My Mortal Enemy 2: War 2

80 3 0
                                    

Kakadating ko lang ng school, nakita ko na agad yang walang kwentang Seifred Ford na yan, pa-cute ah umagang umaga palang. Nakakaiyamot, nakakaasar. Panira agad ng umaga ko. Parang ayaw ko na tuloy pumasok ng Classroom, kung makikita ko lang yang mukha niya.

"Hey you! Sabay na tayo pumasok ng classroom" Wag nalang. Sirang sira na araw ko.

"Asa ka!" Nakakaiyamot grabeee. Walang hiya siya.

"Pakipot ka pa" Tang*na, ako pa yun pakipot. Eh, paano kung ayaw ko talaga? Tss. Dali-dali nalang akong naglakad para hindi niya ako maabutan.

"Teka lang! Sabay na tayo. Wala namang malisya eh! Wag ka namang feeling!" Oo nga, wala nga namang Malisya. Papayag na sana ako, kaso yunblast part eh! Lalo akong naasar, sabihan ka ba namang FEELINGERA! Asa nalang siya, never akong mag assume sakanya noh! Pogi naman siya, kaso wala namang Respeto sa babae. Halikan ka ba naman sa harap ng maraming tao, at take note wala kayong relasyon.

"Bahala ka dyan. Wag mo akong kausapin."

"Ang aga aga badmood ka agad. Sino ba may gawa?"

"wag mo ng alamin. Wala kang karapatan malaman"

"At bakit naman?"

"Teka, ano ba kita?"

"Wala wala. Ge Una na ako!"

Teka, anong nasabi ko? Bakit umalis siya? Nasaktan kaya siya? Ha? Bakit naman siya masasaktan? Ano ko naman talaga siya diba? Tama naman ang sinabi ko, may mali ba dun? Wala naman akong masakit na sinabi pero nag mamadali at simpleng itsura na nakatungo lang ang nakita ko. Baka nahihiya lang siya at may nakita, kaya siya nakatungo. Baka may tumawag sakanya, tapos nagtatago siya para hindi siya makita ng ibang mga babae. Sabagay, sikat nga pala siya

Imposible namang hindi magtago yun. Ikaw Nnaj ha, kung ano-ano ang iniisip mo na IMPOSIBLE. Nag a-Assume ka nanaman eh! Nakakasakit yan, hindi mo ba alam?

"Nnaj Leyne Einstein! heyyy!"

Kanina pa pala ako tinatawag ni Lee. Hindi ko manlang napansin. Masyado bang malalim ang iniisip ko para hindi siya marinig? Grabe.

"Bakit?"

"Ano bakit? Kanina pa ako nag ku-kwento sayo, hindi mo manlang ako pinapansin. Nakatulala ka pa. Ano bang problema mo?"

"Wala."

"Imposibleng wala. Mukha mo palang hinding hindi ko na maipinta. Hindi ganyan ang kilalang Nnaj na itsura."

Dalawang araw palang kami nagsasama, kilala na niya agad ugali at itsura ko kapag may problema? Iba 'to si Lee. Ang bilis makahalata. "Ano kasi, ano"

"Ano?"

"Nakasabay ko kanina si Seifred..." hindi pa ako tapos nag salita na agad siya -_-

"Si Seifred? Ano? Anong nangyari? Nanligaw na ba?" Hala. Ligaw agad? Mukhang interisado sa kwento ko ah! Hindi naman 'to magandang news eh. Hayaan na nga lang.

"Hindi ano kaba! Patapusin mo muna ako, okay?"

"Okay go!" Nakakaasar, mukhang nang uutos lang.

"Kasi sabi niya kanina. Sabay daw kami.  Kaso hindi ako pumayag"

"Yun na yung pinoproblema mo?"

"Oo, yun nga"

"Oh e, anong meron?"

"May nasabi ako sakanya, kaya nauna siya dito sa Classroom"

"Ano naman?"

"Sabi ko, "Teka ano ba kita?" "

"Bakit mo sinabi yun?"

"Totoo naman diba? Wala naman kami."

"Nakikipag Friend lang siguro." Nga naman. Kung ano-ano kasi pumapasok sa isip ko eh. Kainis.

"Kaso, iba yung itsura niya nung umalis siya eh"

"Ano nga bang itsura niya?"

"Nakatungo tapos simple lang habang tumatakbo"

"Alam mo kung bakit siya ganyan?"

"Bakit?" Yung itsura ko nagbago, nung tinanong ako ng ganyan ni Lee. Mukhang nabuhayan ang dugo ko. Hindi ko alam. Pero yung buong katawan ko, mukhang interisado sa mga sasabihin niya.

"Siempre, sikat siya. Madaming naghahabol sakanya, baka nagmamadali siya papasok ng classroom kasi. Tingnan mo, katabi agad siya ni Rayne. Nakatungo siya kasi nga nagtatago tapos natakbo siya para walang makapansin sakanya."

Napa-Poker Face nalang ako sa sinabi ni Lee. Akala ko pa naman iba yung sasabihin niya. Pero, iisa lang pala yung iniisip namin. Bakit ako ganito kay Seifred? Marinig ko lang pangalan niya, napapalingon ako. Bakit ganito pakiramdam ko? Ayoko ng ganito. Ayoko ng ma fall ulit.

-----------

Author's Twitter Update:

"@einelicouss: Wag kang didikit sa Apoy, baka matunaw ka."

Follow Me on Twitter!♥

Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon