Ethan's Point Of View
[Novaroma Dominion Empire]
Novaroma. Sa pagkakaalam ko, ang lugar na'to ang pinakamalaking empire at halos sakop nito ang pinakamalaking kontinente.
After ang training ko with lolo sa sakura high school at sa iba pang andoon na estudyante, marami akong natutunan.
Hammer, yun ang nahasado ako dahil sa weapon na yun. Ewan pero may kakaiba sa katawan ko nung tumagal ako dito and its been 4 months na din mula ng napunta ako dito. Di ko na alam kung may naghahanap ba sakin doon sa unang mundo.
Isa na din ang Heaven's academy ang unang inintroduce sakin ni Steven bago ang Sakura High School at both school ay nagtulungan dahil sa issue na nakalap tungkol sa paglitaw ng mga Anghel at mga Demons.
At...
"Bat ba ako nagdadala nito? Ang bigat ng bag mo" reklamo ni Lorelie habang hingal na hingal na dala bag ko.
Aba kasi, ayaw ba naman gamitin yung teleportation ability nya. Bilang parusa bwuhahahaha ginawa ko yun sa kanya.
"500 HC, take it or leave it" sabi ng isang babaeng malaki ang hinaharap at ngayon we currently mag-e-Inn.
"P*ta, wala na bang ibababa yan?" Bigla nalang akong sinapok sa ulo ni Lorelie
"Bibig mo" kinalmot ko nalang ito at pumayag nalang, kasi halos ata ng mastayhan dito umaabot sa 600 HC, 1000 HC at minsan 5000 HC ang pinakamahal... Langhiya, bat ganito kamahal dito? Mas mura pa nga ata singil ng landlord ko sa unang mundo kaysa dito.
Pumasok na kami sa isang kwarto...
"Hoooo! Finally!" Sabi ni Lorelie at nagdive sa kama
Bat ba kami andito?
Ok ganito kasi, sabi ni Lolo na may actibidad na palaruan, isang arena na posibleng may kinalaman ang mga demonyo. Need ko manmanan ang lugar para alamin kung totoo ba.
Kaso bukas nalang... Kapagod maglakad. Eh sa ayaw ba naman gamitin ng babaeng 'to kapangyarihan nya, kasi daw di daw pwede at di na sya nagpaliwang pero umamin naman na gusto daw nya magpapayat, eh ang payat na nga nya, so ginawa ko, binigay ko sa kanya ang dala ko na bag.
Teka.... Isa lang ang kama?
"Bat isa lang ang kama?!" Sabi ko at nanlaki ang mga mata ni Lorelie habang nakatingin sa kisame
"Siguro may gagawin ka sakin nu?! Kaya moko dinala dito?" Pinagsasabi nito?
Naloko na, di ko napansin na Lovers Inn pala napasukan namin, kaya pala mahal
"Hoy lie, kahit maghubad ka pa dyan, wala akong interesado sa katawan mo" sabi ko sa kanya
"Perv!!" sabi nito at kinuha ko ang unan na kinuha ko sa bag at hinagis sa pagmumukha nya
Dumating ang gabi at inangkin nya ang buong kama at ako sa sahig pero ayoko na magreklamo. May gagawin pa kasi kami bukas.
Di ko pa rin maiwasan isipin na dumating ako sa kabilang buhay na di namatay. Sure akong pinaghahanap na ako sa unang mundo at ganun din si Amelia.
BINABASA MO ANG
The Another World In The AfterLife
AdventureNoong una. Ang mga tao ay nagtayo ng iba't ibang relihiyon sa iba't ibang panig ng mundo. Ang masasama ay mapupunta sa impyerno, at ang mga mabubuti ay sa langit... Pero... Nang nalaman namin na walang langit at walang impyerno, dun na ako nagtaka...