CHAPTER 19: COMING HOME

599 15 6
                                    

Abala sa pagbabasa ng mga dokumento si Mr. Tema nang tumunog ang telepono. Dadamputin na niya sana ang telepono nang unahan na siya ni Water sa pagkuha nito.

"Hello? Tema Law firm. Sino 'to?" sabi ni Water sa kausap.

"Kayo ho ba si Water Chao Jansen?" sagot naman ng tao sa kabilang linya ng telepono.

Napahagod ng buhok si Water at nagpalakad-lakad dala-dala ang buong telepono. "Oo, ako nga. Anong meron? Tungkol kay Peach ba?"

"Hoy! Matatanggal na sa saksakan yan." puna ni Mr. Tema sa kanya. Medyo ikinalma ni Water ang sarili at tumigil na sa paglalakad.

"Oho. At kailangan niyo pong pumunta rito sa facility ASAP."

Hindi na sumagot pa si Water at basta na lamang ibinaba ang tawag at ibinalik ang telepono sa kinalalagyan nito kanina. Agad niyang isinuot ang itim na coat na bumagay sa suot niyang asul na polo at itim na slacks.

"Aalis ako, 'nong."

"Saan ka naman pupunta?"

Diretsong tumingin si Water kay Mr. Tema at seryosong sinabi, "kay Peach." at agad na lumabas ng Tema law firm.

"Aba't---" napahilot si Mr. Tema sa kanyang sintido at napailing. "Baliw na baliw talaga yun sa babae niya." sabi ni Mr. Tema sa kanyang isipan.

Sa mga nakalipas na mga araw ay nasa puder na ni Mr. Tema si Water. Siya na rin ang umayos ng mga gulo na nagawa ni Water sa nakalipas na dalawang taon. 

***

Water drove his car reaching to the speed limit of 60 kph na animo'y hindi traffic sa kalsada. Busina siya nang busina sa mga paharang-harang sa daan kahit ang mga pedestrian ay hindi niya pinagbibigyang makadaan.

Habang siya ay nagmamaneho, nagring ang dashboard ng kotse at nakita niya ang numerong matagal na niyang tinanggal sa phone contacts niya. Umirap si Water sa kawalan at inutusan si Chaisy. "Chaisy, end the call."

"Call ended." tugon ng A.I. sa kanyang telepono.

Nagring na naman ito at ang palaging tumatawag sa kanya ay ang numero pa ring iyon. "Kung bakit ko pa rin kasi ibinigay sa kanya ang numerong kami lang dapat ni Peach ang nakakaalam e!" himutok niya sa sarili at napadiin ang hawak sa manibela.

"CHAISY, TURN OFF THE PHONE."

"Turned off."

***

Matapos ang paglalakbay ng ilang kilometro ay nakarating na sa mental health facility na kinabibilangan ni Peach si Water. Agad siyang nagtanong at sinabi ang appointment niya.

"Peach Daisy Biennial? Room 143 po, sir."

"Okay, thanks." ani Water bago kumaripas nang takbo patungo sa nasabing kwarto.

Pagkarating niya sa room 143 ay dahan-dahan niyang pinihit ang kwarto at doon nakita si Peach na may kasamang doktora.

Ngumiti and doktora at binati siya. "Magandang araw, hijo. Kanina ka pa hinahanap ni Peach. Kanina pa siya umiiyak at nakakasama iyon sa bata."

Natigilan si Water sa sinabi ng doktora. "B-bata?" anya sa isip.

"Sandali po, sinong bata po? May bata pong kasama si Peach?" nakakunot ang noo na usal ni Water sa doktora.

Nanlaki ang mga mata ng doktora at napatakip sa bibig. "A-ano? Hindi mo pa alam na nagdadalang tao si Peach?! Harujusko!"

"Peach! Sigurado ka bang kilala ka ng lalaking ito? Huwag kang matakot sabihin sa akin. Kaano-ano mo ba siya?"

Ang naguguluhang si Water ay hindi na alam kung paano pa masusundan ang mga pangyayari ay iwinasiwas ang kanyang mga kamay sa ere. "Sandali! Sandali! Una sa lahat, kilalang-kilala ako ni Peach. 'Di ba?" sabi ni Water habang nakaturo kay Peach.

Mabilis na tumango si Peach habang nagpapalipat-lipat ng tingin kay Water at sa doktora.

Napahawak sa dibdib ang doktora at nakahinga na nang maluwag. "Hay, salamat! Akala ko nagpapasok kami ng kung sino lang sa pasilidad."

Tumingin siya sa dalawa bago maglakad patungo sa labasan ng kwarto. "O, siya. Maiwan ko na kayo, ha?"

"Yes, doc. Ako na po ang bahala kay Peach." tugon ni Water.

Lumikha ng mahinang ingay ang pagsara ng pagpinto kasabay nang papalayong hakbang ng doktora. Sa kasalukuyan ay tanging sina Water at Peach na lamang ang nasa silid.

Ginagap ni Water ang kamay ni Peach at hinalikan iyon. Wala namang pagtutol mula kay Peach ang ginawang iyon ni Water bagkus ay nginitian niya pa ito.

"Kumusta ka rito?"

"Ayos lang. Bakit walang bumibisita sa'kin?"

Natigilan si Water sa tanong ni Peach. "K-kasi...nagpapagaling din ako." tanging naisagot ni Water.

Napaupo si Peach sa hospital bed buti na lamang ay naalalayan siya ni Water. "May sakit ka, Tubig?" alalang-alalang litanya ni Peach habang sinisipat-sipat pa ang noo at leeg ni Water.

"Oo, pero hindi sa pisikal kundi sa pag-iisip. I just sort all the deeds that I make and repented them. Gusto ko kasi, kapag nagkita tayo pwede na tayong magsama kasi paregas na tayong ayos pareho."

Naluha at napangiti si Water sa pagtrato ni Peach sa kanya. "B-bakit ang bait mo pa rin s-sa'kin?"

Natigil si Peach sa pagsipat kay Water at napakagat sa labi. "A-ayaw mo ba?"

"Hi-hindi! Gusto ko! Pero...sa tingin ko hindi ko naman deserve yung ganitong trato after what I've done to you." sagot ni Water sa mahinang boses na may halong pag-aalangan.

Pinagkrus ni Peach ang kanyang mga braso at umismid. "Ngayon mo pa nasabi yan ngayong naanakan mo na ako!"

"Oh my! My dear, you're back!" natutuwang sabi ni Water saka niyakap ng mahigpit si Peach.

***

Water signed the waiver along with Peach na nagsasabing wala ng responsibilidad ang mental health facility kay Peach. Ngunit bago sila umali ay nagpaalam muna si Peach sa mga naging kaibigan niya roon.

"So...pa'no ba yan? Edi papakasal na tayo?" nakangising sabi ni Water habang hinahaplos ang tiyan ni Peach habang naglalakad sila papuntang parking lot.

Peach pinched Water's cheeks and smiled. "Ano pa nga ba. Edi go! Tutal mahal naman natin yung isa't isa."

"Oh my! Mahal mo 'ko?" excited na pag-usisa ni Water sa kanya.

"Oo. Obvious naman e!" ungot ni Peach.

Parang batang nagtantrums si Water sa daan at naglupasay. "Sana sinabi mo agad! Edi sana, hindi ko na nagawa yung mga bagay na pinagsisihan ko na ngayong ginawa."

Napakamot sa ulo si Peach bago kinaladkad si Water papasok ng kotse. "Loko ka talaga! Nagkasakit pa tayo sa mentalidad dahil sa kagaguhan mo. Halika na, uwi na tayo!"

"Opo..."



Strawberry CakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon