bilis ng pangyayari at malasegundo lang na nag-iba agad ang paligid ko.
Nagulat ako sa paligid na nasaksihan ko ngayon. Pamilyar sakin ang lugar na'to. Lugar na kinalakihan ko.
"Mag-eenjoy ka dito" wala sya sa paligid pero rinig ko pa din ng normal ang boses ng kalaban ko.
Illusion, yan ata ang abilidad nya.
"Lor" isang pamilyar na boses mula sa likuran ko.
Ang childhood bestfriend ko at kaboses nya ito. Di ako nagkakamali si Eleanor nga
Namatay din ba sya?Pero sinampal ko ang mukha dahil sa nakikita ko ngayon.
Illusion lang 'to. Hindi ito totoo.
"Nagustuhan mo ba? Hahahahaha" pang-aasar ng kalaban.
Bwesit, gagamitin ba naman ang nakaraan ko laban sakin.
Humawak ako sa paligid. Napakasolid ng illusion nya at mukhang totoo at isa pa...
Parang nasa isang lugar ako ng nakaraan ko. Sa harap ng bahay namin noon.
"Lor" sabi nito at nagulat ako dahil sa Nory (Eleanor) ay naglabas ng patalim mula sa likuran nya.
"Lor, mamatay ka" sabi nya kaya naman napatakbo ako dahil sa hinabol nya na ako ng kutsilyo.
Hindi ito totoo! Hindi ito totoo!
Nakapasok ako sa isang bahay. Di ko alam kung kaninong bahay yun at since illusion ito gawa ng kalaban, di ko na ininda kung kanino nga ba yun.
Di ako pamilyar sa bahay pero ang kaharap ng bahay nato ay ang bahay mismo ni Nory. Nagtago ako sa may kusina at umupo sa sahig.
Napalinga-linga ako sa paligid at bigla nalang akong nagulat dahil isang paghagis ng patalim patungo sakin, buti di ako nito tinamaan at nakailag lang ako pero nakatarak lang ang patalim doon sa pinto ng kitchen cabinet.
Tatayo na sana ako kaso biglang nadulas ang isang paa ko resulta ng pagkahiga kaya di maiwasan na napapikit sa sakit.
Dahil sa tumama ang tuhod ko ng malakas sa sahig, napansin ko na may pond ng dugo at kasunod nun ang katawan ni Eleanor doon na wala na atang buhay.
Di ko alam kung anong nangyayari kung bakit naging ganun pero ang sumunod ay isang napakalakas na hangin at unti-unting nag-iba ang paligid ko.
BINABASA MO ANG
The Another World In The AfterLife
AdventureNoong una. Ang mga tao ay nagtayo ng iba't ibang relihiyon sa iba't ibang panig ng mundo. Ang masasama ay mapupunta sa impyerno, at ang mga mabubuti ay sa langit... Pero... Nang nalaman namin na walang langit at walang impyerno, dun na ako nagtaka...