My Mortal Enemy 2

89 3 0
                                    

"Hi"

Ang gwapo niya. Sino kaya siya dyan? I mean anong pangalan niya? Sino siya dun sa Seifred at Rayne ba yun? Teka, bakit ako ganito? Napatulala ako? Kakasabi ko lang kanina na wala akong time para  dyan sa LOVE na yan. Eh, anong nangyayari saakin? Bakit ako ganito? Hala! Hayaan na nga muna 'to. Babaliwalain ko muna yung mga nararamdaman ko sakanya. Nakakahiya namang ako yung unang ma-fall, sa ganda kong 'to. IMPOSIBLENG hindi ma-fall yang lalaking yan. IMPOSIBLE talagang mangyari din yan.

"Excuse me! Anong pangalan mo? At sino ka para kausapin kami?" Ay. Ang taray naman makipag usapan ni Nnaj sa lalaki.

"Rayne John Bernis Mr. Football player"

OMFG. Football player siya? Bakit? Meant to be na ba talaga kami? Football din ang favorite kong sport. Pero, ayokong mainlove ulit. Mag papahard to get na lang ako. Ayoko na kasing masaktan. Mukha pa naman yang manloloko.

"Anong kailangan mo saamin?" Nnaj, pahamak talaga oh!

"Wala lang."

"Wala naman pala e. Sorry hindi kami nakikipag usap sa STRANGER" Nnaj, hindi naman mukhang Stranger ah! Ang gwapo kaya.

"Sa mukha kong 'to? Sinabihan ba kitang, Ikaw yung hinahanap ko?" Yan. napahiya nanaman si Nnaj, kasi naman eh!

"Oo! yang mukha mong hindi alam kung saan hinugot! Teka, sino ba hinahanap mo?" Ang hard nito! Akala mo kung sinong makipag sagutan. Sabagay, maganda naman siya. pero hindi mo talaga aakalain na ganyan ugali niya.

"Siya!" Ha? Tumuro siya saakin? Ano 'tong nararamdaman ko? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang gusto kong sumigaw sa sobrang kaba. Inlove nanaman ba ako?

"Ha? At bakit ako?" Nagtataka pa ba ako? Sa ganda kong 'to. Imposibleng hindi lapitan ng mga Campus Crush e. Well, sanay na ako sa ganitong buhay. Yung tipong, laging hinahanap ng mga Campus Crush sa kada school na lilipatan ko.

"Rayne!" Sigaw nung isang lalaki. Gwapo din siya. Kaso mukhang isang salot sa lipunan eh! O? Bakit nakatulala si Nnaj?

"Uy! Nnaj, okay ka lang?" Mukhang hindi na yata tama 'to.

"Nnaj! Tulala ka na dyan!" Winasiwas ko na yung kamay ko, sign na kumurap siya at bumalik sa dating mundo ang isip niya. Pero hindi effective eh.

"Nnaj! Heyy!" Pumalakpak na ako wala pa din. Aawayin ko 'tong lalaking 'to eh. Mas gwapo naman si Rayne, pero bakit sa isa siya natulala?

"Excuse me MR. FOOTBALL PLAYER, anong kailangan mo saakin? At ikaw mukhang halimaw, bakit ka nakikisali sa usapan na may usapan? Hambulusin kita dyan ng malaking tambo eh! Yung mas malaki pa sayo!

"Ohh really?.." Tinakpan agad ni Rayne yung bibig nung lalaking salot kaya hindi napag patuloy ang pagsasalita.

"Gusto ko lang kayong maging Friends" Friends? Baka patibong 'to.

"Wala akong balak makipag kaibigan sainyo, kung ganyan ang mga inaasal niyo! At ikaw, anong pangalan mo, Mr.?" Ang taray ko. Si Nnaj kasi eh. Hindi na talaga kumukurap. Kanina pa wala sa sarili. nakakapikon na 'to ha!

"Seifred Ford Mr. Basketball Player" Ah! pang Professional ang pangalan ah! Lakas siguro ng tama ni Nnaj dito kay Seifred. Hindi na kumikibo eh!

"Okay. Unang una, at ang pinaka Dulo, Wala ako o wala kaming balak makipag kaibigan sa isang kagaya niyong, walang respeto sa mga babae. Alam kong maganda ako, pero wala akong balak makipag usap o makipag kaibigan sa isang kagaya niyo." Ii. Nakakapikon na talaga 'to.

"Okay. Wow ha! Ang gaganda niyo nga" Sagot ni Seifred, na may halong pangaasar.

"Siempre naman. Wag kang mag feeling dyan na magugustuhan kita! Di hamak mas gwapo pa sayo Lolo ko." Omygaawd. Natauhan na si Nnaj.

"Tara na. Ayokong makipag usap sa Strangers!" Naaasar na ako, kaya nag yaya na ako umalis at pumasok sa Classroom. Nakalimutan ko nga palang mag kaklase kami. Patay! Palagi nanamang sira ang araw ko. Buti hindi ako masyadong na fall kay Rayne, kung nafall ako. Patay na ako nito!

-----------------

Author's Twitter Update:

"@Eineliciouss: Bawal ma-Fall, nakakamatay!"

Follow me on Twitter!

Stay Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon