Stranger-Schoolmate-Friend-Bestfriend to In Relationship♥

161 5 0
                                    

•Lyra P.O.V.

Ako nga pala si Lyra Nexxie Lee, Lyra for short. 1/4 Japanese and the rest Filipino, kakauwi ko lang last month dito sa Pinas para dito na mag aral. Sa Neverland Academy ako mag aaral, mga 30minutes lang naman ang byahe, simula sa bahay namin. Kakagawa lang ng school na yun. First Year Collage ako pag pasok, Industrial Engeneering ako, ohha! Hindi ko talaga akalain na ito pala makukuha ko, samantalang Sporty ako.

First Day ng School. First Batch kami dito sa Neverland Academy, konti lang ang mga tao, siguro mga 90+ lang kami. Nakaupo lang ako dito, kunwari may ka-text ako. Todo pindot ako sa iPhone ko, sa tingin ko kasi mag kakakilala sila, kaya ginawa kong paraan na mag laro ng Flappy Bird at kunwari may ka-text para naman hindi mukhang Bored at O.P. ako sakanila. Nakatungo lang ako, sakit na nga ng Ulo ko. Nang biglang may lumapit saakin, na hindi ko kilala kung sino naman 'tong nilalang na 'to.

"Hi!"

Feeling Close? "Hmm. Hello" yan nalang nasabi ko, grabe nakakahiya kaya.

"Anong name mo?"

O e, ano naman? Bakit niya naman tinatanong? Baka bully 'to. Juskooo baka nakikipag kaibigan lang 'to para pag tripan ako. Mukhang Maarte ang itsura niya, grabe lang makapanamit, Fashionista siya, baka Multimedia Arts ang kinuha niya, o baka naman AB Comm. Kung ano ano pa iniisip ko, sumagot ka na nga lang! "Lyra :)" Tss. Tagal ko sumagot, para tuloy ang haba haba ng name ko. Para tuloy pinag isipan ko. Para tuloy ngayon palang ako nag kapangalan.

"Ahhh. Nnaj Leyne Einstein for short Nnaj! :)"

Inabot niya ang kamay niya, at siempre nakipag shake hands na din ako. Mabait naman pala siya, pero kapag titingnan mo lang siya parang napaka arte niya, hindi mo talaga inakalang ganun siya kabait. "Nice to meet you"

"Nice to meet you :) Ano nga pala ang kinuha mong Course?"

"Industrial Engeneering. Ikaw?"

"Same. Haha. Parehas tayo! :)"

Industrial Engeneering siya? Seryoso ba siya? Bakit mukhang hindi? Hala! Sayang Beauty niya, Dapat nag artista nalang siya. 'Di siya bagay sa Industrial, mukhang sayang ang kutis kapag nasugatan siya. Morena siya, pero iba yung pagka Morena niya. Pero, bakit ganun? Einstein last name niya? Kaano ano niya si Albert Einstein?

"Eyy? Kanina pa ako nag sasalita dito. Bakit parang natulala ka dyan? May gwapo ka bang nakita? Share naman o! wag mong sarilihin niyan. Bigay bigay din ha?"

Napatulala ako sakanya. Wala akong nakitang gwapo, kanina pa pala siya nag sasalita, Isip ka nalang ng topic, baguhin ko.Pero, wag yung about sakanya.

"Kaano ano mo si Albert Einstein?" Hala! Natanong ko yun? Nakakahiya. Lyra! nakakabwiset ka. Nagmukha tuloy akong Chismosa dito. Pero, hayaan mo na atleast may topic kami, Para naman hindi awkward.

"Hahahahahahaha"

Hala? tinawanan yung tanong ko? Napaka simple niya, parang simpleng babae kung tumawa, walang pakialam sa mga nakakarinig sakanya. Hindi halata sakanya na ganun pala siya mautas. Pero teka, Di naman nakakatawa yung tanong ko a! "Hindi naman nakakatawa yung tanong ko a. Pero, bakit utas ka na dyan?"

"Hindi ko Father, Grandfather, o fader si Albert Einstein noh! Ang layo kaya ng angkan niya saamin. Baka naka-tadhana na talaga saamin yang Last name na yan."

Aaa. Pwede ba yun? Nag exist pala yang mga ganyan sa mundo! Sabagay, madami din namang naga-Add saakin sa Facebook na Lee ang last name, pero di ko sila kilala, tinanong ko naman kay Mommy at Daddy kahit sa Lolo at Lola ko, wala naman sila kilala. Pero ka-Last Name ko sila, ay ewan.

"Aaaaaaa" Nakakahiya mga 2minutes akong hindi nagsasalita, pero yun lang yung nasabi ko.

"Lets start the Student orrientation"

Ayy? 9am na pala. Ang bilis naman. Paniguradong ang Boring nanaman nito.

Natapos na ang Orrientation na wala akong naintindihan. Nag fla-Flappy Bird lang ako, na addict na ata ako dito eh. Nasa loob na kami ng kanya kanyang classroom. Sabi nila, nasa section daw namin yung pinaka-sikat at pinaka gwapong transferee dito sa Neverland Academy. teka, lahat naman kami dito Transferee e. Pero, kaya pala madaming babae ngayon, sinundan daw ng mga babae ang dalawang lalaki. Ang tahimik ni Nnaj a. May sinusulat siya, ang nakita ko lang ay "Student Orrientation 2014" yun lang naman kasi yung nasa pinaka main Title e. Boring na boring ako nung Orrientation pero itong si Nnaj, kinig na kinig. Hindi kaya siya na boring kanina? "Ang boring nung orrientation noh?"

"Hindi naman eh"

"Seryoso ka?"

"Mukha ba akong nag sisinungaling?"

Ayy? Nakuha pa talagang mang piloso nito. Halatang parehas kami, pilosopo din ako eh. Pero, namimilosopo pala siya, hindi halata e. May tumalo na talaga sa beauty ko. Iba talaga! "Nakuha mo pa talagang mamilosopo sa seryosong tanong ko?"

"Hindi naman kasi ako namimilosopo kung mukhang hindi ka pa ewan-ewan sumagot."

Sabagay, may point siya. "Whatever" Ni-rolled ko nalang yung eyes ko.

Nakilala na namin yung mga Subject Teacher namin. Wala namang gwaping Teacher e. Pero yung isa, may itsura kaso medyo bumibigay e. Sayang siya. Habang nag lalakad kami ni Nnaj may narinig akong bulong-bulungan. Seifred at Rayne daw. Si Seifred daw yung Basketball Player at si Rayne daw yung Football player. Well I don't care. Wala pa sa isip ko ang Lovelife na yan, saksak nila yan sa baga nila. Ew.

"Order lang ako ha? Kakain ka ba?" ang bilis naman magutom ni Nnaj.

"Aaa. Hindi pa! Busog pa ako e" Tinatamad lang talaga akong kumain.

"Aaa. Sige!" nagpaalam na siya, at umalis na.

Naiihi na ako. Punta muna akong CR, iwan ko nalang muna ang gamit ko dito. Pagkatayo ko may nabangga ako. Nakatingin lang ako sa baba. Ayy. Lalake 'to.

--------------

Author's Twitter Update:

"@Eineliciouss: Ang kagandahan hindi mo nakikita sa panlabas na anyo, ito ay nakikita paglabas ko ng Pinto"

Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon