CHAPTER 21: LEVEL-UP

534 12 0
                                    

"Kumusta ang pakiramdam mo, my dear?"

"Ayos lang."

"Sureness?"

"Yes na yes."

"Okie~"

"Punta tayo kila mama saka papa."

"No, no!"

"At bakit naman?"

"Mainit ulo sa'kin ni daddy e."

"Ano bang ginawa mo? Saka ano bang mga nangyari habang nasa mental health facility ako?"

"S-some shits... Wait lang, don't tell me nakalimutan mo na na-abduct ka, my dear?"

"Hindi naman, saka wala naman na rin yun sa akin. Ang mahalaga medyo matino na tayo 'di ba?"

"Ha ha kelan pa tayo tumino? Chariz. Sige, matino na tayo. Pero huwag kang pakampante diyan! Hindi pa rin nakukulong yung pinakalider nung sindikato na dumukot sa'yo."

"Hala! Mas malakas pa naman tama nun sa utak kaysa sa'yo. Kailangan niyo ba ng tulong? Alam ko pangalan niya saka alam ko rin yung itsura."

"Sa'kin mo na lang sabihin kasi delikado nga."

"O, sige. Ang pangalan niya ay Penny tapos mahilig siyang magcap na black at shades na black. Mahaba buhok niya na wavy at kulay brown yun. Nakasuot din siya palagi ng mask na black at yung attire niya puro fitted at kinapos sa tela. Kuha mo ba?"

"Oo, narecord ko dito sa phone. Nakakatamad kasi magsulat, my dear!"

"Loka! Pero atleast may information na tayo sa kanya."

"Alam mo ba yung boses niya?"

"Oo pero feeling ko hindi mo pa rin naman siya madidistinguish kahit i-describe ko sa'yo."

"Weh? Alam mo ba rin i-describe? Hindi kasi ako pinasama sa mga rescuer ni ninong e."

"Hehe hindi."

"Loka-loka ka rin e! Bagay talaga tayo hihi."

"Hahaha sige na nga hindi na ako aangal."

"Sus! Patay na patay ka lang sa akin e."

"Wow ah! Ikaw nga 'tong nangidnap sa'tin e. Ginalaw mo pa 'ko ng walang malay."

"Sorry..."

"Sad ka na niyan?"

"Oo, paulit-ulit mo kasi sinusumbat sa akin e...feeling ko hindi mo pa rin ako napapatawad."

"Napatawad na kita!"

"Talaga ba? Sure ba talaga?"

"Oo. Kung hindi, hindi naman ako nandito at nakikipag-usap sa'yo."

"Ah...tingin ko kailangan mo pang magstay doon sa facility."

"Gago!"

"Hoy! Bunganga mo ah, pasakan ko yan ng ano..."

"Ano?!"

"B-basta...huwag ka nang magmumura!"

"Hmm...kahit gumagawa tayo ng baby?"

"Peach. Daisy. Biennial..."

"Yes, Water Chao Jansen ko?"

"Paramihin ko yang nasa tiyan mo e."

"Lels! Hindi na pwede."

"Pero pwede naman ilang months pagkatapos mo manganak hahaha."

"Happy? Layasan kita ulit e!"

"Joke lang, my dear."

"Punta na kasi tayo kala mama at papa! Miss na miss ko na kaya sila."

"Ihhh hindi pa ako ready."

"Mahal ka nila at anak ka nila. Walang magulang na kayang tiisin ang anak."

"Pero kaya ka nilang tirisin."

"Ano ka kuto?"

"Hindi, garapata. Char! HB ka naman agad."

"Let's go na!"

"Sige na nga! Ito na!"

"Ay, napipilitan?"

"No na no. Halika na! Gora na us ajuju."

***

Gaya ng napagkasunduan ng ating main couple sa istorya na nagkaayos na rin sa wakas pero mga may saltik pa rin sa utak ay bumisita nga ang dalawa, ay tatlo pala - don't forget the baby.

Si Water ang nagmaneho habang si Peach naman ay lumalafang lang sa passenger seat habang kumakanta ng walking my way downtown walking fast, pacing fast and I'm home now. Kayo na bahala magcorrect ng lyrics kung mali man hehe.

"Thousand miles, baby!" hiyaw ni Peach na feel na feel ang kanta habang si Water naman ay nakangangang naghihintay na subuan ni Peach ng binili niyang cheese burger para sa kanilang mag-anak.

"Feed me too, my dear." ungot ni Water ng may halong pagmamakaawa. Nanuyo na kasi ang bibig niya pero abala pa rin si Peach sa pagtapos ng kanta.

Natigilan si Peach at napalingon kay Water. "Ay! Oo nga pala." anya at sinubuan ang tatay ng kanyang anak at minamahal na ferson.

"Drinks pa, my dear. Nauuhaw na ako." pakisuap ni Water kay Peach.

Kinanta muna ni Peach ang huling lyrics ng kanta bago bigyan ng inuming juice si Water. "O, ayan."

"Thanks."

Strawberry CakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon