High school pa lang ay magkaibigan na talaga sina Peach Daisy Biennial at Water Chao Jansen. Mayaman si Water samantalang mahirap lang si Peach at bukod sa mahirap ay ulila na rin. Kaya naman, ang tanging pamilya na meron na lamang siya ay ang pamilya ni Water. Doon na nga siya tumira hanggang sa makapagtapos sila ng college ngunit paminsan-minsan ay dumadalaw pa rin si Peach sa mga magulang ni Water dahil napamahal na talaga siya sa mga ito.
Bagamat pampamilya ang nararamdaman niyang pagmamahal sa pamilyang nagpalaki na sa kanya matapos mawala ang kanyang mga magulang sa kanyang murang edad ay hindi naman ganoon ang nararamdaman niya para kay Water. Para kay Peach, si Water ang kanyang 'man of her dreams'. Ang kaso, boyfriend din ang hanap nito at kasalukuyan na ngang may kasintahan. Habang siya, abala pa sa pagiging stable niya sa buhay.
Lumaki siyang si Water lamang ang lalaking close sa kanya dahil dito lamang siya naging komportable, isa pa ay mayroon siyang pagtingin sa dalaga ring binata. Kaya gumuho pa lalo ang mundo niya nang ianunsyo nitong magpapakasal na sila ng kasintahan nito sa Amerika. Inaamin ni Peach, nagpanggap lamang siya na masaya para sa kaibigan at para na rin sa respeto sa pamilya nito. Pero, sa isip niya ay malakas siyang sumisigaw. "Ako dapat yun e! Kami dapat ang ikakasal." ngunit kahit anong daing pa niya ay wala na siyang magagawa pagkat desidido na ang magkasintahan na mag-isang dibdib.
Ngunit ang masaya at magandang pangyayaring iyon kay Water ay tila nawasak nang magsimulang manlamig ang kanyang boyfriend na si Arkin. Kinompronta niya ito ngunit binalewala lamang siya ng binata kaya naisip ni Water na baka nambabae na ito o nanlalake - dahil bisexual kasi si Arkin habang siya naman ay gay.
Nang sumapit ang gabi ay nagyaya si Water na magpunta sa bar. Agad namang nakaramdam ng kaba at pag-aalala si Peach dahil hindi naman mahilig si Water na uminom kaya pumayag siya at kinulit si Water kung ano nga ba ang nangyari.
"Hindi ko na alam sis...hindi naman siya dating gano'n. Kapag nga nag-aaway kami at kahit ako pa ang nagsimula ay siya pa nga ang nanunuyo. Pero ngayon, kung maka-iwas sa akin para akong may ketong!" naiiyak na pahayag ni Water kay Peach bago tumungga ng alak.
"E, baka naman stress lang yung tao or...may iba na---"
Hindi na niya natuloy pang sabihin ang hinuha nita nang tapalan ni Water ang kanyang bibig. "Bunganga mo naman, sis! Baka mapurnada ang kasal ko niyan." magkasalubong ang mga kilay na pahayag ni Water.
Nahihiyang ngumiti naman si Peach at napakamot sa ulo. "Sorry na...hula lang naman e. Isa pa, napaka-rare na lang ng mga faithful na lalaki sa ngayon. Kaya nga never akong nagboyfriend e!"
Nagpakawala ng hangin si Water sa ere at napailing sa pagiging nega ng kaibigan. "Alam mo sis, kung hindi mo i-tatry, hindi ka makakahanap. Kaya habang fresh pa ang kipay mo, maghanap ka na at huwag ka puro pagpapalayas ng mga lalaki sa buhay mo ang iyong inaatupag."
"Hoy! Bunganga nito." namumulang sabi ni Peach saka hinampas si Water sa balikat.
Natawa si Water bago tumungga ng alak saka nagsimula na naman. "Paano kaya kung tumikim ako ng kipay tonight? Tutal ganoon naman siguro yun si Arkin e. Alangan naman magpatalo ako? Saka para sa new experience rin."
Mapupungay na ang mga mata ni Water habang nagsasalita ito at nakatingin sa kanya. Bukod pa ro'n ay medyo gibberish na rin ang paraan nito ng pananalita sa dami na rin ng nainom nitong alak.
"Alam mo, tama na siguro yang inom mo. Saka, kung anu-ano na yang mga pinagsasabi mo diyan! Nawawala ka na sa sarili mo. Imbis na iresolba niyo yang problema niyo ng fiance mo, dito ka pa sa bar pumunta..."
Ngumisi si Water at yumakap kay Peach saka inilubog ang kanyang mukha sa gilid ng leeg ng dalaga. "Seryoso ako ro'n, sis..."
Itinulak papalayo ni Peach si Water at saka inagaw ang bote ng alak na hawak nito. "Tama na nga yan!" Sabi niya bago inubos ang laman ng bote.
![](https://img.wattpad.com/cover/310489885-288-k863557.jpg)
BINABASA MO ANG
Strawberry Cake
Storie d'amore"Hmm, ang sarap pala nito sis! Pwede ko bang ubusin 'to lahat?" - Peach Daisy Biennial "No, just take a bite." - Water Chao Jansen © 2022 - 2023