Bestfriend♥

35 0 0
                                    

•Lyra P.O.V.

Ang saya saya ko, dahil sinundan ko talaga si Rayne dito sa Boracay. Ang panget tingnan na ako yung naghahabol sakanya, pero gusto ko talaga siya makasama. Ayokong mamiss ko pa siya, dahil lalong lumalalim ang pagtingin ko sakanya. Ganun din naman kapag nakakasama ko siya, pero gusto ko talaga siya makasama.

To be honest, nung kukuha siya ng ticket papuntang Boracay kasunod niya lang ako. Ewan ko nga kung bakit hindi niya ako mahalata. Mahina lang siguro yung pang ramdam niya. Pero nung time na yun, gusto ko na humalakhak sa kakatawa. Saya ko 'noh?

May kumakatok ng tatlong beses sa pintuan, "Lyra?" Yung boses pa lang niya, kilalang kilala ko na.

Dali dali akong tumayo sa kama. Matatapilok pa nga ako eh. Buti nalang, na balance ko ang sarili ko. "Bakit?" Tanong ko kaagad pagka bukas ko ng pintuan.

"Tara, gala muna tayo."

"Saan naman? Kabisado mo ba 'to?" Baka kasi maligaw kami. Natatakot ako eh.

"Hindi. Pero, may dala akong Map."

"Yun naman pala eh. Sige sige. Liligo lang ako, hintayin mo na ako dito sa sala. Mabilis lang ako."

"Sige."

***

"Ready?" sabi saakin ni Rayne. Papunta kami ngayon sa beach, akala ko pa naman kung saan kami pupunta at may dala dala pang map 'tong isang 'to. Tsk. Tsk.

"Oo. At may dala ka pang map ah! Kala mo naman kung saan tayo pupunta eh."

"Hahaha. Baka kasi maligaw tayo." Kalalaking tao, takot maligaw. Pero, sabagay.

"Haha. Maliligaw? Kalalaking tao ah." Pabiro ko sakanya.

"Kailan mo ba ako titigilan na asarin?" Sabi niya saakin na ngiting ngiti.

"Hinding hindi kita titigilan."

"Haha. Baka naman mapapangasawa na kita, 'di mo pa din ako tinitigilan?" Nagulat ako bigla sa sinabi niya.

Tiningnan ko siya na matalim na tingin. "Don't look at me like that, Baby." Mas lalo ko siyang tiningnan ng ganun. "Lalo akong naiinlove sayo." Tiningnan ko pa siya ng mas lalong malalim ng dahil sa sinabi niya 'yun. Oo. Kung hindi siya nakatingin saakin, malamang kanina pa ako kinikilig dito. "Nakakainis, sarap mong halikan."

Napahawak ako kaagad sa labi ko nung sinabi niya 'yon. Bumalik nalang yung tingin ko sa dagat na napaka ganda.

At sa oras na 'to. Siya naman yung nakatingin saakin. Ewan ko ba, nakakaramdam kasi ako ng pagkailang simula ngayon. Siguro dahil umamin na kami sa isa't isa na mahal namin ang isa't isa.

"Bakit ka naka tingin?" Panimula ko.

"Ang ganda mo kasi." sabay ngisi niya. Shet. Ang gwapo niya.

Binatukan ko siya ng mahina, "Ano ka ba? Mas maganda pa saakin yung dagat eh!" sabi ko sakanya.

"Hindi ah. Ikaw lang kaya ang maganda sa mga mata ko." Luh. Siguro nambobola lang 'to.

"D'yan ka na nga. Papasok na ako sa Unit ko." Tumakbo na ako papuntang unit ko.

Nasa pintuan na ako, at may naramdaman akong anino na alam ko na nasa likuran ko. Humarap ako, at 'di ako nag kakamali sa hinala ko. Si Rayne nasa likuran ko.

Dahan dahan niyang nilapit ang mga mukha niya sa mukha ko. At bumulong siya, "Good night baby! Pagkagising mo, mahal na mahal pa din kita." sabay kiss sa forehead ko.

Umalis na siya kaagad, at naiwan naman akong nakatulala sa labas ng Unit ko. Nang may nakakita saakin, dali dali akong pumasok sa loob. "Fvck. Kinikilig ako."

------

Author's Twitter Update:

"eineliciouss: Kinikilig ako, anong apekto mo? Kulang nalang tumakbo ako sa banyo."

Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon