Friends

58 1 0
                                    

Pagkatapos namin kumain, pumunta na kami kaagad sa Room101 para sa Last and Boring naming subject, kundi ang 'Algebra'. At ewan ko ba dito kay Lyra at favorite 'tong subject nito. Halos makatulog na nga ako dahil sa sobrang boring, at take note si Lyra lang ang palaging nasagot nun ha? Matalino na, at maganda pa. Kaya siguro may pagtingin 'tong si Rayne John Bernis kay Lyra Nexxie Lee eh.

"Class Dismissed" Woaah. Finally! Nagising ako bigla dun ha? Hindi naman malakas, tama lang yung tono ng boses ng Professor namin, pero yun na ata yung pinaka masayang words na narinig ko.

"Nabuhayan ka bigla ah!" Epal talaga 'tong lalaking 'to sa buhay ko. Ewan ko ba at kung bakit nag exist pa 'to sa paningin ko eh.

"Ewan ko sayo"

"Uy. Sorry na! Batukan kita dyan eh."

"Aba! Ikaw pa ang may ganang magalit? Corny mo." Kapal talaga ng mukha. Nakakirita na ha. Sumosobra ka na.

"Mainit nanaman ulo mo. Hatid na nga lang kita" May kabutihan din pala 'tong aswang na 'to eh.

***

1week nalang, vacation nanaman. Hayy, ngayon ko lang napagisip na boring pala sa bahay. Sana palagi nalang may pasok, para palagi kong nakikita si Seifred'beybe. Ew. Kadiri. Umagang umaga nag na-Nightmare ako dito. Monday nanaman, nakakatamad bumangon sa higaan.

"5:45am na?!" Ang bilis naman ng oras. 6:15am dapat aalis na ako sa bahay. Naligo na ako kaagad ng mabilis na mabilis, nagbihis, kumain, nag toothbrush, nagsuklay, nagayos ng buhok, at ng dahil sa hindi ako nag pa-powder nagsapatos na ako at umalis na. Paglabas ko palang ng gate namin, may kotse na naka balandra sa harap ng bahay namin.

"Oy! Pwede patabi? Dadaan ako oh. Di mo ba nakikita?"

"Ganda ng umaga ko. Nakita ko na kaagad ang Prinsesa ko." Si Seifred Ford? Ang aga aga. Pero, ano daw? Prinsesa?

"Hindi mo ako mapapakilig dyan sa mga salita mong yan. Ganda ganda ng umaga ko, sinira mo pa. Tabi nga dyan at dadaan ako"

"Kalma lang. Palagi nalang ang init ng ulo mo saakin. Inaano ba kita?"

"Inaano mo ako? Umagang umaga palang, nakita ko na kaagad yang pagmu-mukha mo, sino ba ang hindi maiinis dun?" To be honest, nagpapakipot pa ako. Haha. Titingnan natin kung hanggang saan 'tong lalaking 'to.

"Sakay." Binuksan niya yung Right side ng door ng kotse niya at pinasakay ako. Sa halip na dumada pa ako at ma-late pa kami, sumakay nalang ako. Para wala ng gulo.

Nakarating kami sa School ng walang imikan. Hindi manlang ako nag Thank you, kasi nga nahihiya na ako bumasag sa katahimikan. Bihira na nga lang tumahimik yung planetang Earth, babasagin ko pa. Maalam naman ako mahiya, kahit papaano. At dahil boring ang lahat ng morning subject namin, dumeretso na ako sa Cafeteria ng walang kasama.

•Lyra P.O.V.

Nasa classroom ako ngayon kasama ang dalawang lalaking halimaw. At ewan ko ba kung bakit kasama ko si Seifred, sa oras na kailangan kami lang ni Rayne ang nandito. Teka, bakit di kasama ni Seifred ang maganda kong Beastfriend? Oo tama, Beast yung babaeng yun. Palagi kasi mainit ang ulo.

"Hoy! Seifred Ford, nasaan si Nnaj? Saan mong lupalop iniwanan?" Itong si Seifred, kung manliligaw kay Nnaj, hinding hindi ko papayagan. Pinapabayaan magisa si Nnaj.

"Ewan ko." Nagkibit balikat siya, at mahina ang tono ng boses. War siguro 'tong dalawang 'to.

"Ano nanaman ang nangyari sainyo?"

"Yun kasing magaling mong Bestfriend. Napaka mainitin ng ulo. Pasalamat siya, at mahal ko siya..." Ano daw? Mahal? Omaygawd. Sinasabi ko na nga ba eh. May pagtingin 'tong si Seifred kay Nnaj eh.

"Lyra and Rayne. Tulungan niyo naman ako kay Nnaj. Please?" Kung hindi 'to malapit sa taong mahal ko, nasipa at nabatukan ko na 'tong lalaking 'to eh.

"Lyra, ikaw ang magaling dyan. Alam mo kung ano ang ayaw at gusto ni Nnaj, ako nalang ang bahala sa mangyayari" sabi saakin ni Rayne. Ano kaya ang maiitulong nitong lalaking 'to. Palagi nalang ako, ako at ako. Sabagay, mas kilala ko si Nnaj kaysa sa dalawang aswang na 'to.

~~~~~

Author's Twitter Update:

"@eineliciouss: Say it. Before it's too late."

Follow me on Twitter!♥

Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon