"Seifred."

17 0 0
                                    

Nnaj P.O.V.

It makes my heart sick when I remember all the good words and the broken promises.

Kagabi, titig na titig saakin si Lyra. Ewan ko ba dun kung bakit. Ang creepy niya, swear. At kagabi yung mga iniisip ko pagkatulog ni Lyra. Hindi maari ngunit ito ang aking nararamdaman.

Mahal ko na ulit siya. Ay mali! Mahal ko pa din pala siya.

Bakit ba ang hirap niya kalimutan? hindi ko din alam.

Ngayon? Magluluto ako ng breakfast namin ni Lyra. Tinali ko ng mataas yung buhok ko at kumuha na ng mga ingridients sa ref.

Handa na kaya ako? Handa na kaya akong humarap sa kanya muli? Handa ko na ba siyang tanggapin ulit? Handa ko na ba harapin ang katotohanan? Handa na ba ulit akong mas masaktan? Kasi kung gusto mong maging masaya, hindi pwedeng hindi mo harapin ang katotohanan, ang problema. Hindi pwedeng tumalon ka lang at makuha mo na kaagad ang happiness na gusto mong makuha. Kailangan mo munang harapin ang dapat harapin, gawin ang mga dapat gawin, at tapusin ang mga dapat tapusin bago mo makamit ang gusto mo.

Kahit na sa una, masasaktan ka. Kahit na sa una, hindi mo kaya. Kahit na sa una, nahihirapan ka. Sa bandang huli, makakasanayan mo na din yun.

Kailangan lang talaga ng mga acceptance sa buhay. Kahit masakit o mahirap, kung gusto mong maging masaya kailangan gawin ang mga gagawin.

Kailangan din na pipiliin yung mahal at hindi yung gusto. Kasi ang mahal, permanent yan. Ang gusto, temporary lang yan. Parang pipili ka ng isang desisyon na mamahalin mo at siguradong masisiyahan ka. Hindi yung desisyong pipiliin mo kasi gusto mo pero walang kasiguraduhan na masisiyahan ka.

May mga desisyon kasi na panandalian lang ang saya.

May mga desisyon na pang habang buhay ang saya kung patutunayan ito. Hindi naman sa ibig sabihin ko na palagi ka ng masaya. Yung tipong makakadanas ka ng problema, pero kaya mo ng solusyonan kaagad. Makakadanas ka ng problema para lang matuto ka. Hindi yung problema, na habang buhay dinadala mo pa kasi mali ang nagawa mong desisyon.

Ngayon handa na nga ba ako sa mga maaring mangyari? Sa tingin ko? Wala naman akong magagawa e. Sabi ko nga diba, kailangan harapin ang mga problema, kahit ilang beses mo pa itong talikuran, sa bandang huli, kailangan mo pa din harapin

"Good morning! Huy! Lalim ng iniisip mo ah. Agang aga."-Lyra.Nagulat ako kay Lyra. paano ba naman, bigla biglang susulpot at medyo malakas lakas pa ang boses. Tiningnan ko siyang nagkukusot pa ng mata dahil sa bagong gising at pailing iling pa.

"Ang gulat ko naman sayo. Hahaha." Tumawa lang siya at umupo na sa table.

Habang hinahanda ko yung mga niluto ko, sinabi ko sakanya na handa na akong kausapin si Seifred.

"Talaga?! Kailan?! Saan?!"-Lyra. Sa pagkakasabi niya nan, parang gulat na gulat siya at hindi makapaniwala. Anong sa tingin niya? Habang buhay ko nalang tatalikuran ang mga nangyayari ngayon? Hell no! Gusto kong maging masaya, ayoko magkaroon ng bad memories na hindi ko nalulutasan 'no!

"Hahaha. Kalma. Hmm. Oo. Mamayang dinner? Baka ako na pumunta sa bahay nila."

"Kailangan mo ba ng back-up? Hahaha."-Lyra

"Hahahaha! 'To naman, parang bubugbugin ko si Seifred ah! Kahit wag na. Mukhang kaya ko na 'tong mag isa. Sana nga."

"Sige sabi mo e. Pero kapag hindi mo na kaya, tawagan mo ako ha? Baka saan ka nanaman mag punta at kumain ng mga weird na pagkain. Hahahaha."-Lyra.

Tumawa nalang ako sa sinabi niya at nagsimulang kumain. Kahit nasasaktan ako ngayon, nagagawa ko pa din namang magpakasaya. Hindi naman kasi pwedeng araw araw ko nalang dadamahin yung kalungkutan. At thankful ako na kahit ganito ako ngayon, nasasaktan. May tao pa din handang magpasaya saakin, handang damayan ako sa mga oras na down na down ako at never niyang ipinaramdam saakin na magisa ako. Thankful ako siempre sa bestfriend ko, kay Lyra na palaging nandyan. Wieee. Ang cheesy ko. Hahaha.

Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon