CHAPTER 5: SURPRESANG REGALO

1.3K 30 9
                                    

Kakaalis lang ni Peach sa mansyon nang mapansin ni Mrs. Jansen ang kayumangging kahon na may laso at tag na may nakasulat na mensahe.


Mahal kong ina,

Ipagpaumanhin po ninyo ang biglaan kong pagdating. Namiss po kita pati na rin si papa kaya dinalhan ko po kayo ng mga regalo na kung nakita niyo na ay siguradong nakaalis na ako. Maraming salamat po. Mahal na mahal ko po kayo, paalam.

Nagmamahal,
Peach Daisy Biennial A.K.A. Pichi-pichi


Napailing si Mrs. Jansen habang nakangiti. Maingat niyang binuksan ang regalong natanggap mula kay Peach. Naglalaman ito ng cassava cake, bibingka at pakete ng sunflower seeds. Iniwan ni Mrs. Jansen ang pakete ng sunflower seeds sa hardin nila at nagtungo sa hapag-kainan habang dala-dala ang mga pagkain.

"Pedro!" pakantang pasigaw na paanyaya ni Mrs. Jansen sa asawa.

Humahangos naman na dumating si Mr. Jansen sa hapag. "Paloma naman~ it's Peterson or Peter not Pedro. Nakakatanda ka naman e." angal ng matanda sa kanyang asawa.

"Aba! Hindi mo na ako tinatawag na lovey doves?" nakataas kilay na sabi ni Mrs. Jansen.

Ngumisi naman si Mr. Jansen at niyakap patalikod ang asawa saka binigyan ito ng magaang halik sa balikat. "Lovey doves..." malambing na sambit ni Mr. Jansen sa tainga ng asawa.

Lihim na napangiti si Mrs. Jansen saka harapang inirapan si Mr. Jansen. "Hmp! May binigay na mga pagkain si Peach. Yung bibingka mo saka cassava cake ko."

"Wow! Bigay ni Pichi-pichi?!" maligalig na tanong ni Mr. Jansen sa asawa.

"Oo. Kaya halika na at ubusin na natin ito." sagot ni Mrs. Jansen sa kanyang asawa at wala namang pag-aalinlangang kinuha ni Mr. Jansen ang bibingka at magana itong kinain. Habang si Mrs. Jansen naman ay tuwang-tuwang pinagmamasdan ang asawa kasabay nang pagkain niya sa kanyang cassava cake.

***

Kakalapag lang ng eroplanong sinasakyan ni Peach sa lugar kung saan siya pinanganak. Isa-isang pinababa ng mga stewardess ang mga pasahero. Nang makababa at makuha na ni Peach ang kanyang maleta ay agad niyang inilibot ang mga mata sa labas ng airport para hanapin ang taong nagbenta sa kanya ng bahay para maihatid na siya roon sa bagong niyang titirahan.

Naunang dumating ang mga gamit ni Peach kaysa sa kanya kaya wala na siyang aalalahanin pa. Pwera na lamang sa trabaho dahil kailangan niya muling mag-apply sa panibago na namang ospital.

"Ms. Biennial?" tanong kay Peach ng babaeng nakapantalon at t-shirt.

"Oho, Peach Daisy Biennial ho." sagot naman ni Peach nang makalapit sa kinaroroonan ng babae.

Tinulungan siya nitong isakay ang kanyang maleta sa likuran ng kotse na kanilang sasakyan papunta sa dating bahay ng babaeng kasama niya. Nang makapasok na sila sa kotse ay nginitian si Peach ng babae at nagpakilala ito sa kaniya.

"Ako nga pala si Helga. Helga Crisostomo."

Inilahad ni Helga ang kanyang kamay sa harap ni Peach na agad namang tinanggap ng dalaga. "Nice to meet you, Helga." nakangiting pagbati ni Peach kay Helga.

Ngumiti si Helga bilang tugon at pinaandar na ang kotse.

"Pwede bang magtanong?" sabi ni Peach.

Sumagot si Helga nang hindi nakatingin sa kanya marahil ay abala ang kakakilala niyang babae sa pagmamaneho ng sasakyan. "Oo naman. Kahit ano."

"Ahm... Bakit mo naisipang ibenta yung bahay mo?"

"Magmamigrate na kasi ako sa US. Ang baba kasi ng sahod ng nurse rito sa Pinas e." sagot ni Helga.

Strawberry CakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon