Hangin?Ahh, oo nga pala...
Nahuhulog pala ako...
Kahit naman mahulog ako hindi ako mamamatay kahit gaano kataas pa yan...
Sana nga....
Naging tao nalang ako...
Lumipas ang mga taon at maraming nangyari. Mga kaganapan sa buhay ng mga tao at relasyon nila sa Diyos.
Maraming pagsuway ang ginawa ng mga tao at maraming beses na din nagalit ang Diyos sa kanila.
Mga kasamahan ko na dating anghel, nangingialam sila sa mga tao, pero ako...
"Ano bang ginagawa mo ha? Itinakwil Nya tayo, dapat tayong gumanti, pero ikaw wala kang ginagawa? Ano bang problema mo?" Galit na galit na reklamo ng isa ding nalaglag na anghel na gaya ko
"Hindi natin gawain 'to, dapat bumal-" hindi ko na naituloy sasabihin ko dahil sa natanggap ko na suntok mula kay Lucius dahilan para napatumba nya ako
"Bumalik? Hahaha, nahihibang ka na, bahala ka na sa buhay mo, si Lucifer na mismo ang bahala sayo" sabi nya at tsaka sya umalis
Napaupo ako at tulala...
Tinignan ko nalang si Lucius na umalis. Nung una, sang-ayon ako sa kanila pero see kaya bumaliktad din ako pero katagalan, naramdaman ko nalang na hindi pala maganda ang layunin nila. Puno ako ng pagsisisi sa ginawa ko. Kung maibalik ko lang ang oras at panahon, kaso... hindi ako Diyos.
Pero wala din akong plano maging Diyos, hindi gaya ni Lucifer na gusto nga maging kagaya ng Kaitaas-taasang Diyos.
"Parang ang lalim ng iniisip mo ah? Isang binagsak na anghel ka diba?" Boses babae ang naririnig ko mula sa likod na papalapit sakin... boses ni Celestia
Tinignan ko sya saglit at yumukong tulala habang nakatingin sa lupa, ganun parin ang posisyon ko mula pa kanina, nakaupo sa lupa...
"Nadinig ng Diyos ang iniisip mo" sabi nito sakin
Pero patuloy parin akong nakayuko, nakikinig sa kanya
"Wag na, mas maiging wala nalang akong gagawin, hindi naman ako mamatay titignan ko nalang kung ano mangyayari sa paligid ko" sabi ko kay Celestia
Si Celestia ay hindi isang gaya ko, isa syang ganap na anghel at hindi kailan man nagrebelde at sumama sa plano nila Lucifer.
"May ibinigay na misyon sayo ang Taas, dapat na tanggapin mo yun dahil makakatulong ang misyon nato pagdating ng araw"
Ipinaliwanag nya kung ano at doon ako nagulat at napangiti ng bahagya...
"Ganun pala, sige, gagawin ko" mula sa pagkakaupo ko kanina, inabot nya ang kamay nya at tinulungan makatayo
"Paalam na muna" tsaka sya umalis papalayo gamit ang paglipad nito sa ere.
Lumipas ang maraming pangyayari, unti-unting nabago ang kultura, mga kasaysayang naitala, at syempre, hindi mawawala ang pangingialam nila Lucifer sa mga tao
BINABASA MO ANG
The Another World In The AfterLife
AdventureNoong una. Ang mga tao ay nagtayo ng iba't ibang relihiyon sa iba't ibang panig ng mundo. Ang masasama ay mapupunta sa impyerno, at ang mga mabubuti ay sa langit... Pero... Nang nalaman namin na walang langit at walang impyerno, dun na ako nagtaka...