Nnaj POV: Going Strong? Oh wait. Who is she?

11 0 0
                                    


•Nnaj P.O.V.

Hindi ko naman kasi inaakalang ganun yung gagawin ng lalaking yun. Malay ko ba? Dapat nga bukas ko pa yun papansinin e. E, malay ko bang ganun yung gagawin nun.

Sunday ngayon at sisimba kaming apat. Kung tinatanong niyo kung nagsasawa na ako sa mga itsura nila. Haha. Malapit na. Siempre, joke lang yun. Mukha ng Bestfriend ko? Never ko pinagsawaang makita yan, yung tipong gusto ko pag gising ko siya na kaagad ang nakikita ko. Nakakamiss lang makipag kulitan sakanya. Kaya nga kagabi, kinuha ko na yung time na yun para makakulitan ko siya. Haha. Ang sweet ko ba? Wag ka. Moment ko 'to.

"Nnaj!" Tawag saakin ng katulong namin.

"Bakit pooo?!" Sigaw ko pabalik sakanya.

"Nandito na si Seifred, sinusundo ka na."

"Pababa na po ako." Ang aga naman nung lalaking yun. 8:30am pa naman ang misa e. E, 7am palang naman. Masyado atang excited.

Dali dali na akong nagayos. Hindi na ako naglagay ng kung ano-ano sa mukha. Hindi din ako nag po-powder kasi bawal saakin, allergic kasi ako. Sabi nga saakin ni Seifred na ang gift niya nalang daw saakin ay Powder yung human size daw, para daw naka-display lang at hindi daw maubos. Ugh. Meron ba nun? Pakainin ko siya nun e. Papatayin ata ako. Bwiset.

"Good Morning, My Girl." Enebe. Hahaha. Ang landi ko. Kinikilig ako e.

"Hmm. Yeah. G-good morning." Sabay ngiti. Letse. Bakit ba kasi nauutal pa din ako kapag nakikita siya?! Parang 'di na ako nasanay e.

"Hmm. Ano. Uhm. Kumain ka na ba?" Sabi ko sakanya, kasi mukhang hindi pa. Ang aga aga niya kasi.

"Hindi pa nga e."-Seifred.

"Osiya kumain muna kayo bago kayo umalis."-Sabi ni Manang, katulong namin.

"Hmmm. Ang sarap naman nyan, Manang" Pambobola ni Seifred. Psh. Sobrang close nila ni Manang. Fc kasi niya. Simula nung naging kami, gusto daw niya na lahat ng ka-close ko, ka-close niya na din. Para daw alam niya yung ugali ng mga nakakausap ko. Kapag hindi niya naman nagustuhan, pinapalayo niya na ako kaagad.

"Sus,kumain ka nalang iho."-Manang

Nagsimula na kaming kumain. Sinusubuan pa nga ako ni Seifed e. Hahaha. Siempre tumatanggi ako, maalam naman kaya akong mahiya. eh?

Lyra is calling...

"Yes?"

(Nasaan na kayo?)

"Hmmm. Nandito pa sa bahay. Kayo?"

(Paalis palang sa bahay namin. Sa Simbahan nalang tayo magkita kita ha?)

"Sige. Sige. Ingat kayo."

(Sige kayo din.)

Call Ended.

Kumain na kami ni Seifred. At ng matapos, kaagad kaming nagpaalam sa katulong namin at umalis.

**

Nandito na kami sa loob ng simbahan. Masayadong maraming tao, kaya nung una nahirapan naming hanapin sila Lyra. Kaso, ewan ko ba kung bakit patanga-tanga yung utak ko, huli na nung nalaman kong uso tawagan siya.

Nabigla ako ng kiniss ako ni Seifred sa lips ko,

"Peace be with you."-Seifred.

Ah kaya naman pala. Teka kailangan iki-kiss?

"Bakit mo ako kiniss?"

"Nakanganga ka na kasi. Iwasan mo ang pagnganga mo, sige ka, ang bibig ko ang gagamitin para tumikom yan." Na speechless ako sa sinabi niya. Hay Seifred Ford, kahit kailan naman o!

Natapos na yung mass. Okay naman, masyado lang maharot yung katabi ko (si Seifred). And ngayon, waaaahhh jusko gutom na ako. Penge foods? T_T

"Uyy saan tayo kakain?" Siempre ako ang nagsabi nan. What's new? Haha.

"Kayo saan niyo ba gusto?"-Lyra.

Oh sht. Ayoko mag heavy meal! Gusto ko ng Donut. Ughh. Ahha! :D

"Uhm. Pwede bang favor? Please?" Haha. With puppy eyes pa yann! :')

"Oo ba. Basta libre mo."-Lyra. Hay nako, kahit kailan talaga. Pero well, bihira lang naman ako manglibre and gustong gusto ko na talaga ng donut.

"Fine."

"Ohh yess! Naks naman Nnaj, ganda natin ngayon ah!"-Rayne. Pssh. Basta libre lakas mambola diba?

"So, saan tayo?"-Lyra. Ngiting ngiti e. Once in a blue moon lang kasi ako manlibre. At may miracle daw ngayon kasi hindi si Lyra yung nanlibre. Haha. Si Lyra kasi yung madalas ohh wait, I mean palaging nanlilibre. Hahaha. Mabait talaga bestfriend ko, mana saakin! Lagot kasi anh mag react! :P

**

Nag order muna kami sa Starbucks saka pumunta sa Krispy Kreme. Takte sila Rayne, daming in-order. Minsanan lang naman daw e. Pagbigyan ko nalang daw sila. Pssh. Bahala sila kapag sila naman yung manlilibre. Sisiguraduhin kong mamumulubi sila. Hmp!

Sa kalagitnaan ng pagkain ko, napansin kong kanina pa nakatitig sa Girl si Seifred. Nung papunta na yung Girl sa Cr, biglang

"Uhm. Guys, Restroom lang ako. Nnaj, babalik ako baka mamiss mo ako ha?" Ginulo yung buhok at pinisil yung cheeks ko sabay kiss.

Sino siya?

Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon