Bestfriend? ♥

36 0 1
                                    

Seifred P.O.V.

Mamaya na ang Flight ko papuntang Paris. Yes, tama ang nabasa mo. Pupunta ako sa Paris, para sundan at makasama ko si Nnaj. 'Di ko kayang hayaan yun dun na mag isa, baka makahanap pa ng iba. Hindi ko na ma-imagine ang sarili ko, kapag wala siya. Kasi, lintik na kupido. Sapul na sapul ako ng pana mo. Ang bading tingnan. Pero, wala akong magagawa. Ang lakas lang talaga ng tama ko kay Nnaj.

"Seifred 'Nak, tara na. Ihahatid ka nanamin ng Papa mo sa Airport." Ang bilis ng oras. Kahapon mag kausap lang kami ni Nnaj sa skype, tapos mamaya makikita ko na siya. Ang saya, 'di ba?

"Opo, Ma. Bababa na po." sabi ko kay Mama. Ang galang ko 'no?

"Bilisan mo. Mahuhuli ka na sa flight mo mamayang 6am." Itong si Mama, gustong gusto na ako palayasin dito sa bahay. Nakakapagtampo tuloy.

Bumaba na ako at nakita kong nasa sasakyan na sila Mama na para bang excited na umalis ako. Wala manlang drama scene? Hindi manlang siya iiyak? Pero sabagay, aalis lang naman ako, hindi mag papakamatay. 'di ba? Pero yung puso ko, patay na. Patay na Patay na kay Nnaj.

After a Day, sa wakas nandito na ako sa Europe. Ang ganda pala dito. In a few minutes, la-landing na kami. I can't wait to see her again. I totally fvcking miss her.

And.. uhm.. wait. Nakita ko yung Eiffel Tower dito ngayon sa taas. Ang ganda niya, mataas. At grabe, hindi ko ma-explain. Ngayon, alam ko na kung bakit gusto dito ikasal ni Nnaj. Paris? City of Love nga pala.

"Ladies and Gentlemen. Good Morning. I'm Louis Kine your captain speaking. Now, we're here on Europe. Have an Amazing Day. Enjoy and have fun. Thank You." Daming alam nung captain 'no? Gustong gusto ko ng bumaba dito. At samantalang siya, ayaw pa kami pababain. At ang masaklap dito, nasa tabi ako ng window. Jusko. Nasaan ang Hustisya?

Nag palakpakan yung mga tao dito. Ugh. Ang dami namang ginagawa e. Hindi na nga ako makapag hintay na makita ko ulit si Nnaj. Tapos, binabagalan pa talaga nila? Ganyan na ba makipag laro ang Tadhana ngayon? Pababain niyo na ako dito, please?

Nandito na ako ngayon sa Hotel. Pag lumabas ka sa Terrace ng room ko, makikita mo ang gilid Eiffel Tower. And katapat ko lang ang room ni Nnaj. Hahaha. 3 points for Mr. Ford. Yeah!

Kanina, nakaramdam ako ng antok. Kaya nakatulog ako ng mga 3hours lang. Tapos ngayon, naka topless ako, nakahiga sa kama at io-open ko ang iPhone ko para

"Hi Seifred! :)" 'yan. Para i-message ko si Nnaj sa skype, pero halata namang nauna siya at

Nnaj is Calling...

para tawagan siya, kaso nauna nanaman siya. Kanina pa ako nakikipag laro saakin ang tadhana a. Sumosobra na. 'Di joke. Bati kaya kami.

"Hi Nnaj!" And this time, ako na ang nauna. Sabi ko naman sainyo e. Bati kami ni Tadhana e.

Naka topless ka kasi.

Hala? Maniac pala 'to. Hoy! Para kay Nnaj 'to. Hindi sa'yo.

Ay. Sayang naman. Sige, ipapauba ko nalang. Mag paparaya nalang ako.

P*ta. Ang harot harot naman.

Sa hindi ko namalayang dahilan, napatikop ang bibig ni Nnaj. Hala? Bakit? Bakit siya namumutla? May sakit ba siya?

"Uhm.. Seifred.. Uhmm." Taena. Anong nangyayari dito?

"Bakit? May sakit ka ba? Masama ba ang pakiramdam mo? Kailangan mo ba ng gamot?" sunod sunod na tanong ko.

"U-uhm. Hindi. Wa-wala akong sakit. P-pwedeng mag da-damit ka?" Ayon! Natakam siguro sa 6packs kong abs. Akala ko pa naman kung ano.

"Hahahahahahaha. Oo. Teka. Eto na." Kinuha ko na yung damit ko at sinuot kaagad ito.

Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon