Sa ika-apat na pagkakataon ay bumili na naman sina Peach at Water ng pregnancy test. Water wants to make sure na hindi nga talaga niya nabuntis si Peach after may mangyari sa kanila isang buwan na ang nakalipas. Isama pa ang isang beses na pagpapacheck-up nila sa OB magmula nung biglaang nahilo si Peach - it turns out it was due to stress.
"Sis, kumusta? Negative ba?" tanong ni Water mula sa labas ng banyo.
Dahan-dahang bumukas iyon saka iniluwa noon si Peach na hawak ang nasabing pregnancy test na kagagamit niya lang.
Ipinakita ito ni Peach kay Water at labis ang saya na naramdaman ng binata. "Negative." sabi ni Peach na may maliit na ngiti sa mga labi.
"Salamat naman. Finally, makakahinga na rin ako nang maluwag. O, tapos na ang usapan natin ah. Magsstay ka lang dito sa condo ko hanggang one month to make sure na hindi ka talaga buntis pero kung buntis ka nga ay dito ka na muna titira kasama si baby at s-siyempre...nang hindi nalalaman ni Arkin."
"Oo, naiintindihan ko naman yun. Sabi mo nga, lasing lang tayo nun 'di ba?"
"Oo..." mahinang sagot ni Water.
Hinimas ni Peach ang likod ng kaibigan at tinapik-tapik. "Huwag kang mag-alala Tubig, matutuloy at matutuloy ang kasal ninyong dalawa sa America." pagbibigay assurance ni Peach sa kaibigan.
Malapad na ngumiti si Water kay Peach at walang pag-aalinlangang niyakap ang kaibigan. "The best ka talaga, sis! Bukod pa sa masarap ang iyong kipay." walang prenong pahayag ni Water na siyang ikinabigla ni Peach.
"Ha? P-paano? Sabi mo wala kang naalala sa nangyari sa atin?" magkasalubong ang mga kilay na tanong ni Peach kay Water.
Napasabunot sa buhok niya si Water habang kinakagat-kagat ang ibabang labi. "W-wala naman talaga, sadyang---nasanay lang ako na maging malaswa makipag-usap."
Nagtataka man pero hindi na naniguro pa si Peach kung nagsasabi ba ng totoo si Water o hindi. Instead, she just changed their topic.
"Siya nga pala, Tubig...baka hindi ako m-maka-attend s-sa ka-kasal ninyong d-dalawa ni, ni Arkin. Hindi kasi ako pinayagang magleave ng boss ko that day e." nahihiyang sabi niya.
Malungkot na tumingin si Water kay Peach at pinaglaruan ang mga daliri ng dalaga sa kamay. "Ganoon ba? Bakit naman daw bawal?"
"Alam mo naman, may pandemic. Wala talagang pahinga kaming mga nurse sa ospital. Nagkataon pa na rumami na naman yung kaso ng COVID sa bansa kaya hectic na naman yung schedule namin..."
"Sige. Padalhan na lang kita ng pictures and videos namin sa kasal." sabi ni Water bago bitawan ang mga daliri ni Peach sa kamay.
Tumango na lang si Peach bilang tugon bago umalis sa harap ni Water upang magtungo sa kwarto niya sa condo ng kaibigan para mag-impake na ng kanyang mga damit at ilang gamit na dinala niya sa condo ni Water.
"Tulungan na kita, sis." pagboboluntaryo ni Water na tulungan siya.
Hindi naman kumontra si Peach at tahimik silang naglagay ng mga damit sa maleta ni Peach. Ngunit, hindi rin nakatiis si Peach na makipagdaldalan kay Water.
"Ano nga palang theme ng kasal ninyo, Tubig?" taong ni Peach habang inilalagay ang mga nai-ayos niyang bra sa maleta niya.
"Tubig?" tanong ulit niya nang walang marinig na sagot mula sa kaibigan.
Nakatitig lamang si Water sa parte ng kama kung saan nakalagay ang mga bra ni Peach na inilalagay niya sa kanyang maleta. Iwinagayway ni Peach ang kanyang palad sa harap ni Water na siyang ikinabalik sa ulirat nito.
"A-ah, ano nga yung tanong mo?"
Namaywang si Peach habang nakatingin kay Water. "Ang sabi ko, ano yung theme ng kasal ninyo?"
BINABASA MO ANG
Strawberry Cake
Romance"Hmm, ang sarap pala nito sis! Pwede ko bang ubusin 'to lahat?" - Peach Daisy Biennial "No, just take a bite." - Water Chao Jansen © 2022 - 2023