CHAPTER 2: CHEATED 🎆🔞

2.1K 30 3
                                    

"Ano sa tingin mo, sis?" balik na tanong ni Water kay Peach.

Patuloy lang sa paglapit si Water kay Peach na atras naman nang atras hanggang sa mapahiga na siya sa kama na inibabawan naman ni Water. Nahigit ni Peach ang kanyang hininga nang ilapit pa ni Water ang sarili habang may pilyong ngiti sa mga labi.

"Maligo ka - amoy alak ka kasi."

Umalis na sa ibabaw niya si Water habang siya naman ay nanggagalaiti sa galit. Tinignan niya ito nang masama at walang pag-aalinlangan na sinabunutan bago pa ito makalayo sa kanya.

"Walanghiya ka talaga! Tinakot mo ako ro'n ah. Akala ko...a-akala ko---"

Hinimas ni Water ang kamay niya na nasa ulo nito at umayos ng upo. "Akala mo ano, sis?" tanong ni Water sa kaibigan gamit ang malamyos niyang boses.

Masama siyang tinignan ni Peach bago umiwas ng tingin ang dalaga sa kanya. "Wala! Dun ka na nga." ani ni Peach bago itulak ang mukha ni Water na malapit na naman sa mukha niya.

Tumawa lamang si Water bilang tugon habang nagmartsa naman si Peach papunta sa banyo.

***

"Shet! Wala akong pamalit..." mahinang sigaw ni Peach sa sarili.

Nahihiya naman siyang manghingi ng tulong kay Water sa ganitong sitwasyon kaya kumuha na lamang si Peach ng bathrobe na nasa banyo at sinuot iyon bago lumabas ng banyo.

Paglabas niya nang banyo ay nakita niya si Water na abala sa pagkain ng cake na ipinagbawal nito sa kanyang ubusin kanina. "Pasabi-sabi pa siya na huwag, ayun pala ay dahil gusto niyang siya ang kumain." sabi ni Peach sa isip niya bago gulatin ang kaibigan.

"Hoy!"

"Ay palaka ka!"

Nagkanda-hulog-hulog sa sahig ang crumbs ng cake maging ang kutsara na gamit ni Water sa pagkain nito. Inirapan niya si Peach saka pinasadahan ng tingin.

"Kung makagulat naman 'tong babae na 'to. Bakit ganyan lang suot mo?"

Tinaasan ni Peach si Water ng kilay at pinamaywangan. "E, bakit? E, sa wala namang pwedeng masuot bukod sa roba na 'to e!"

"In fairness, maganda...easy access." sabi sa isip ni Water.

"H-hoy! Ano na namang ngingisi-ngisi mo diyan?! Huwag mo sabihing natotomboy ka na naman sa kagandahan ko?"

"Paano kung gano'n nga? Pipigilan mo ba ako?"

Walang naisagot si Peach at nag-iwas lamang ng tingin saka pinulot ang nahulog na kutsara sa sahig at ginamit ito para kainin ang natirang strawberry cake. At napasinghap siya nang may kakaibang sensasyon siyang naramdaman sa may batok niya nang dilaan iyon ni Water at bahagyang kinagat ang tainga niya. "Hmm...hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, sis." sabi nito sa mababa na medyo maliit na boses na pambabae. Hindi na rin natuloy pa ni Peach ang pag-ubos sa cake nang mapagtanto niyang walang hugas-hugas yung kutsara matapos nitong mahulog sa sahig kanina.

"B-bakit k-ko naman kailangan pang sagutin 'yon? Alam ko namang h-hindi mo yun magagawa k-kasi, mahal na mahal mo yung fiance mo hehe." sagot ni Peach na pilit pinasigla ang boses kahit kinakabahan na talaga siya deep inside. Para kasing sinapian ang kanyang kaibigan ng ka-streytan nang gabing ito.

Kung kanina ay lumapit lang si Water kay Peach, ngayon naman ay nakayakap na ang binata sa kanya patalikod at napasinghap siya sa gulat nang maramdaman ang nakatayo nitong pagkalalaki sa pwetan niya.

"I can't take it any longer...ang bango-bango mo at wala ka pang saplot sa ilalim ng robang suot mo. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maapektuhan." sabi ni Water na nasa likuran pa rin ni Peach habang pinaglalaruan ang ilang strands ng buhok ng dalaga.

Strawberry CakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon