Naunang bumaba sa kotse si Water at pinagbuksan niya ng pinto si Peach. Todo alalay siya sa ina ng kanyang anak dahil nasa maselan na antas niya ng pagbubuntis si Peach.
"Careful, my dear."
"Okay po, daddy."
Tumigil sa pagkilos si Water na siyang ikinatigil din ni Peach. Humalakhak siya nang makitang nakanguso si Water. "Akala ko ba straight ka na? Bakit ayaw mo sabihan ka ng daddy?"
Nagpapadyak ang lalaki at ipinagkrus ang mga braso sa dibdib. "Si baby lang ang gusto ko magsabi sa'kin no'n! Ikaw, dapat 'my dear' din tawag mo sa'kin."
"Sus! Ang daming alam." ani Peach at umismid.
Pero hindi siya tinigilan ni Water. "Go, on. Sabihin mo 'my dear'."
"Ano ba naman! Parang tanga!"
"Pleaseeee~" pagpapacute ni Water sa kanya.
Nirolyo ni Peach ang mga mata and made a clicking sound using her bagang. "Sige na nga. M-my dear." mahina niyang sabi.
"Lakasan mo naman. Hiyang-hiya e!"
Peach stumped her feet at nag-alburuto na. "Edi, My dear! My dear! My dear! My deaaaarrr! Rrr!"
"Gusto ko yan, fierce." pilyong saad ni Water. "Okay, let's go to our parents~"
***
Water and Peach knocked on the open door before entering the house of Mrs. and Mr. Jansen. Wala kasing tauhan na nasa paligid kaya sila kumatok.
"Mama? Papa?" pagtawag ni Peach sa kanyang second parents habang si Water ay nagtatago sa kanyang likuran.
May lumapit na kasambahay sa kanila at hindi ito magkandaugaga sa paghingi ng tawad sa kanila. "Pasensya na talaga hija at hijo. Busy kasi kami ngayon sa likod na parte ng mansyon sa paglilinis kaya hindi namin kayo na-welcome ng maayos."
"Ayos lang po iyon, nana Kring." nakangiti nilang assurance sa kasambahay.
"Sino nga pala ang nagbukas ng gate sa inyo? Nandoon ba si Edwin o si Gil?" hindi pa rin kalmadong sabi ng kasambahay nilang si nana Kring kung kanila'y tawagin. Ito rin ang kasambahay na nag-aasikaso sa kanila noong bata pa si Water at nasama rin si Peach na alagaan nito noong high school naman na ang dalawa.
Agad nagsalita si Water para maibsan na ang natatarantang pakiramdam ni nana Kring. "Si kuya Edwin po ang nagbukas sa amin. Hindi po namin nakita si kuya Gil e, pero nakakotse naman po kami kaya dumiretso na ako rito magdrive."
Nakahinga nang maluwag si nana Kring at masaya na. "Sige, maupo muna kayo at ipaghahanda ko kayo ng meryenda. Tawagin ko na rin sina Señora at Señor."
"Salamat po." tugon nila.
Dali-daling umalis si nana Kring at naiwan sina Water at Peach sa sala.
Water is still worried sa magiging reaksyon ng parents niya. Ngayon na lang kasi ulit niya makakausap ang mga ito kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakahingi ng tawad sa nangyari, ilang araw na ang nakalipas.
"Stop quivering, I'm sure matutuwa sila sa ibabalita natin sa kanila." pagpapakalma ni Peach sa kanya.
Bahagyang ngumiti si Water at pinigilan ang sarili na manginig. "I-I'll try."
"Water Chao Jansen...naaalala mo pa pala na may mga magulang ka pa."
Sabay silang napaayos ng upo ni Peach nang marinig ang pagdagundong ng boses ni Mr. Jansen sa buong sala ng mansyon. Habang katabi si Mrs. Jansen na naiiyak na nakatingin sa kanyang anak at anak-anakan.
"Ahm...k-kumusta na po k-kayo, mom a-and dad? May sasabihin nga po pala kami sa in--"
Naputol ang sasabihin ni Water at hindi na rin na rin natuloy ang pakay talaga sana nila sa pagbisita sa mga magulang. Dahil bukod sa namimiss nila sila ay aamin na rin sana sina Peach at Water sa estado ng kanilang relasyon at ang pagkakaroon nila ng anak.
No words escaped from their mouths nang bigla na lamang silang dinamba ng mahigpit na yakap ni Mrs. Jansen. "I miss you, two so much..."
"Namiss din po kita, mama." tugon ng nakabawing si Peach kaagad sa pagkabigla.
Ginantihan niya ang yakap ng kanyang ina-inahan bago bumaling sa kanyang ama-amahan na hindi pa rin maipinta ang mukha. Nakatingin si Mr. Jansen ng masama kay Water na abala sa paglambing sa ina.
"I'm so sorry, mommy. Alam ko nangako na ako sa sarili ko na magbabago na ako, hindi na ako sasagasa ng mga tao sa paligid ko, hindi na ako mambabalewala para lang makuha yung mga gusto ko. Pero, for the unknown times, nagawa ko na naman..." seryosong paghingi ng paumanhin ni Water sa ina.
"At ako pa talaga? I'm your mother." kunwaring sumbat ni Mrs. Jansen sa kaisa-isa niyang biological na anak.
Nahinuha ni Water na ayos na ang ina at nagloloko-loko na lamang kaya sinabayan niya ito. "And I'm your son...I'm sorry, mom." tugon ni Water na para bang pang-soap opera na sa drama.
Nagkatitigan silang mag-ina at walang habas na humalakhak sa kalokohan nila. Natawa rin si Peach sa lambingan ng kanyang baby daddy at ina-inahan.
Ngunit natigilan sila nang dumagundong sa buong mansyon ang boses ni Mr. Jansen. "Kaya hindi na natuto yang anak mo kasi kinokonsinte mo rin e!"
Nanlilisik ang mga mata ng matanda habang nakatingin sa kanila lalong-lalo na kay Mrs. Jansen na naningkit ang mga mata sa binitiwang mga salita ng kanyang asawa.
"Katawa-tawa ba ang mangaliwa?! Katawa-tawa ba ang magsinungaling ng nararamdaman para sa ibang tao?!"
Tumigil siya saglit at huminga.
"Ano ang hindi seryosong bagay sa mga iyan ha?!" manginig-nginig sa galit na pahayag ni Mr. Jansen.
Hindi na nakapagtimpi pa si Mrs. Jansen at marahas na tumayo mula sa kanyang kinauupuan at matapang na hinarap si Mr. Jansen.
"Naki-ayon ako sa gusto mong paraan para madisipilina ang anak natin, Pedro. Iyon ay ang magtulungan kayo ng ninong ni Water na disiplinahin siya sa paraang naayon para sa inyo!"
"Knowing the two of you, for sure hindi nakaramdam ng ni-katiting na sarap yang anak natin. Kahit mahirap sa akin bilang ina na magtimpi na ipatigil na yung ginagawa niyong dalawa, tiniis ko kasi ayun yung makabubuti kay Water, 'di ba?"
"Kaya sabihin mo, Pedro. Anong pagkokonsinti roon ang ginawa ko ha?!"
Tumalsik-talsik na ang mga laway ni Mrs. Jansen sa mukha ni Mr. Jansen sa sobrang intense ngunit matibay at may pundasyon ang puno't dulo ng ipinaglalaban niya. Hindi pa rin siya kontento sa resulta ng pagdidisiplina nila ni Mr. Tema kay Water.
"Tinatanong mo sa'kin kung ano sa inakto mo ang ugali ng isang konsintidor? Patunay lang yan na hindi ka pa rin nagmamature, Paloma!"
Umiyak si Mrs. Jansen at sinampal ng malakas si Mr. Jansen. "Sumosobra ka na!"
Kagat-labing tumingin si Peach kay Water at tumingin din sa nag-aaway na mga matanda. "S-sa tingin ko, kailangan na natin silang awatin." bulong niya.
"Not us, kundi ako lang. Mapa'no pa kayo ni baby." ma-awtoridad na tugon ni Water kay Peach bago pumagitna kina Mr. Jansen at Mrs. Jansen.
"Enough!" pag-awat niya.
Dinaluhan ni Water ang ina at pinatahan ito habang ang kanyang ama naman ay nais din sanang i-console si Mrs. Jansen pero mas pinili nitong sipain sofa at umakyat sa taas.
BINABASA MO ANG
Strawberry Cake
Romance"Hmm, ang sarap pala nito sis! Pwede ko bang ubusin 'to lahat?" - Peach Daisy Biennial "No, just take a bite." - Water Chao Jansen © 2022 - 2023