How can you do that??

6 0 0
                                    


Nnaj P.O.V.

Saturday ngayon, wala akong magawa sa bahay kundi magbasa, may date ata si Lyra e kaya wala siya ngayon sa bahay. Eh ako naman ngayon, nga nga. Walang makasama e. 1 week. 1 week na ang nakakalipas simula nung.. nag break kami ni Seifred. 1 week na akong nagiisip bakit niya ginawa saakin yun. 1 week ko ng nararamdam at paulit ulit na bumabalik yung sakit. 1 week ko na ding narerecieve ang different letters, flowers, cards, emails, at foods galing kay seifred. Eh diba nga kanina, kakasabi ko lang na boring na boring ako kaya ngayon, binabasa ko yung unang hand written letter na binigay niya saakin,

To my Girl,

Wala na ba akong karapatan tawagin kang My Girl? Kung sayo, wala na. Saakin kahit malayo, o hindi tayo, saakin ka lang. Kasi habang buhay ko pinanghahawakan na sayo lang ako. Sayo lang ako, Nnaj. Kung nagseselos ka, dahil dun sa nakita mo. Please, hayaan mo akong mag explain. Bigyan mo ako ng time. Kung pwede lang na ligawan kita ulit, gagawin at gagawin ko. Hindi ko lang talaga kayang mawala ka saakin. Sorry kung nasaktan kita, hindi ko naman sinasadya pero nagawa ko. Sorry kung hindi ko nagawang habulin ka, nung araw na lumayo ka. Oo, masakit yung makita kitang tumatakbo, palayo.. palayo saakin. Pero, hindi porket hindi kita sinundan nung araw na yun, wala na akong pakialam kung lalayo ka. Ang saakin lang, baka may masabi ka pang malala na nagpapababa sa pagasa ko na bumalik ka saakin. Baka mawalan ako ng sama ng loob na kausapin ka ulit. Alam mo namang ayaw kitang nakikitang umiiyak, ayaw kong marinig yung hikbi mo sa tuwing may gusto kang sabihin saakin, at yung tipong may sasabihin ka pero di mo masabi kasi iyak ka ng iyak. Gustong gusto kong yakapin nung araw na yun, pero hindi ko magawa.. kasi baka ipagtulakan mo ako. Siempre, masasaktan ako.. Sino ba namang gustong ipagtulakan ng taong mahal niya diba? Kung handa ka ng makausap ako, text, call, email, viber, kakao talk, skype, yahoo messenger, or oovoo, meron ako lahat ng yan. Wala pang 20 or 10 minutes, nandyan na ako sainyo. Nandito lang ako, My Girl. Hindi kita iiwan. Ingat ka palagi. Mahal na mahal kita. Iloveyouuu.

Your future husband,
Seifred Ford. ❤

To be honest, naiyak ako dun. Haha. Miss na miss ko na yun. Pero 'di dapat ako bumibigay sa words niya. Tapos nakita ko naman yung roses na binigay niya, ang bango bango nga e. Tapos may letter sa loob..

Good Morning, My Girl! Rise and Shinee, Beautiful. Smile ka na, okay? Ayokong umiiyak ka. Kumain ka ng maayos. Wag mong pababayaan sarili mo, okay? Baka hindi ka na sexy! Sige ka. Haha. Iloveyou, My Girl. Beyond Eternity.

Your future husband,
Seifred Ford. ❤

Agang aga nambubulabog. Letse naman. Haha. To be honest again, napa-smile niya ako dun. Pero, sabi ko nga kanina, ayokong bumigay nalang ako sa mga words niya. Hayy. Miss na miss na kita Seifred Ford.

Then last time, Wednesday pagkauwi ko galing school. Pagod na pagod siempre. Food naman yung dinala niya saakin. Starbucks, Chocolate Chip Cream yung flavor with 1 Dozen na Krispy Kreme all plains with 1 dozen Jco's. With letter pa yun,

Hi Bb. Nnaj Einstein. Pakabusog, okay? Haha. Uubusin mo yan ha? May halong pagmamahal ko 'yan. Inom kaagad ng water, okay? Eatwell. Do your assignments well. May snacks ka na, okay? Wag ka ng lalabas ng bahay. Magpahinga ka kaagad. Iloveyou.

Your future husband,
Seifred Ford. ❤

Nung Thursday naman, may mga sticky notes siyang binigay. Kakauwi ko lang nun galing sa ojt ko at punong puno ng sticky notes ng wall ng kwarto ko. Naka form siya ng SORRY. Pero yung words lang na nakasulat sa sticky notes ay "Iloveyou, Nnaj" Paano kaya yun nakapasok sa kwarto ko? Letseeee.

"YAYAAAAA!!!"

"Yes poo?"

"Paano nakapasok yung halimaw na yun sa kwarto kooo?!!!"

"Pfft. Baka po nakakalimutan niyo na may duplicate siya ng susi ng kwarto niyo."

Aisssh. Oo nga pala. Tanga lang, Nnaj? Letse. Bwisett.

"Sige po. Thank You."

Tumalon talon ako nun sa kama ko at halos guluhin ko na yung kama ko. Pero ako 'tong si Tanga na hindi tinatanggal yun.. Aba remembrance din. Hahaha. Tanga talaga, Nnaj.

Then, friday. Alam ko schedule nun e. May ojt siya ngayon. Kaya inaasahan ko na, na walang kung ano ano akong matatanggap sakanya. Hayy salamat. Walang mangugulo. Kaya nag open nalang ako ng yahoo messenger para tingnan kung may nag e-email ba saakin.

May isang akong message. Galing kay.. HLY SHT! Galing kay Seifred Ford. Letse naman o!

To: Nnaj Einstein

Hi my Girl! Nasa ojt ako ngayon. :) Kamusta araw mo? Miss na miss na kita. Hindi talaga ako sanay na walang nangaaway saakin sa school. Hahaha. Hindi din ako sanay na kapag titingin ako sayo, iiwas ka. Nasanay kasi ako na makikipag titigan ka pa, at sabay ngingiti tapos may kasama pang irap yun. Hahaha. Miss na miss na kita. Alagaan mo sarili mo ha? Mahal na mahal kita. Iloveyou. Beyond eternity.

Your future husband,
Seifred Ford. ❤

Hay nakers. Mahal na mahal talaga ako e. xD HAHAHA. Pero walanghiya siya, sinaktan niya pa din ako. Walang makakapag bago dun.

"Madam?" Si Yaya. Nakatok.

"Yes po?"

"May card po na para sainyo."

"Kanino galing?"

"Hmm. Wala pong nakalagay e." Kanino naman kaya galing yun?

"Ilusot niyo nalang po sa ilalim ng pintuan. Thank you po."

Noong nailusot na yun, dali dali kong tinaningnan kung kanino galing. At nung nabuksan ko,

Hi Bb. Nnaj Einstein.

Iloveyouverymuch, more than I can explain. Sorry na ha? Mahal na mahal kita. Miss na din kita. Huhu. Bumalik ka na please?

Your future husband,
Seifred Ford. ❤

Hay nako, Seifred. Hindi ka ba napapagod? Pero sa halip na magalit ako sayo. Lalo akong nahuhulog sayo. How can you do that? Sa halip na galit ako, tuwang tuwa ako sa ginagawa mo. Sa halip na pinapatay kita, binubuhay mo yung pag mamahal ko sayo.

How can you do that??

Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon