Isang linggo na si Peach sa nasabing mental health facility. Bagamat nasa panibagong lugar na naman siya ay nakakasurpresang nakapag-adjust kaagad siya sa lugar.
Para kay Peach, mababait ang mga tao sa loob ng pasilidad saka nakatagpo rin siya kaagad ng mga bagong kaibigan.
"Jeanine, mapapatawad mo pa rin ba ang isang tao sa kabila ng malaking kasalanan na nagawa niya sa'yo?" tanong ni Peach sa isa sa mga bago niyang kaibigan.
"Isang malaking HINDI. Bakit mo pa siya papatawarin e paniguradong sinadya naman niya yun? Buti sana kung nasanggi ka lang niya o nabangga." tugon ni Jeanine na may anger issues.
Tumango si Peach at sumulat ng patayong guhit sa kanyang papel. "Ikaw, Tiana?"
"Ha? Ano yun?" sabi ni Tiana na abala sa pagddrawing, pagsusulat at kasalukuyan na naglalaro ng fidget spinner.
Akmang magsasalita si Peach nang may umagaw na naman ng atensyon ni Tiana.
"Wow! Ang ganda ng mga ulap."
Binitawan ni Tiana ang fidget spinner at patakbong pumunta sa bintana malapit sa mesa na kanilang pinagtatambayan.
Naikuyom ni Jeanine ang kanyang mga kamao saka hinampas ng malakas ang mesa. "PWEDE BANG PUMIRMI KA MUNA?"
Napailing at natawa si Peach sa dalawa ngunit agad ding napawi iyon nang bigla siyang nakaramdam ng hilo at nahimatay. Pabagsak siyang napaduko sa mesa at nakita iyon ni Jeanine.
Niyugyog ni Jeanine si Peach habang inaayos ang mga hibla ng buhok na tumatabing sa kanyang mukha. "Peach?! Peach?! Nurse! Nurse! Tulong! Nahimatay si Peach!"
Pumunta si Jeanine sa emergency button at walang pag-aalinlangang pinindot iyon. Wala pang 2 minuto ay mayroon ng mga nurse na dumating. May dala silang stretcher na may mga pangrestrain ng pasyente.
"Si Peach! Tulungan niyo!" aligagang sambit ni Jeanine.
Maingat na inilagay ng dalawang nurse sa stretcher si Peach at dinala ito sa clinical ward. Naiwang nag-aalala si Jeanine sa kaibigan habang hindi naman magkamayaw sa pagdrawing ng mga nakikita niya sa labas si Tiana.
"Jeanine! Jeanine! May airplane o!" pagtawag sa kanya ni Tiana ngunit sa sobrang okupado ng kanyang isipan ay hindi niya na ito narinig pa.
***
"O, gising ka na pala hija." nakangiting bungad ng doktora kay Peach pagkamulat pa lamang ng mga mata niya.
Inabutan siya ng doktora ng tubig at nag-aalinlangang ngumiti. "Bakit po doktora? Malala po ba ang sakit ko?" tanong ni Peach pagkatapos niyang uminom ng tubig.
"Hindi sa gano'n hija."
"E-e...ano po?"
Lumunok ang doktora bago magsalita. "Wala kang ibang sakit pero buntis ka."
"B-buntis?" naluluhang tugon ni Peach.
Tumango ang doktora at tumingin kay Peach na may pag-aalala. Hindi pa kasi stable ang kanyang mentalidad at baka maging hadlang iyon sa kakayahan niyang mag-alaga ng bata.
Tuluyan nang umiyak si Peach at out of nowhere niyang sinabi ang pangalan ng tatay ng kanyang magiging anak. "T-tubig..."
Nanlaki ang mga mata ng doktora at nagmamadaling kinuha ang baso para kumuha ng tubig.
"O, heto o, tubig."
Umiling si Peach at hindi tinanggap ang alok na isang basong tubig nito at sinabing, "hindi po yan."
"Ang kailangan ko po ay si Water! Si Water Chao Jansen..."
BINABASA MO ANG
Strawberry Cake
Romance"Hmm, ang sarap pala nito sis! Pwede ko bang ubusin 'to lahat?" - Peach Daisy Biennial "No, just take a bite." - Water Chao Jansen © 2022 - 2023