Chapter 8: Angel's Quest

22 0 0
                                    

[Mercato di Sogni (Market of Dream)]

Isa sa mga lugar na maraming mamimili ay ang gusali ng Mercato di Sogni, kung saan maraming bilihin na mabibili.

Mabibili lahat dito ang mga mamahaling damit at ordinaryong damit, prutas at gulay, mga hayop na pwede gawing alaga, mga sandatang pandigma at mga pandigmang baluti, at ang mga kung ano-ano pa.

"Di ko alam na ang ganda pala dito" sabi sakin ni Kerina habang nililibot ang paningin sa paligid.

"Sa totoo lang, first time ko lang din dito eh tapos medyo malayo pa to sa inistayhan natin na mansion pero kailangan natin ng pagkain eh para may stock tayo this month" sabi ko sa kanya habang naglalakad kami at tumitingin tingin sa paligid, sa katunayan, doon kami papunta sa may mga gulay at prutas na area.

"Eh? Yung andon na lugar na may malapit na merkado din diba?"

"May hinahanap lang ako na ingredients na sobrang rare na dito daw makikita, wala kasi yun sa Oreobi"

"Ano ba yun?"

"Tatlo need ko, ang Moonbeam mushroom, Starlight Berries at ang Eternal Ice Crystal"

"Bat parang fantasy name mga yan? Ano ba yang lulutin mo?"

"Di naman lulutuin, desert sya actually... andito na pala tayo"

Nakarating na kami sa area na yun, sobrang raming mga gulay at prutas, yung iba nga palang prutas ay wala sa naunang mundo at gaya din sa mga gulay.

Matapos ang limang oras na paghahanap, nabili ko na din ang hinahanap ko.

"Bumili din kaya tayo ng isda? May narinig kasi ako kanina sa babae about sa lasang apple na isda, nacurious ako eh" sabi ni Kerina habang dala nya ang isang supot na Eternal Ice Crystal.

Bigla akong napatingin sa kanya "Merong ganun?"

"Siguro?"

Nadiskubre namin na ang tawag pala nun ay Orchard Mariner...

Minsan napaisip nalang ako na ang lugar na pangalawang mundong 'to ay may mga nilalang talaga na weird

Nung araw nga, nung kasama ko pa si Ayato noon, may isdang nagsasalita sa ilog, kulay pula, ang tawag nila doon ay Ruby Chatterbox Guppy, mahilig syang mag-asar sa mga taong makakita sa kanya... kinakain din naman sila

Nung naikwento ko nga kay Kerina kanina, tawang tawa sya

Habang nasa palaisdaan kami, may lalaking biglang lumapit sa amin ni Kerina.

"Magandang bati sa inyong dalawa, Clarisse at Kerina?" At sabay pagyuko nito samin

Tinignan ako ni Kerina at tsaka tingin doon sa lalaki at tsaka bumulong ng tanong "Kilala mo Clar?"

"Hindi eh" sagot ko

Bat iba kutob ko sa kanya?

"Di ko din sya kilala eh, pero kilala nya tayo" bulong na sabi Kerina sakin

"Sino ka? Anong kailangan mo?" Tanong ko don sa lalaki

"Magandang araw sa inyo, ako ay si Elysion, ang anghel, sugo ng Diyos na ipinadala para sa inyo bago sya iselyo ng mga kaaway"

The Another World In The AfterLifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon