Tears.

9 0 0
                                    


●Nnaj P.O.V.

Hays. Hell week. Yes. Tama kayo ng basa. Hell week na saakin ngayon ang school days. Alam niyo nanaman siguro yung reasons diba? Kung hindi pa, edi bahala kayo. Nakikibasa ka na nga lang, mag rereklamo ka pa? Uso din naman yung privacy saakin a! Hahaha. Joke lang. Eto naman, tampo kaagad. Hihi. So, ito na nga; First, makikita ko si Seifred. (The hell, imposibleng gusto ko pa din siya makita. Kahit na kinikilig ako sa mga binibigay niya saakin. Minsan nga mas okay na yung ganito kami, kaysa sa NOONG KAMI PA, hindi manlang siya mag effort. Hmp.) Second, lahat ng stress nasa mga college students 'no! Hindi na pwede ang pa-petiks petiks. Nakasalalay na ngayon yung future ko. Unlike nung highschool pa ako, pwede kahit late ako magpasa. Palagi ka pa nireremind nung teacher na ipasa yung mga missed requirements mo. Eh ngayon college? Sariling sikap ka. Yung mga requirements kailangan mo ipasa sa tamang panahon at yung panahon na 'yon, sobrang ikli pa. Mahaba pa nga ata yung bangs ni Dora. Tapos kapag hindi mo pa napasa, bagsak ka na kaagad. Tss. Yung mga prof ko naman kasi, napaka selfish. Tambak ng projects or performance task sa ibang subject tapos may homework, quiz or long quiz slash exam pa kinabukasan?? Hindi manlang nila naisip na tao kami, hindi paniki. Tapos kapag may bagyo, wala pang suspension ng klase? Myghadness. Hindi kami water proof. Unlike nung highschool kami, minsan Signal No. 1 or No. 2 wala na kaagad kaming pasok. Ugh. I miss Highschool life. Well, let's move on. Third, nakakatamad bumangon ng sobrang aga para sa 7am class ko 'no. 7am to 12nn tapos ang topic, ALGEBRA! Oh well, ginusto ko naman kasi 'to nung una e, pero like D to the U to the H. DUUUUH. Ang dali dali kaya ng Algebra nung Highschool ako, hindi ko naman akalain na ganito kahirap sa college. Hays. Okay na din siguro 'to. Hindi lang naman ako yung araw araw na nagdudusa e. May classmates, batchmates, schoolmates, bestfriend, friends, at strangers na nagdudusa din. At thankful na din ako sa prof kong ang tyaga mag turo ng ganun kaaga at katagal sa mga estudyanteng natutulog, may nag seselfie or nag te-text lang sa subject niya. Minsan nga may taong napunta nalang sa cafeteria na walang paalam e. Tss. Wag kayong magalala at hindi ako yon! May manners naman ako. Aba, pinasok ba naman ako ni Mommy sa isang Lesson na puro Manners sa dining table, kapag may guest etc etc etc chubaekek na yan! Ang ginagawa ko lang naman e, kumakain ng patago. Siempre, pa-anghel lang.

Actually, ngayon lang naman ako tinamad ng ganito e. Nung nakita ko lang talaga si Seifred na.. tss alam mo na 'yon! Nakakamiss si Ford. Letse.

Omyghad! Hindi ko namalayan yung oras. 6:30am na pala. Tss. Letse naman. Dali dali na akong tumakbo sa CR ko, at naligo. Hays. Hayaan na ngang late, ipagdadasal ko nalang na sana good mood yung prof ko ngayon. Hay Nnaj.

After 10 minutes na byahe, finally! Nandito na ako sa campus. Well, 20 minutes late na ako. Napag desisyonan ko naman na wag ng pumasok sa first class ko e. Kaso, sayang naman yung binabayad ni Mommy sa tuition ko. Hindi ko na nga sinundan yung yapak nila, bibiguin ko pa ba sila dito? Hell no. Kahit galit ako sa Math nung Elementary ako, plus and minus, multiplication and division, integers and etc pa lang yung topic namin. Gusto ko pa din maging Engineering sa future! Aba, ang laki kaya ng sweldo ko pagnagkataon. Mehehehe.

Nagulat ako ng biglang, "Ms. Einstein, uso pong kumatok" sabi ng prof ko.

"Sorry po, Sir." Sa prof ko sinasabi yan.. pero letse, kay Seifred ako nakatingin. Ugh. Hay Life.

"It's okay."-Prof. Hay. Thank you, God at good mood yung prof ko. Thank you po talaga. :DD

As usual, umupo na ako sa tabi ni Lyra. At nasa likudan ko si Seifred. Bakit parang feeling ko, kinukuryente niya ako? Bakit feeling ko, nakatitig siya saakin? Bakit naninigas ako sa kinakauupuan ko? Bakit parang gusto kong lumingon sa likod ko at tingnan kung tama ba yung hinala ko? Bakit gusto ko siyang asarin? Bakit gusto ko siyang pansinin? Bakit? Huhu. Kainis naman. Bakit ba kasi nagkakaganito ngayon yung life ko?

Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon