Still in Friends?

66 1 0
                                    

Umaga nanaman, at biglang pumasok sa isip ko yung taong mahal ni Rayne. Bakit 'di nalang ako yung minahal niya? Ako naman yung palaging kasama niya, ako naman yung palaging nandito para sakanya. Bakit hindi nalang ako yung mahalin niya? Hay. Ang Manhid mo, Rayne. Sobrang Manhid.

Nandito kami ngayon sa classroom. Wala yung Prof namin, natural nag ku-kwentuhan kami. Ay mali, sila lang pala. Nakaupo lang ako, at ramdam ko sa sarili ko na kanina pa ako nakatulala kasi malayo ang iniisip.

"Oy. Guys, saan kayo sa vacation?" Tanong saamin ni Nnaj. Oo nga no, saan kaya ako pupunta sa vacation, ayoko ng tameme sa bahay. Hindi ko gusto yung ganun. Nakaka boring. To be honest, gusto ko mag beach ngayon. Gusto ko pumunta sa Boracay.

"Gusto ko mag Boracay." Sagot ni Rayne sa tanong ni Nnaj. Rayne! Parehas tayong gusto pumunta sa Boracay. Dun pa nga lang, Meant to be na tayo. Bakit kasi hindi nalang ako?

"Gusto ko sa Paris." Sagot naman ni Seifred. To be honest, sa Paris, France yung favorite place ni Nnaj. And for sure, dun yun pupunta.

"Parehas tayo Seifred." Makikita mo sa mukha ni Nnaj ang pagka-excite. Kaso, hindi ko alam kung bakit. Na-fall na kaya 'to kay Seifred. Kung Oo, buti pa sila may same feelings. Huli na ako eh. May mahal na si Rayne.

"Ikaw Lyra, saan ka pupunta?" Nagulat ako nung tinanong ako ni Rayne.

"Uhm.. sa-sa- sa Singapore" Nauutal kong sinabi. Ayokong aminin sa kanila na gusto ko din sa Boracay. Baka kasi mahalata nila na sinusundan ko si Rayne.

"Ako lang pala dito sa Pilipinas. Iiwan niyo pala ako." Sad tone ang pagkaka sabi nan ni Rayne. Hindi kita iiwan Rayne, kung alam mo lang na parehas tayong gustong puntahan. Kahit kailan, di ko magagawang iwan ka. Kasi, mahal na mahal kita.

Rayne P.O.V.

Sa Singapore pala gusto ni Lyra mag vacation, pero sa Boracay kami ng family ko. Nakakainis, wrong timing.

Nakita ko si Nnaj mag-isa dito sa Hallway. Lunch kasi namin ngayon, baka umuna na siya tumaas kila Lyra. Ako? Saan ako galing? Umuwi kasi ako sa bahay, nakalimutan ko kasi yung baon ko. Susunod ako kila Lyra sa Cafeteria, at ilalagay ko lang yung gamit ko sa Next Subject namin. Siguro, ito na yung time na mag patulong ako kay Nnaj para sa kaibigan niya. Hindi ko na kaya na itago pa 'to. Pero, yung pinayo ko kay Seifred, ganun din yung gagawin ko. Maglalabas lang ako ng nararamdaman ko para kay Lyra, para naman hindi mabigat sa damdamin ko.

"Nnaj." Tinawag ko si Nnaj, at lumingon naman siya sa direksyon ko.

"Bakit?" Nagtatakang tanong niya saakin.

"May sasabihin ako sayo." Tumakbo ako papunta sakanya, at yun mukha niya parang nagulat na kinakabahan.

"Hmm. Ano yun?" Pumipilit siya na ngumiti, para di mahalata na kinakabahn siya.

"Tulungan mo naman ako." Sa pagsabi kong nan, parang gumaan yung loob niya. Bumalik na sa natural yung itsura niya. To be honest, maganda at cute si Nnaj, pero kahit maganda yan si Nnaj. Mahal ko pa din si Lyra. Kahit madaming babaeng maganda dyan, walang makakatumbas sa nararamdaman ko para sakanya. Dahil ang puso ko, para kay Lyra lang. Ang weird no? Pero, ngayon lang kasi ako mag mamahal ng ganito eh.

"Hoy! Ano nga yun? Aba!" Galit na galit na sabi ni Nnaj.

"Mahal ko na yung Bestfriend mo." Nagulat siya sa sinabi ko.

"Seryoso ka? Mahal ka din nun eh." Mas nagulat ako sa sinabi ni Nnaj.

"Mahal niya din ako?"

"Oo. Pero, dahan dahanin mo muna ha?" Oo alam ko yan. Yan yung sinabi ko kay Seifred eh.

"Sasabihin mo sakanya?"

"Oo naman. Alangan naman itago ko pa sa kanya, baka maunahan ka lang." Madaldal din pala 'tong babaeng 'to eh.

"Wag. Ako na ang magsasabi!"

"Ikaw bahala. Pero, kailan?" Gusto ko last day ng school.

"Last day ng school year. Sa 4th Floor, 3pm. See you!" Tumakbo na ako at pumunta na sa Cafeteria.

•Nnaj P.O.V.

Buti pa si Rayne at Lyra, mutual feelings na. Kami kaya ni Seifred? Kailan pa? Hay. Ang boring, wala kaming subject buong araw, sabi nung President namin. Kaya, tumambay na ako sa Rooftop, dahil sobrang hangin dito, tahimik at walang mang-gugulo. Pero, nagkakamali ako, biglang dumating dito si Seifred. Bakit nandito siya? Naglalakad siya papunta saakin. Potek, yung heartbeat ko ang lakas ng tunog. Sana di niya naririnig.

"Hi Nnaj." Ang ganda ng mga ngiti niya, nasisilaw ako.

"Hello. Anong ginagawa mo dito?" Nakangiti kong tanong sakanya. Ang komportable ng galaw ko, feeling ko kapag nandito siya sa tabi ko di ako mapapahamak.

"Wala lang. Sasamahan lang kita, boring sa classroom. Walang mainit ang ulo. Hahahaha" Well, ako yung tinutukoy niya. Tanggap ko naman na ganun ako. Bipolar sobra. Haha.

Ngumisi ako at umisod ng konti, sign na parang 'sige, dito ka, tabi tayo' "Ang sarap dito noh? Ang ganda."

"Mas maganda ka." Ngumiti siya. Ano daw? Alam ko naman yun.

"Ano?" Nagulat siya. Hahahaha. Nakakautas yung mukha niya.

"Hm. Ha, wala wala." Halatang nauutal siya. Ang cute niya.

"Hahahahaha. Okay sabi mo eh!" Biglang tumahimik kami. Mga 5minutes, tapos siya ang bumasag ng katahimikan.

"Nnaj, bestfriend nalang tayo? Haha. Pwede ba?" Bestfriend lang? Ano ba naman yan. Well, okay. Wala naman akong magagawa eh.

"Sige."

"Tara baba na tayo. Malapit na tayo umuwi eh. Haha" sumunod naman ako sakanya. at bumababa na kami sa classroom.

------

Author's Twitter Update:

"@einelicouss: May Babaeng gine-Girlfriend. At may Babaeng bine-Bestfriend"

Follow Me on Twitter!♥ Keep Reading! :)

Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon