Bestfriend♥

32 0 0
                                    

•Nnaj P.O.V.

2nd Day ko na dito sa Paris. And, dakilang LONER lang naman ako. 'Di ko la masyadong kabisado mga lugar dito. Kaya malay ko ba. Kaya napag desisyunan ko munang manatili dito sa Condo Unit ko. Wala naman kasi akong makakasama sa labas eh. Sa tingin ko nga, pumunta ako dito para may masabi lang kung saan ako nag bakasyon. Hindi para sa gumala gala.

10am na dito. Mag hapon naman ako online sa skype, twitter, facebook and of course sa Instagram. Kapag bored, nag babasa nalang ako sa wattpad. Biglang may tumawag saakin sa skype.

*Seifred is calling*

OmyG, sasagutin ko ba 'to?

Malamang Oo! Tawag lang 'yan. Wag kang mag ilusyon na pankilugaw na 'yan. Assuming ka.

Bwiset na utak na 'to, masyadong matalino. Pero, thankful pa din ako kasi 'di ko inakala na usefull ka pala sa buhay ko.

In-accept ko na yung tawag galing kay Seifred. Tutal naman nga naman ang utak ko, at mag papakipot pa ba ako? Duh. 'Di na uso 'yan.

"Hi Nnaj." Sabi nung nasa kabilang linya. Lintek. Nakatulala pa ako at 'di ko namalayan sa sarili ko na mabilis na nga pala mag loading 'tong iPad ko kasi nag delete ako ng songs, pictures at application para hindi ma full 'tong iPad ko. May iPhone naman ako, pero dun ko nalang nilagay yung mga songs at iba pang application.

"Hello." Ngiting ngiti kong sagot kay Seifred na nasa kabilang linya,

"Nakatulala ka kanina, may problema ka ba?" halata sa mga mata niya na nag aalala siya. Singkit na nga ang mata, halatang halata ko pa. Tsk. Lakas talaga ng dating nitong si Seifred saakin. Kainis.

"Ha? Ako nakatulala? Baka guni guni mo lang 'yun. May inaayos kasi ako kanina." I lied again. Hay. 'Di na bago saakin 'to. Kaya sanay na ako.

"Wag ka ng mag palusot. As a Bestfriend and soon to be your husband, kilalang kilala na kita sa kilos ko, Kaya wag ka ng mag maang maangan d'yan. Pwede?" Sabi na nga ba, at wala akong kawala d'yan kay Seifred sa pagtatago ng tunay kong nararamdaman.

"Mind reader ka ba? Or what?" Nag tataka kong sagot. Totoo naman kasi eh. Halos lahat ng mga bagay-bagay na tinatago ko, nalalaman niya.

Tumawa siya ng malakas sa kabilang linya, "No. Hindi ako mind reader." Sabi niya pa, habang tawang tawa sa narinig. May nakakatawa ba sa tanong ko? pa-comment nga.

"Kung hindi Mind reader, may stalker ka ba na pinadala dito? Or, stalker kita?" Sunod sunod na tanong ko sakanya. Nakakapag taka nga naman talaga eh.

Tumawa nanaman siya ng malakas. Litsi. Ang hot ng mga tawa niya. Yung pagbaba ng adams apple niya kitang kita ko, "Hahaha. Mas lalong hindi ako stalker. Sa gwapo kong 'to? Pagkakamalam mo akong stalker? Think about it, Nnaj." Pagyayabang niya saakin.

Tinutok ko ang electricfan sa mukha ko, ng naging dahilan ng pag kunot ng forehead niya. "Bakit mahangin d'yan?" tanong niya saakin.

"Humahangin kasi ng kayabangan mo ngayon dito sa Europe eh." Pambabara ko sakanya. At ang naging dahilan ng paghalakhak ko.

"Don't laugh like that."

Ang salitang 'yan ang nag patigil bahagya ng pag tawa ko, At ang dahilan ng pagka kunot ng forehead ko. Tila nag salubong nanaman ang maarte 'kong kilay. "What do you mean, huh?" Tanong ko sakanya.

"Ang sexy mo kasing tumawa eh." oh. Shit. For the first time, may nag sabi saakin na ang sexy ko daw tumawa. At nakaramdam ako bigla ng kahihiyan, hindi ko pinatay ang video call namin dahil sa daling dali akong napa takbo sa kama at napa ubob ako sa unan ko. Ramdam ko sa nga mukha ko ang pagka init ng mga pisngi ko. Siguro dahil sa kinikilig ako.

"Nnaj. Nasaan ka na ba? Wag ka ng mag talakbom ng kumot. Please naman oh?" Shit. Nag mamakaawa siya. At namiss ko bigla ang itsuro niya kapag gustong gusto niya akong ihatid, pero 'di ako pumapayag, Naririnig ko na tawag saakin ni Seifred sa kabilang linya. Iniwanan ko ang iPad ko sa ibabaw ng table na malapit sa higaan ko. Kaya kapag pumunta ako sa kama, kitang kita niya.

Tumayo naman ako bigla sa kama, dahil miss na miss ko na siya. At gusto ko 'din siyang makausap. Kaso, bestfriend muna kami sa ngayon. May karapatan 'din namang mamiss namin ang isa't isa dIba? "Nakakainis ka."

"Bakit naman? Kinikilig ka lang eh." Halatang may halong pangaasar ang sinabi niya, ng dahil sa boses niya.

"Ewan ko sayo. Atleast, tumayo pa ako. Pasalamat ka nalang." Pagmamayabang ko sakanya.

"Sus. Namiss mo lang ako eh." halatang nagbibiro siya at sa ngayon, may halong halakhak na.

"Mukha mo. Ikaw kaya ang nakakamiss saakin." Ang lakas ng loob ko 'no? Wala eh. Nasa mood ako makipag biruan sakanya. Kaya, pasalamat na nga lang talaga siya.

"Kung alam mo lang kung gaano kitang sobra namimiss." Naging seryoso ang pagsasalita niya at ganun din ang itsura niya na dati punong puno ng biro pero ngayon, nabalot ng seryosong mukha na may halong lungkot sa mga mata niya,

"Ays. Ang drama mo."

"Haha. Edi nainlove ka nanaman?"

"Anong connect?"

"Gwapo ako." Napa-foker face ako sa narinig ko.

"Nananaginip ka ba?"

"Edi sana, kung nananaginip ako, bangungot na 'to, Kasi nandun ka?" Pangaasar niya saakin.

"Ewan ko sayo." Para akong bata na nag cross arm sabay pout.

"Joke lang." Pangiti ngiti niyang sabi.

Halos 6 hours kami mag kausap sa skype. Kahit kakain sabay kami. Para kaming naka In relationship na LDR pero walang kami.

"Tulog na tayo?" Anyaya ko sakanya.

"Sige. Good Night. Sweetdreams. Ingat ka palagi ha? Kain ka on time. Wag kang papalipas. Iloveyou." Sunod sunod na sabi niya saakin. Daming bilin 'no? Siguro, dyan ko siya nagustuhan.

"Sige. Good night. Sweetdreams. 'Kaw din."

*Call ended*

------

Author's Twitter Update:

"@eineliciouss: 'Ikaw at ako, tayo'y pinagtagpo.'- Ikaw at ako"

Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon