Friends

70 2 0
                                    

Sarap sa pakiramdam na hindi na iiwas yung taong mahal mo, yung pwede mo ng iparamdam sakanya kung gaano kahalaga ang pagkakaibigan niyong dalawa, kahit friends lang yung status mo, pwede mo pa din naman ipakita kung gaano siya kahalaga. Basta wag nga lang papahalata. Malapit na mag tapos ang school year namin, parang kailan lang nag aaway away pa kami, pero ngayon mag ka-kaibigan na. Bilis talaga ng panahon sa planetang Earth. Kailan kaya darating yung araw na, mag papakasal na kami ni Nnaj?

Nandito ako sa 4th Floor, nakaupo. Masarap kasi mag gitara pag tahimik eh. Yung tipong walang away, at mga huni lang ng ibon ang maririnig mo.

"Ba't 'di papatulan ang pag suyong nag kulang, tayo ay umaasang hilaga't kanluran. Ikaw ang hantungan at bilang kanlungan ko. Ako ang sasagip sayo~!" Napakanta nalang ako bigla ng 'Tadhana by Up Dharma Down' Tinadhana nga kami ni Nnaj sa isa't isa?

"Seifred!" Tinawag ako ni Nnaj, na may malaking ngiti sa kanyang labi.

"Hi! :)"

"Ayaw mo bumaba? Nakakamiss ka eh!" Ano daw? pakiulit? Namimiss niya daw ako? Bakit naman? Sino naman ako sakanya, diba? Ay oo nga pala, Kaibigan lang ako sakanya. Kaya may posibilidad talagang mamiss niya ako.

"Haha. Patawa ka din eh noh?" Wala na akong nasabi eh. Baka madulas pa ako. Mahirap na.

"Hindi ah! Tunay kaya yun" Nilapitan niya ako at nginisian.

"Tara mag Starbucks mamaya?"

"Sige. Libre mo?" Bakit naman hindi, diba?

"Oo naman. Ikaw pa, malakas ka saakin eh!" Hahaha. Friend eh.

"Naks. Kantahan mo nga ako." Hala? Anong kanta ang ikakanta ko sakanya? Teka teka. May naisip ako.

"Chorus lang ha? Please" Nag pacute ako sakanya. Nahihiya kasi akong kumanta sa harapan niya. Hindi pa naman ako praktisado.

"Oo naman. Nag pacute ka pa eh!" Pinalo niya ng mahina yung mukha ko. Ang lambot ng mga kamay niya, ang sarap hawakan.

"La la la la la la. Alam niya ba kung paano?

La la la la la. Mag mahal ng todo?

La la la la la la. Yung tipong 'di ko nagawa.

Alam niya ba? Alam niya ba?

Alam niya bang Mahal pa rin kita?~"

***

Tapos na ang klase namin at pumunta na kami ng Starbucks ni Nnaj. Kasama namin sila Lyra siempre. Double Date 'to. Walang kokontra.

"Anong order mo Nnaj?"

"Frappe nalang saakin"

"Ikaw ang manlilibre kay Nnaj, Seifred?" Tanong saakin ni Lyra.

"Siempre naman. Ako ang nagyaya eh!" Hina ng kokote ni Lyra. Tsk tsk.

"Bakit ako hindi ililibre ni Rayne?"

"Ewan ko sayo. Bakit saakin mo tinatanong? Ako ba si Rayne?" Di hamak mas gwapo pa ako kay Rayne.

Nilibre na ni Rayne si Lyra. May pagka kuripot kasi minsan si Rayne, pero himala nawala medyo ngayon.

Nang natapos kami kumain sa Starbucks. Ihahatid na ni Rayne si Lyra sa bahay nila. At siempre, ihahatid ko ang aking Prinsesa. Pinag bukas ko siya ng pintuan, tanda ng pagka magalang ko sa mga babae.

Habang nasa kotse, ang awkward namin. Ang tahimik, wala manlang naimik. Kaya pala, tulog na pala si Nnaj. Haha. Ang cute niya matulog. Sleeping Beauty.

Nakarating na kami sa bahay nila Nnaj. Nandun yung Daddy niya. Wala naman kamin ginawang masama ni Nnaj, kaya wala akong kailangan ikabahala. Ginising ko na si Nnaj at pumasok na siya sa gate nila. Ako naman ayun, umalis agad. Baka mapagalitan pa ng Daddy niya, hindi pa naman ako handa.

•Nnaj P.O.V.

Inihatid na ako sa bahay ni Seifred. Pero, anong nangyari kanina habang nasa kotse kami? Ang alam ko lang, nakatulog ako. Ano? Nakatulog? Nakita niya kaya ako? Siguro naman hindi, nag da-drive yun eh.

Kinantahan niya ako kanina. Para kanino kaya yung kantang yun? Wala naman akong iba eh. Siya lang naman talaga yung mahal ko, pero kanino kaya yung kantang yun? Baka hindi saakin, kinanta niya lang yun para may mapag practice-an siya.

***

Napansin ko, itong mga lumipas na Buwan, palagi na akong hinahatid ni Seifred sa bahay namin at palagi na din kaming lumalabas kung saan-saan. Sino naman ako sakanya? Ay oo nga pala, Kaibigan niya lang ako.

Nandito kami ngayon nila Seifred sa Cafeteria. Nakain ako ng Nachos at sila naman Burger. Malayo layo sa kanila yung gusto kong pagkain. Iba ang trip ko eh.

"Nnaj, bakit ang takaw mo?" Walanghiya 'tong si Seifred. Inaano ko ba siya?

"Pakialam mo?"

"Ohhh! BURN" sagot ni Lyra.

"Namimilosopo ka nanaman. Sabagay, namiss ko yan" Sa sinabi niya yun, nag blush ako ng kaunti. Ikaw kaya sabihan ng taong mahal mo na namimiss niya yung mga pinag gagawa mo dati. Hindi ka kaya kiligin nun? Hindi ko nalang inimikan si Seifred at patuloy nalang ako kumain.

--------

Author's Twitter Update:

"@eineliciouss: You don't have to be perfect for anyone, it's someone that has to find you perfect as you are."

Follow Me on Twitter!♥

Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon