CHAPTER 25: BUSTED

419 11 0
                                    

Nagising si Peach nang makaramdam na nais niyang magsuka. Dali-dali siyang tumayo mula sa kama at tinanggal ang kamay ni Water na nakayakap sa kanya.

"My dear..." Water groggly said while yawning.

Nakaupo si Peach sa sahig ng banyo habang nakahawak sa inidoro. Sumuka siya nang sumuka ro'n ng puro tubig lamang habang ang naalimpungatang si Water ay naupo rin sa tabi ni Peach at niyakap ito patalikod saka isinadig ang kanyang ulo sa likod ng kasintahan bago muling natulog.

"Peste ka talaga, Tubig!" ani Peach na nahihirapang magsalita bago itinuloy ang pagsuka.

***

'How to coax a pregnant woman to forgive you?'

Bumuntong hininga si Water bago pindutin ang search icon ng google sa selpon niya. Maraming lumabas na resulta at wala siyang pinalampas na basahin alin man sa mga iyon kahit pa ang results ay hindi specific sa mga buntis.

He badly needs help right now.

Dahil sa nangyari kaninang umaga ay hindi siya pinapansin ni Peach. Pinapansin lamang siya ng babae kapag may ipapabili gaya na lamang ng strawberry, iba't ibang mga yarn na panggantsilyo, at panggantsilyo. Nabili na ni Water ang lahat ng iyon pero tila hangin pa rin siya para kay Peach.

"Tangina kasi! Wala ka talagang kwenta, Water." anya at sinabunutan ang sarili.

Hindi nakaligtas iyon kay Peach at nakatikim ulit si Water nang pagtataray ng isang buntis. "Ano? Natuluyan ka na diyan? Hahanap na ako ng bagong aasawahin."

Napa-tsk na naman si Water because Peach already said that 20 times this day! Puro na lang hahanap ng bagong aasawahin ang patutsada ng bibig nito at rinding-rindi na siya. Pinipigil lamang niya ang sarili na magalit dahil baka lumala pa ang sitwasyon lalo pa't buntis ang kasintahan.

Ipinagtimpla na lamang ni Water si Peach ng gatas at nanood ng T.V.

"Kinikilalang mga mastermind sa pagdakop sa isang babae ay naaresto na ng mga pulis sa isang unit ng condominium matapos ang ilang linggo nilang pagtatago." ayon sa reporter.

Sa isang iglap, nakunan ang isang lalaki na may mask na pamilyar na pamilyar ang pigura kay Water katabi ng lalaki ang isang babae at parehas silang nakaposas.

Bumalik lamang sa wisyo si Water nang sumulpot si Peach at inilipat sa cartoons ang T.V.

"My dear bakit mo naman nilipat?!"

"Sinisigawan mo 'ko? May reklamo ka?!"

"A-ah...wala naman... Pero importante yung nasa balita, my dear!"

"So, sinasabi mo na bulag at bingi ako?! Sa tingin mo hindi ko naintindihan yung balita sa T.V.? Anong akala mo sa'kin, bobo?!"

Akmang magsasalita pa si Water nang patayin ni Peach ang T.V. at padabog na umakyat sa taas. "Dahan-dahan, my dear..." ang tanging nasabi niya habang nakatingin kay Peach na unti-unti nang nawala sa sight of vision niya.

Napahilamos sa kanyang mukha si Water bago pabagsak na umupo sa sofa saka muling binuksan ang telebisyon. Ang mga taong nasa likod ng kidnapping ay tuluyan nang nakita sa camera. Kumunot ang noo niya dahil hindi blurred ang mga mukha ng mga ito ngunit kanya iyong ipinagsawalang bahala at nagpokus na lamang sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

"Arkin..." mariing sambit ni Water sa pangalan ng lalaki sa screen.

Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone niya dahil tumatawag si Mr. Tema na kaagad naman niyang sinagot.

"Bakit 'nong? Kung itatanong niyong nakita ko na ba ang balita, oo nakita ko na."

Mr. Tema's tongue clicked as he let out a soft chuckle on the other line. "Buti naman at marunong ka nang manood ng balita."

"Tss, nasaktuhan ko lang pagbukas ng T.V." pag-amin niya.

Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pag-uusap nina Water at Mr. Tema bago ito muling nagsalita. "Pumunta kayong dalawa ni Peach dito sa presinto A.S.A.P. kung ayaw niyong ako ang magdesisyon sa kung anong gagawin sa dalawang 'to."

"Pwedeng bukas na? Sinusuyo ko pa yung asawa ko. Basta ikulong mo lang muna diyan." sagot ni Water bago patayin ang tawag. Mamaya kasi ay umangal na naman ito dahil wala pang nagaganap na kasal sa pagitan nila ni Peach sa munisipyo man o sa simbahan.

At sa ngayon, ang nais niya munang maayos ay ang problema nilang dalawa ni Peach.

"My deaaaaarrrrrr!"

Strawberry CakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon